CHAPTER 5: BACK TO SCHOOL

1664 Words
Pagbaba ko pa lang sa koste ko ay tumambad sa akin ang mga co-student ko na gulat na gulat sa biglaang pagdating ko sa skwelahan. Sino nga ba naman ang hindi magugulat kung bigla na lang papasok ang isang estudyanteng nagbakasyon ng ilang buwan. Natapos na lang ang first sem hindi pa nakabalik, ngayon lang second sem. Siguradong mag-aalburuto na naman ang butsi ng mga professor ko dahil mamomroblema sila paano tatapakan ang mga absent ko. Kung paano rin ako papasa para maka-enroll ng second sem. Though, sisiw lang sa akin pero hindi talaga biro rin ‘yung ginawa ko. Masyado akong nag-enjoy sa naging bakasyon ko kaya nakalimutan ko minsan na estudyante pa pala ako. Lalo na’t nakalimutan ko na iniwan ko na lang bigla ‘yung studies ko at kalagitnaan pa ng sem na ‘yun. Lol! Ang natatandaan ko, long weekend noong mga panahon na iyon tapos naisipan kong magpaalam sa family ko na magbabakasyon muna ako sa ibang bansa. Tapos sinabi ko pa sa family ko na babalik ako pag-back to school na kaso hindi nangyari. Nag-enjoy ako sa bakasyon ko. At first, hindi pumayag sina mommy pero makalipas ang ilang minutong pagtawag ko ay sinabi nilang mag-iingat ako kung san man ako ng mundo.   I sigh and flash a sweet smile na lang sa mga estudyanteng nakatingin at pinagkakaguluhan ako. Nasanay na ako pero minsan naiirita ako lalo na't nagiging wild sila minsan pag nakikita ako. Lalo na pag dudumugin din ako ng mga estudyanteng nasa kabilang building. Business Management, Accountancy and etc. kasi itong building namin. Nasa kabila naman ang College of Engineering and etc. Kung idadagdag pa sila sa dudumog sa akin baka ano na ang mangyari sa akin. Naku! Magmumukha akong ginahasa pag nagkataon kasi muntikan ng mangyari ‘yun dati. Buti na lang may nagrorondang guards sa mga oras na iyon kaya mabilis silang humarang sa mga estudyanteng dudumog pa lalo sa akin. To the rescue rin ang kapatid ko para maisakay agad ako sa kotse niya at makaalis nang tuluyan sa school.  Ayaw kong mangyari iyon sa akin ulit baka sabihin ko na kina mommy na huminto na lang ako sa pag-aaral at mag-focus sa work ko at the same time ay magliwaliw na lang kung saan ko man gusto. Pero except na lang sa mga taong mahilig sa attention dahil for sure numero uno sila na kakaway sa harap ng maraming tao, daig pa ang nangungumpanya. Doon sila sumasaya pero ‘di ako katulad nila, sapat na sa akin na nagagawa ko ang gusto ko. Plus na lang ‘yung mga humahanga sa akin, nagpapasalamat naman ako ngunit minsan sobra na pag wala na sa lugar minsan. Mapanakit ‘yung iba lalo na pag balak talaga nila na hawakan ka, magkakapasa o sugat ka na lang. Masyado rin kasing maraming students dito dahil nga malaki rin ‘yung school namin tapos may malalaking building pa by colleges.   "Namamalikmata ba ako?"   "My gosh! Is this for real?"   "Pumasok nga talaga siya! Akala ko another jokes na naman ang binalita nila kahapon na papasok na si Kana Yanares."   Anong akala niya sa akin? Hologram? Mga tao nga naman, maliit na bagay pinapalaki pa at kung maka-react parang galing ako sa himlayan ko. Pero sabagay, ang tagal ko ring nawala.   "Tangek! Siya talaga iyan"   "Oo nga, tignan mo, nariyan iyong magara niyang sasakyan na pati tayo ‘di makaka-afford."   "Nahiya nga iyong binigay ni daddy na imported na sasakyan sa sasakyan niya. Kakaiba, diba? Ang cool din."   “Pero bakit kaya rito pa rin siya nag-aaral?”   “Syempre matalino naman siya kaso ayaw niya lang ipakita. Kaya nga naka-enroll pa siya, diba?”   “Kahit naman na hindi siya mag-aral angat pa rin naman siya sa atin.”   Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.   Naglalakad na ako sa hallway nang makita ko ang reaksyon nilang lahat. Kailan pa ba ako masasanay rito? Pero ang weird dahil wala rito ang mga taong sakit sa ulo. Which is sila naman dapat ‘yung unang makakaamoy ng pagdating ko. Mukhang inakala rin nila na hindi ako papasok ngayong sem.   "Totoo pala sinabi nila. I'm sure uusok na naman ilong nina Eunice sa kaniya."   "Ang cute nga nila eh. Kung hindi ko sila kilala mapagkakamalan ko silang magkaibigan."   “Kaibigan? Eh halos magsabunutan nga silang dalawa pag nagkikita eh.”   That’s not a good joke. Ayokong maging kaibigan ang tulad niya. Hindi sa ayaw ko sa kaniya mismo kundi sa kaniyang ugali. Hindi ko kaya.   “Bulag ka ba? Pagnagpang-abot nga sila laging may gulong nangyayari sa pagitan nila. Minsan naman ay nagkakasagutan talaga sila.”   “Oo nga, paniguradong may gagawin na naman si Eunice. Last sem nga tahimik siya kasi nga wala ‘yung pinaka-rival niya.”   “Paano kaya kung magseryoso si Kana? Siguradong iiyak talaga si Eunice kasi malalampaso na naman siya.”   "Ano ba?! Sabi ng tabi! Akala ko ba tubig lang ang nagbabaha pati pala kayo! Alis!" Sigaw ng isang mestisang babae na asar na asar sa nakikita.   “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit naisipan niyo pang magtipon-tipon dito. Wala namang event!”   Nagkamali pala ako dahil dumating na sila. Kaya napatigil na lang ako sa paglalakad dahil sa aking narinig.   Napako agad ang tingin niya sa akin ng humawi na ang mga tao sa hallway. Bigla siyang tumayo ng tuwid at kino-compose ang sarili pati rin ang kaniyang mga kasama. Nag-iba rin ang facial expressions nila, naging mas b***h tignan. May mga attitude problem talaga. Kahit wala akong ginagawa sa kanila o tahimik lang ako ay lagi pa rin ako ang punterya lalo na pag nagkakasalubong kami o nasa iisang lugar kaming dalawa kasama ng mga kasama niya.   Ang weird ha? Kaya tinaasan ko siya ng isang kilay habang nagpatuloy ako sa paglalakad. Nahawi na kasi ‘yung tao sa hallway kaya madali na lang lumakad paalis sa mga taong nanunuod na sa amin. Mukhang naghihintay ang mga ito sa susunod na mangyayari sa pagitan namin ng grupo ni Eunice at sa akin. Sabagay, ang tagal na rin kasi noong huling sagutan namin eh. Bigla ba naman akong nawala. Buti na lang hindi nila naisipan na tumakas ako o nag-stop na ako sa studies ko dahil kay Eunice.   "Look who's here? Ang babaeng pa VIP." Sabay smirk niya sa akin.   Napansin ko pa paano niya ako hagurin ng tingin. Mukhang naghahanap na naman ng maipipintas sa akin kahit wala naman siyang mahanap kahit isa. Tinignan ko na lang siya at tumingin sa harap, hanggang sa tuluyan ko na silang lagpasan. Ayokong makikipag-staring contest sa kaniya. Nakaksura na rin siyang tignan talaga.   "Look who's talking." Sabay lingon sa kanila at flash ng sobrang tamis kong ngiti na pati langgam mada-diabetes. Bago ko tuluyang lisanin ang kinaroroonan nilang lahat.   Waste of time! Kung hihinto pa ako baka abutan pa kami ng lunch dahil siguradong ni isa sa amin ay ayaw magpatalo. Matataas kasi pride namin pero mas ginagamit ko utak ko. Nakikipagsagutan ako sa kaniya pero ilang minuto lang tapos aalis na agad. Pero syempre, ‘yung pag-alis ko dapat may malupit na salitang bibitawan para hindi masabing ako ang talunan. Be smart lang! Be, like me lang naman para easy na lang for you na um-exit na hindi ka luhaan.   ***   "I'm sorry, I'm late," sabi ko nang makapasok ng tuluyan sa classroom.   Lahat ng pares ng mata ay nakatingin na sa akin at ang atensyon ng guro namin ay nasa akin na rin. Halatang na-interrupt ko siya sa lesson niya dahil napa-irap pa ito sa akin. Sensya naman! Hindi sana ako mali-late kung wala lang taong tumawag sa akin.   "Like the old times, Ms. Yanares. Walang nagbago." Bagot na sabi ng guro ko.   Natawa tuloy ang nasa loob lalo na ang babaeng nakasalubong ko sa hallway kanina. Another show for today. Naku, naman! Kakapasok ko lang pero ramdam ko na parang mapapaalis na naman ako sa class niya.   Sino bang hindi mali-late kung tawagin ka ng magaling na dean at pilit na makinig sa lintaniya niya na paulit-ulit na lang. Kulang na nga lang ay sabihin ko sa kaniya ng harap-harapan ang lahat nang sasabihin niya sa akin dahil memoryadong-memoryado ko na talaga. As you can see, masyado akong 'close' sa mga professor and dean. Psh! And that's a bad thing! Lagi kasi ako ang nakikita kahit wala pa akong ginagawa. Kaya nga minsan sasadyain na lang na gawin para masabing totoo ang napapansin ng professor. Para hindi naman masayang ang mga ginagawa nila.   Nang marating ko ang upuan ko ay agad kong nilagay ang bag ko at sumubsob sa desk sabay pumikit. Na-drain ang energy ko dahil sa kanila. Kailangan ko na namang mag-hibernate. Ito talaga ang problema sa akin lagi lalo na pag masyado kong ginagamit ang isip ko, mas lalong mauubos lakas ko. Pag nararamdaman ko iyong antok, hala! Itulog! Kaysa naman pigilan, diba? Masakit sa mata, manghihina ka pa. Ayaw ko ring pigilan kasi ako lang ‘yung mapapagod. Hihikab lang ako lagi tapos maluha-luha pa mata ko kaya mas mabuting itulog na lang muna.   "Kakarating mo lang at ganiyan agad ang gagawin mo?" Pagpuna sa akin ng guro ko.   "At kakapasok ko palang iyan na ang sinasalubong niyo sa akin, Ms. Morell? Pwede bang abswelto muna ako sa araw na ito bilang pagbati sa aking pagbabalik dito sa skwelahan?" Humihikab na sabi ko sabay umayos ng upo.   Namula sa galit ang professor namin na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Ngiting aso na naman ang ibang kaklase ko. I know they miss this kind of scene. Ito ang dahilan bakit gusto kong mala-dora na lang kaysa ma-stuck ako rito at maging pula ng tuluyan ang pwet ko kakaupo rito. Siya kasi ang numero unong professor ko na lagi akong sinisita, pinapagalitan o minsan binabalak akong pahiyain sa harap ng mga kaklase ko. Sorry na lang siya dahil hindi ako isang klase ng tao na matatakot magsalita para depensahan ang sarili ko kahit sino pa ang kaharap ko. Ayoko rin kasing masanay ang mga katulad niyang professor na ganoon-ganoonin ang mga estudyante niya. As much as I can ay pinipigilan ko ang sarili ko na mapahiya talaga siya at magbitiw ako ng mga salitang magiging dahilan para masaktan ko siya. Ayoko rin naman kasi na makasakit ng damdamin ng iba lalo pa’t professor siya rito. Malaking kahihiyan iyon for her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD