bc

Love Somebody

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
possessive
playboy
dominant
goodgirl
CEO
comedy
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

At the age of thirty, Tiana Dimacuja is no longer a proud member of NBSB club. Aba! Dapat lang. Never been kiss and never been touch. Ang saklap ng buhay! Habang ang mga kaedarang babae ay nakaka isang dosena ng anak siya naman ay abala pagpapaalila sa babaero, feeling God's gift to women niyang amo.

But on the night of her birthday, something happened! Maputol na kaya ang pagiging manang niya at finally makahanap ng true love?

chap-preview
Free preview
Old Maid
"HAPPY BIRTHDAY to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" Naiiyak ako habang pinagmamasdan ang cake na may nakatirik na number 30 na kandila. Hindi ko magawang hipan iyon. Di ko magawang matanggap ang katotohanan isang taon nalang wala na ko sa kalendaryo. Parang kailan lang...  Parang kailan lang... Tapos ngayon...Old maid. From now on, iyon na ang bansag sa akin.  Ang sakit! Ang saklap! Nasaan ang hustisya! Ano bang pinaggagawa ko for the past few years? Lord, am I destined to grow old alone and lonely? Ewan ko kung anong klase ng kamalasan ang tumama sa akin o sadyang wala lang akong ka-appeal-appeal sa mga lalaki. Minsan gusto ko nang magduda sa sarili ko, baka naman kasi isa talaga akong lalaking nakulong sa katawan ng drop dead gorgeous and sexy na babae, kaya walang magkamaling pumatol sakin? "Tia, aren't you going to blow your candle?" Ngiting-ngiti parin ang officemates ko. Parang mga nang-aasar. Iniisip siguro nilang sobra akong na-touch sa surprise birthday party kaya mangiyak-ngiyak ako. Kahit ang totoo, parang movie trailer nag-flash back ang buhay ko for the past thirty years. A lot of lost chances and opportunities had passed me. Bakit kasi nagpakachoosy ako. Masyado yata akong nagpakabusy sa trabaho. I lost track of time. Ngayon ko napag-isip-isip, ni minsan I never go out on a date. Not once. Ako 'yung tipong hindi ligawin, in fact mabibilang sa kamay ang mga naglakas loob magpahaging.  Ang pinakamakulit sa lahat ay si Berting Bungi. Kung alam ko lang aabot ako sa ganitong edad na single, sana kahit si Berting Bungi pinatulan ko na. May hitsura naman si Berting, kailangan lang talagang gastusan ko ang pagpapakabit ng pustiso niya. Napangiwi ako. I sounded too desperate. Pikit-matang hinipan ko ang kandila. This is it! Totoo na ito, I am really an old maid now. Nagpalakpakan ang mga kasama ko, sabay-sabay silang lumapit sa akin para bumati at mag-abot ng regalo. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkakasiyahan nang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Sir Jace Tyler Torrez, ang presidente ng kumpanyang pinapasukan namin. "Sir J-Ty! Kumusta po? Mabuti napadaan kayo sa party?" Ngumiti si sir iyong ngiting halos makalaglag-panty. Gwapo si Sir, ang totoo niyan isa siya sa kilalang bachelors in town. Bukod sa mayaman, pag-mamay-ari niya ang ibat-ibang chain of hotels sa bansa at habulin ito ng kababaihan. Iyon nga lang, kahit kailan hindi ko siya nakitang nagseryoso sa mga babae. Linggo-linggo, ibat-ibang babae from the high society ang ka-date niya. "Mapapalampas ko ba naman ang birthday ng paborito kong secretary?"humarap siya sa akin. "Happy birthday, Miss Dimacuja." Si sir, talaga echosero. Ako lang naman ang nag-iisang secretary niya. "Thank you po, Sir. Halika, kain po kayo." Dinala ko siya sa maliit na lamesa punong-puno naman ng pagkain. Unexpected ang pagdating ni Sir, hindi ako prepared. Sana nakapag-make up man lang ng konti. Galing pa kasi siya sa business meeting at hindi na namin inasahang hahabol siya. Naki-join siya pagkain. He may be the president of the company and a high society personality, down to earth parin siya at marunong makisama sa mga tauhan. "Sir, do you want to sing?"baling dito ng biritera kong officemate, after ng limang song and dance number sa videoke ngayon lang nito naisipan magshare. "No, thanks. I dont sing." "Why sir? Sayang naman. Kalook-alike mo pa naman si Adam Levine. Pero siyempre, Sir. Mas guwapo ka. Tumawa si Sir J-Ty. Loka talaga tong si Ow. Pati si Sir, hindi pinalampas. "Why dont you ask the birthday girl? Maybe she can sing for us." Nanlaki mata ko. "Naku, sir! Hindi ho ako kumakanta. Ipaubaya nalang natin sa mga frustrated singer ang pagko-concert." "But we want to hear your voice. Right, guys?" "Ay, opo."Chorus ng lahat. Siyempre, Big Boss ito. Sino ba naman ang maglalakas-loob tumanggi? "Tia! Tia! Tia!" "Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!"Iiling-iling na tumayo ako at nagtungo sa unahan. Kinuha ko ang mic kay Ow. Maya-maya lang nag-intro na yung kantang napili ko. Parang mga luko-luko naman pinagpagitnaan ako ng officemate kong lalaki na kapwa gumiling-giling na parang mga sexy dancer sa club. Naghiyawan ang mga officemates ko sabay sigaw ng, "Take it off! Take it off!"sa dalawang kumag. Ako naman ay impit na napatili. Mabuti nalang lumitaw na ang titulo ng kanta. "Tumatakbo" by Mojofly. "Laging bigo Laging sawi sa pag-ibig Minamalas, o kay lupet May balat nga ba ako sa pwet? Mabuti pa ang tindera sa aming kanto Nakakainggit Tl... Ang sweet nila ng kanyang nobyo..." I saw Sir J-Ty, watching me. Hindi ko mabasa iniisip niya pero mukha naman nag-eenjoy siya. Pinagbuti ko pa ang pagkanta kahit alam kong sumasabit ako sa high notes. Ang dalawang kumag naman parang mga bulateng gumigiling-giling. "Go, Tia!" "Wooooh! Idol!" Mga baliw talaga eh! "Gusto ko lang maranasang umibig Tamaan ni kupido Gusto ko lang maranasan ang langit Tumibok muli ang puso ko Tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon Di na nagbago bawat araw Pare-pareho, Parang kahapon May birthday cake ka nga Ngunit wala namang kandila May christmas tree na malupet Wala naman dekorasyong pansabit Sadyang ganyan ang aking buhay Walang kasing tamlay Ayoko sanang tumandang nag-iisa Tatanggapin na lang ba Ang malupit na tadhana O kaya'y tatanggapin na lang Na ako'y sadyang hindi pinagpala Tigilan na ang drama Punasan na ang luha" Nag-bow ako nang matapos ang kanta. Nag-bow din si Gave at Ned, na proud na proud sa kalokohan. Nagpalakpakan naman ang audience, kahit si Sir J-Ty. Nanguna sa pag-standing ovation na parang isang kamangha-manghang bagay ang ginawa ko. Sigaw pa nang sigaw ng "More! More!" Kahit alam kong parang pinukpok na lata ang boses ko. "Naks! Idol na talaga kita, Tia. Puwedeng pa-fan sign?"Nang aasar na lumapit si Gave, isa sa bulateng gumiling-giling sa harapan kanina. "Tse! Fan-sign mo, mukha mo!" "Ayaw mo non? May instant fan ka na. Ako!"He pointed at himself. "Grabe! Ang ganda pala ng singing voice mo. Na-in love nga yata ako sa boses mo. Sana boses ka nalang." Nginisihan ko lang siya. "Ang galing mo rin sumayaw kanina." "Talaga?" "Para kang bulate sa lambot ng katawan. Sana naging bulate ka nalang." Pagkasabi niyon nag-walk out ako. Trust Gave to always ruin my day, even if it's my birthday. "That was good performance out there, Tia. May talent ka pala sa singing?" Natatawang bati ni Sir J-Ty pagkabalik ko sa upuan. Namula naman ako. "Isa ka pa, Sir." Tumawa lang siya lalo. "Wait, I have something to give you." Hinila niya ako papasok sa pantry. Isinara niya ang pinto niyon at ini-lock. "S-Sir?"Maliit lang ang espasyo ng pantry, halos dalawang katao lang ang kasya doon, masikip pa. Lumapit siya sa akin hanggang sa magkatapat kami. Halos gadali na lamang ang pagitan ng katawan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng simulan niyang hubarin ang coat. Oh my God! Hindi kaya may lihim na pagnanasa sa akin si Sir J-Ty? Pero hindi puwede may iba akong gusto! Anong gagawin ko? A. Papayag ba ako? B. Sisigaw? C. Magpapaubaya? D. Nalang kaya? Ako na ang susunggab? Noon ko naalalang kahit pala first kiss hindi ko pa naexperience. Napakasaklap talaga ng buhay ko. Matandang dalaga na nga tigang parin sa halik? Ayokong mag-assume but being in a small room with him hindi ko mapigilan mag isip ng kung anu-ano. Ano bang meron sa pantry at napupuno yata ng kahalayan ang utak ko? Hindi pa nakatulong ang pagkakalapit namin. Si Sir J-Ty na kaya ang maging first kiss ko? "Tia..." "S-Sir?" Oh my God! My mind screams. Is this really is it, Lord? Ito na po ba talaga ang katuparan ng pangarap ko? My heart beats faster with anticipation when he lazily crossed the distance between us and slowly captured my lips... "Happy birthday uli, Miss Dimacuja. Pasensiya ka na sa gift ko ha, I was so busy for the past few days I havent got you a proper gift. But since I know how you love, signature bags, I guess this will do.... Wait, anong problema? Bakit nanunulis ang nguso mo?" Napadilat ako. Para akong binagsakan ng hollow blocks sa ulo. Ilusyon lang pala... Nasalubong ko ang nagtatakang tingin ni Sir J-Ty. Kahit naman sinong makakita magtataka sa hitsura ko, alam kong mukha akong bilasang isda kanina habang nakausli ang nguso. "Are you alright?"dumapo naman ang kamay niya sa noo ko. "Wala ka naman lagnat." "Sir..." Anong sasabihin ko? Na harap harapan ko siyang pinagpantasyahan sa ilalim ng liwanag ng LED light at sa loob ng masikip na pantry kung saan kapiling namin ang percolater at coffee mugs? Pantasya? I cringed at the thought. This can't be. "Hey! You seem startled." "Sir... Akala ko kasi... Eh kasi..." Paano ba ako magpapaliwanag na hindi magmumukhang desperada? Dapat ko bang aminin pinagpapantasyahan kong halikan niya ako? Sukat napabulalas siya ng tawa. "Why, Miss Dimacuja? What do you expect me to do?" Napakamot ako sa ulo. "W-Wala naman, Sir. Meron ba dapat?" He smirks. "If you want a kiss as your birthday gift, madali akong kausap. I can give you one right now if you want." "S-Sir! W-Wag po... Maawa ka please, v-virgin pa ako,"Baka mabuntis ako! Kung nakakabuntis man ang halik gaya ng madalas na panakot noon ng matatanda sa probinsya namin, malamang sangkatutak na ang anak ni Sir J-Ty, puro panganay pa! Sir J-Ty leaned closer on me then chuckled. "You're such a funny girl. Dont worry, dahil birthday mo ngayon, this secret will remained between the two of us. Hindi ako kiss and tell na lalaki. Hinding-hindi ko ipagsasabing pinagpapantasyahan mo akong halikan habang nandito tayo sa pantry." Kapal ng mukha ha? Mabuti nalang guwapo ka. "Sir, nagkakamali ka-" "What? Are you still going to deny it? Huling-huli na kita,"He tilted his head. "I'll let this one go, alam kong nadala ka lang sa kaguwapuhan ko, Miss Dimacuja. But remember my number one rule. Do not fall in love with me." Pinatirik ni Tia ang mata. As if! "Ikaw, sir. Ambisyoso ka!" Nilangkapan ko ng tawa ang sinabi kahit gusto ko nang tangayin sa lakas ng hangin niya. Kunsabagay may ipagyayabang naman. Ngumiti lang ito. "Happy Birthday. Thank you for making everything easy for me."Inabot niya ang maliit na kahon na may ribbon sa kamay ko. Ngunit hindi iyon ang labis na nagpagulat sakin kundi ang halik na ibibigay niya sana sa pisngi ko na dumapo sa labi ng hindi sinasadyang napalingon ako sa gawi niya.... It was just a brief kiss, it felt as if a light feather touch my lips but it sent a tingling sensation all over my body. Kapwa kami natigilan at nagtitigan. Tumikhim siyang tila naiilang bago natawa ng mahina. He greeted me once again then left. I was left speechless and shock. Totoo ba ang nangyari? Did we really just kissed a while ago? Pinagmasdan ko ang sarili sa maliit na salamin ng dingding. My face was flushed and red, but there was something in my eyes that I couldn't explain. Napatutop ako sa labi ko. Everything that happened was unexpected. And it happened on the night of my birthday. Napatingala ako sa langit ay kisame pala. Alam ni God ang matagal ko ng birthday wish. And it seems sa gabi ng 30th birthday ko, God granted me one of my wishes. And that is to be kissed by a man. Napaantanda ako. Parang gusto kong kilabutan. Lord, is this Your sign to me? But why, Sir J-Ty of all people?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.8K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
862.5K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook