- Candy - Nauna akong pumasok sa loob ng bahay dahil si Mickey ay hindi maawat sa toys na binili sa kaniya. Kaya iniwan ko na silang tatlo sa labas. Hinanap ng mata ko si Mama. Nakita ko agad ito na sobrang busy sa aming kusina. “Mama." ibinaba ko muna sa sofa ang helmet. Lumapit ako kay Mama pero ganun na lang ang pagkagulat ko. Maraming gulay at prutas sa lamesa habang nagsasalansan si Mama sa refrigerator. ”Anak." Tumayo sa pagkakayuko si Mama. “Ma... Paanong?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang si Mama na ang magsalita. “Naku, ito talagang si Leon ay este Leandro ay bumili ng pagkarami." “Mama.. binili po namin ‘yan kanina." Marami ang pinamili namin at tiyak na hindi magkakasiya lahat iyon dito sa refrigerator namin. “Nagulat nga rin maski ako. Akala ko kun

