48: Damn

1392 Words

Madilim ang buong silid nang makabalik si Caroline sa kanilang suite. Dumako ang kaniyang paningin sa wall clock na nasa gitnang bahagi ng pader at doon niya lang napagtanto na malapit nang mag-alas-tres sa umaga. Kinausap niya pa kasi si Peetah tungkol sa napag-usapan nila ng babaeng nagpakilalang kapatid niya. Ngunit ang higit na ipinagtaka niya ay nang hindi man lang nagulat ang uwak sa sinabi niya. Tila ba matagal na nitong alam ang tungkol sa bagay na iyon. May tiwala siya kay Peetah. Kung may inililihim man ito sa kaniya, ramdam niyang para lamang ito sa kapakanan niya. Si Peetah ang nagsilbing kasa-kasama niya sa mga panahong naiwan siya—mali—sa mga panahong iniwan siyang mag-isa. Ito ang gumabay at tumulong sa kaniya sa mga nagdaang taon. Tinulungang makihalubilo sa mga  mortal,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD