Sa kabila ng mga impormasyong nalaman ni Caroline ay mas inuna niya ang kapakanan ni Elexir. Walang lingon-lingon siyang tumalikod at nagpauna na pumasok sa loob ng hotel. Binaybay niyang muli ang daan pabalik sa bar kung saan niya iniwan ang binata. Nagpaulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng babaeng nagpakilalang kapatid niya. Sa mga nangyayari ngayon, kailangan niyang maging maingat at mapagmatiyag. Maaaring isa rin iyon sa mga paraan ng kaniyang kalaban para hilahin siya patungo sa kaniyang sariling katapusan. Sa kabila ng nakabibinging ingay sa loob ng magulong lugar ng mga lasing na mortal, itinuon niya lamang ang atensyon sa binatang tahimik na umiinim ng alak sa hawak nitong kopita. Maya’t maya rin ang paglingon nito na tila ba may hinahanap. Lihim na napangiti si Caroline ng

