- Candy - “Papa." Nagulat ako ng makita kong nakaupo sa bangkito si Papa habang nagkakape dito sa tapat mismo ng pintuan. Agad akong yumuko para magmano. “Bakit ngayon ka lang?" mahinahon lang ang boses ni Papa. Hindi tunog galit pero ramdam ko ang seryoso sa boses nito. Kinabahan ako ng kaunti. “P-pasensiya na po, Papa. Napasobra ako ng oras sa birthday na pinuntahan ko." Napayuko ako. Bigla akong nahiya. Hinintay ako dito mismo ni Papa, na dapat sa ganitong oras ay nagpapahinga na ito. Kahit matagal ng naoperahan si Papa ay kailangan niya pa rin magpagaling ng husto dahil may mga gamot pa rin itong iniinom. Pagod pa ito sa maghapon dahil sa bukid. Bumuntong hininga lang si Papa at tinala ako. “Wala namang masamang nangyari sa iyo?" Napataas ang dalawang kilay ko kay Pap

