I’m not Kana Yanares kung hindi. Lagi akong nag-iiwan ng isang impresyon na kailanman ay hindi makakalimutan ng nino man. Depende nga lang kung bad or good ‘yun. Nakadepende nga kasi kung paano ako pakitunguhan ng isang tao. If you are good to me then walang problema pero kung ganito ka naman makitungo sa akin? Isang malaking problema talaga.
"I know you." Mahinang sagot ko sa tanong niya.
Obvious naman na kilala ko siya pero hindi ako katulad ng iba na pagmakaharap ng isang artista ay uutal-utal na o matatakot. Siguro, nasa isip ng iba na mas ma-impluwensya sila kaya hinahayaan na lang nila na apak-apakan ng mga sikat. Pero natutuwa ako sa mga normal na tao na pinaglalaban ang karapatan nila. Kung ikukumpara ako sa kasikatan nitong kasama ko mas masasabi kong mas sikat ako at may magandang image kaysa sa kaniya. Iilan nga lang nakakakilala sa akin dito dahil nga model lang ako. Sa magazine lang ako lagi nakikita. Ngayon lang siguro ako ma fe-feature sa tv ulit dahil sa nasangkutan ko ngayon.
"You know me naman pala ta--..."
Pinutol ko na kung ano man ang sasabihin niya sa pamamagitan ng paglagay sa may bandag likod niya ang McFloat na dala ko. Habang nakatingin pa rin sa kaniya, sabay taas ng isang kilay ko, to the highest level.
Nonsense lang din naman kasi ‘yung lalabas sa bibig niya. I want to save her kahit papaano sa pagiging careless niya sa sarili niya baka mas lalo siyang mapahiya. At least, I’m still thinking about sa career niya at sa kaniya mismo. Nasasayangan din kasi ako sa mga achievements niya sa buhay. For sure naman pinaghirapan niya rin ang lahat ng natatamasa niya ngayon ngunit masyadong lumaki nga lang ang kaniyang ulo kaya siya umaakto ng ganito sa lahat. Nakalimutan na niyang umapak sa lupa. Kailangan dapat siyang hilahin pababa baka tangayin siya lalo ng kayabangan at kalaki ng ulo niya. Sa mundong ginagalawan niya pa naman walang permanent, lalo na pag lagi kang nasasangkot sa controversies. Madadamay rin kasi ‘yung company na kinabibilangan niya.
"Alam mo ba kung ano ang manners? Anyway, I know you. Ikaw ang walang modong babae na biglang papasok dito at mag-o-order ng McFloat at magrereklamo ng kung ano-ano. Bago mo ibuka ang bibig mo at sayangin ang energy mo sa kadadada riyan. Aware ka bang umiinit ang paligid dahil sa carbon dioxide na nilalabas mo?" Sinabi ko na lang.
Kitang-kita ko na uniti-unting namula ang mukha niya dahil sa galit. Palihim naman na tumatawa ang mga taong nakatingin at nakikinig sa amin. Tae! Bakit umabot ako sa compound element? Napaghahalataan na ako masyado akong mahilig sa science. Baka isipin nila na may advocacy ako regarding sa environment though, hindi naman masama. Lol! But, I still love mother earth. Hindi naman ako masamang tao na basta-basta na lang nagtatapon ng basura kung saan. Concern naman ako sa environment lalo na sa polusyon dito sa Pilipinas ngunit kailanman hindi ko naisip na pumasok o maging ambassador ng kung ano-ano na related doon. Nakakapagod makisalamuha sa mga pakitang-tao, sa totoo lang.
"McFloat," sabi ko sa babaeng nasa may counter.
Napagitla pa ang babae dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi niya inaasahan na ‘yun ang sasabihin ko after kong bumitaw ng walang kakwenta-kwentang salita sa eskandalosang babaeng kaharap ko.
"2, please." Dugtong ko.
Naguluhan man siya ay ginawa naman niya ang aking order at same sa in-order kanina, malaki ang binigay niya. Lahat ng taong nakatingin sa amin ay hinihintay ang susunod kong gagawin. It's showtime!
"Here." Sabay abot ko sa eskandalusang kaharap ko.
Bago pa magsalita ang babae ay inunahan ko na siya. Baka kasi hindi siya matapos-tapos kaya as much as possible ay huwag muna siyang pagsalitain. Baka hindi kami matapos-tapos dito. May pupuntahan pa naman ako.
"Mag-unahan tayong ubusin itong McFloat. Pero may twist syempre para masaya. Pag-iinumin natin ito ay walang titigil hanggang hindi maubos ang laman. Dapat walang dayaan. Kailangan straight na inumin talaga." Sabay upo ko at ngiting mapanghamon sa kaniya.
Agad din naman siya nag-smirk sa akin na mukhang pinapahiwatig na matatalo niya ako. As if naman. Matagal ko ng ginagawa ‘yun kaya malakas loob ko na hamunin siya. Hindi naman ako maghahamon kung alam ko na dihado ako. May utak pa naman ako kahit papaano. Mukha namang hindi niya nahahalata na iniisahan ko siya. Wala rin naman akong pakialam. Mas concern ako sa McFloat na nakasalalay rito.
"What's my benefit if I win? Siguraduhin mo na maganda ang sasabihin mo." Sabay upo niya sa kabilang upuan na kaharap ko lang naman.
Palihim akong napangiti dahil sa mga binitawan niyang salita. Halatang hindi talaga ginagamit ang isip niya. Diritso sunggap agad.
"Every time pupunta ka rito makukuha mo ang deni-demand mong McFloat na katulad nito na monster size, na sa akin lang naman dapat. Kahit labag sa akin itatayo ko na lang." Sabay roll-eyes ko.
Hindi ko mapigilan tapos iyong baby food ko pa ang pinapain ko na dapat sa akin lang. Hindi ako papayag na makuha niya ang monster McFloat ko dahil akin lang ito! Akin lang! Kahit magkasabugan ng utak wala akong pakialam basta sisiguraduhin ko, ako ang magwawagi sa aming dalawa.
Nag-smirk lang siya at hinawakan na ang straw. Pumunta sa may gilid namin ang staff ng McDo at sinimulan na ang paligsahan ng pag-ubos ng McFloat. Hindi ko alam pero nailang ako bigla sa ginawa nang staff.
"Ready. Set. Go!" Sabay hagis nang staff sa panyong nasa kamay niya na hudyat na nagsisimula na ang laban.
Hindi ko alam pero bakit may pa ganoon pa siya. Ano ito? Race track? Hahaha.
Walang tigil na ininom ng kaharap ko ang McFloat at nangangalahati na ito. Unti-unting namumula ang mukha niya. Baliw talaga. Sigurado akong masakit sa ulo ang ginawa niyang pag-inom agad. Halatang hindi sanay na inumin ng diritso ang malamig na drink na katulad ng McFloat. For sure, pinipigilan niyang ‘wag mag-react dahil mahahalata ng lahat na nasasaktan na siya sa ginagawa niya. Ako nga dati eh, naiyak pa ako kasi halos mabibiyak iyong ulo at ilong ko dahil sa sakit. Dahil sa sanay na ako, sisiw na lang iyon para sa akin. Para sa favorite ko hahamakin ko ang lahat, ganoon!
Nang kumalahati na talaga ang laman ng sa kanya ay ininom ko na rin ang akin at tumayo sa kina-uupuan ko. Iniwan siya with her shocking expression. Aba! Sino ba naman ang hindi? Pero sa totoo lang hindi ako nagkaroon ng brain freeze dahil doon. Sanay na nga kasi ako tapos baby food ko pa. Ayokong bastusin ‘yung baby food ko kaya pinagsikapan ko talaga rati na masanay na uminom ng ganoon. Buti na lang nagamit ko ngayon. At least na i-showcase ko kahit papano ‘yung weird na talent ko. Hahaha.
"Oh my God!"
"Totoo ba iyong nakita ko?"
"Shocks! Hindi ba sumakit ulo niya?"
"Paano niya nagawa? Unbelievable!"
“Grabe! Mukhang sanay na sanay siya sa ginawa niya kanina. Kaya naman pala naghamon siya ng ganoon.”
“Sabi ko na nga ba. Dihado talaga ‘yung isa dahil hindi naman maghahamon ‘yung isa kung hindi siya siguradong mananalo.”
“’Yan ‘yung taong lagi ginagamit ang utak hindi bibig.”
“Pahiya si ate. Eskandalosa pa. Hindi na nahiya.”
"Pa-paanong..." Utal na sabi ng babae sa akin dahil sa ginawa ko.
Pero ‘di ko na siya hinayaang ituloy pa ang sasabihin niya. Nakakapagod na rin kasi siyang pakinggan. Sakit din sa taenga ang boses niya.
"Say sorry to them at sa susunod na gagawa ka ng ganitong eksena think it first, dear."
Naglakad na ng tuluyan palabas at tumugil muna nung nasa tapat na ako ng pintuan, sabay humarap sa gawi niya.
"By the way, I'm the owner of this branch. Thanks, sa scene kasi dumami ata ang tao rito, Ms. Cleford" Sabay ngiti sa kaniya nang napakatamis pati langgam mada-diabetes.
Of course, I know her. Kahit papaano ay aware naman ako sa mga names ng mga artista lalo na pag masyadong matunog sa tv or social media dahil sa masamang ginawa. Habbit ko na siguro na ganoon kasi iniisip ko na darating talaga ‘yung araw na makasalubong ko sila o makaaway rin dahil nga lapitin talaga ako ng malas at gulo lagi. Hindi nga ako nagkamali kasi nakilala ko rin at naka-inkwentro ‘yung laging trending sa twitter si Ms. Cleford. Masyado rin kasing sikat ‘yung family nila.
"Oh? Bakit ko nagawa iyon? It's a secret and I won't tell you because my monster McFloat ay akin lang. See you when I see you. Oh, I’m Kana Yanares by the way." Pahabol ko pa bago tuluyang makaalis doon.
Anong akala niya? Model/Actress sana kaso ang laspag na ng ugali. Attention seeker talaga. Psh! Bakit naman kasi nagha-hire sila ng ganiyang klase ng tao? Seriously? Kaya nga pinili ang larangang iyon hindi dahil para sumikat kundi para pasayahin ang ibang nakakakita at maging inspirasyon lalo na sa mga kabataan. Pero dahil sa mga tulad niya, pumapangit ang image ng mga model/artitsa at nadadamay kaming mga mababait. Ang hirap, diba? Ang bait namin ta’s sila ganiyan makaasta. Saan ang hustisya roon? Hindi porket sikat pamilya nila at lagi na lang naaabswelto sa lahat ng ginagawa niya ay ganoon na lang siya umasta. Masyado siyang mapagsamantala sa impluwensya ng pamilya niya at niya mismo. Gumaya na lang siya sa akin, aside sa gaganda na career niya marami ring hahanga sa kaniya dahil sa mabait at professional na model/artista siya ngunit taliwas lahat ng pinapakita niya. Sayang! Tsk! Tsk!
Whatever I say, I should talk to my hands na lang dahil puros bluff na lang lumalabas sa bibig ko at nagiging conceited pa ako. Hays! Nai-stress na naman ako sa mga nangyayari ngayon. Ganda sana araw ko pero nasira lang dahil sa babaeng ‘yun. Mukhang matatagalan pa ako sa pagbalik sa fast-food chain ko dahil nga sa nangyari kanina. For sure kasi may mga reporter na mag-aabang. Though, hindi naman ako natatakot dahil natatakbuhan ko naman ang mga ito ngunit nakakapagod na rin kasi. Tapos alam ko na kung ano usually ginagawa ng ibang reporter. Kahit magpa-interview ka ng maayos tapos sasagutin mo rin ng maayos iba pa rin ‘yung lumalabas kasi minsan napapasobra ‘yung ginabawa nilang article, minsan naman ay kulang. Ayoko ring pag-usapan masyado. Kakabalik ko nga lang tapos ganito agad salubong sa akin. Baka ano rin magawa nina mommy. Ayaw pa nila na kinakawawa ako baka bumaliktad ang Pilipinas dahil sa maling ni-report sa tv o sa article.