- Candy - “Boss SD!" Napabalik sa tamang diwa ang isip ko sa malakas na pagtawag sa likuran ko. Sabay kaming napalingon ni Leandro. Pulis iyon na sumaludo muna kay Leandro bago lumapit. Tumango ang pulis sa akin pagkakita at dumiretso ang tingin kay Leandro. Bago pa nakalapit ang pulis ay mabilis pa sa hangin na nakayakap ang braso ni Leandro sa bewang ko. Hindi tuloy agad ako nakapagprotesta. Nagkamayan ang dalawa. “Kayo na ang bahala." salita ni Leandro. “Opo, SD. Dumating na ang driver. Ako na ang sasama para siguradong makakauwi." napangisi pa ang pulis at napatingin din sa akin. Hindi ko ma-gets kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. “Good. So, paano. Una na kami? Papasiyal na lang ulit ako dito sa ibang araw. " Mabilis na tumango ang pulis. “Walang problema, SD!

