- Candy - Imbes na umuwi kami ay diniretso ni Leandro ang kaniyang big bike sa isang amusement park. Nasa itaas iyon ng bundok, nung bata ako ay sikat ang parke na ito pero sa pagdaan ng panahon ay naluma na. Hindi na ito pinupuntahan ng mga tao, at ang playground na gustong-gusto ng mga bata ay nasira na at ang iba naman ay kinalawang na at delikado na para laruin ng mga bata . May iilan pa rin namang namamasyal sa lugar na ito pero madalas kung hindi grupo ng kabataan ay mga magkasintahan na namamasyal at gusto lang ang tahimik na paligid. Nang ihinto ni Leandro ang kaniyang motor sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang malaking puno ay hinubad ko ang helmet, sumasabay sa hangin ang buhok ko kaya feeling ko ay mukha na akong bruha. “Bakit dito tayo? Kanina pa kita tinatanong kung

