Chapter 4 (Part 2)

2394 Words
"Nagulat ba kita?" si Leandro. Tinanong pa talaga ako ng mokong na 'to. Kahit sino ay magugulat dahil bigla-bigla na lang itong susulpot sa aking likuran dito pa man din sa loob ng bakuran namin. Binitiwan ko ang hawak na tabo at dumiretso iyon sa timba. "P-paano ka nakapasok dito?" nagpalinga-linga ako. "Akyat bahay ka 'no?!" "What the hell. Im not." Napaawang labi ko sa pa-english english nito. Pero iniba ko ang paningin dahil kakaiba ito kung makatitig sumabay pa ang pagtibok ng puso ko. Tumayo ako ng tuwid at napatingin sa pintuan kung saan papasok iyon sa kusina. "Anong ginagawa mo dito? M-may kailangan ka ba?" pinatigas ko ng boses ko para hindi halatang kabado ako. Ang ilaw na nagbibigay liwanag ay mula pa sa poste sa labas ng bakuran kung saan malapit ang kwarto ko sa itaas. Naka-itim itong t-shirt at heto na naman ang suot niyang damit parang nananadiya magpabakat ng katawan. Pasimple akong napasinghap dahil nakamaong ito na short na umabot sa tuhod. Ito ang unang beses ko na makita ito ganun. Kitang-kita ang mga tattoo nito sa magkabilang binti nito, habang kanang binti nito ay umabot hanngang sakong ang tattoo. Hindi ba ito nasaktan sa karayom? Pero kahit marami itong tattoo ay hindi kabawasan sa taglay nitong kagwapuhan.. ang bango pa. Tumikhim ako. Ang bilis ng utak ko na pansinin ang kabuuan nito. Titig itong nakatingin sa akin kaya halos hindi ako mapakali. "Nagpunta ka ng apartment nang wala ako..." "N-naghatid lang ako ng ulam dahil pinautos sa akin ni Mama.." "Thank you. I really appreciated it. " Uminit ang puso ko sa sinabi nito. Kahit inutusan lang naman ako ni Mama. "I-ikaw daw kasi nagbayad sa tricycle kanina.." mahina kong salita. Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng short nito at nagkibit balikat. "K-kaya bilang pasasalamat, hinatiran ka ng ulam." "That was just a simple help, and I didn't expect your parents to repay it with kindness." Napaawang ang labi ko at sinalubong ang mata nito. Sa bawat salita nito ay hindi ito basta-bastang tambay lang diyan sa kanto. Kakaiba kasi kung kumilos ito na para bang professional, tulad na lang kanina nung tinulugan niya ako kumuha ng sinampay. Habang nagkakape ito ay panay ang tanong nito sa mga larawan na nakasabit sa dingding. Ayoko man magkwento ng sobra dito ay hindi ko mapigilan lalo pa at para bang marami itong nalalaman. Nagulat pa ako nang sabihin nitong kakilala daw niya ang may-ari ng Zimmerman Hospital kung saan nagta-trabaho si Ate Cassey. Nagtatanong din ito sa pamangkin ko at sinasagot ko lang ng pahapyaw. Sinabi ko na lang na patay na ang Daddy ni Mickey para wala na itong tanong, hindi ko ma-gets kung bakit muntik na itong matawa kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko alam kung nanghuhuli lang ito ng loob or nangloloko lang, dahil kung balak naman nitong magnakaw ay wala naman itong mananakaw sa loob ng bahay namin bukod sa puro luma na ang gamit namin ay wala namang nakakasilaw na mahahalagang gamit. "Akyat-bahay ka ba? Nakakadalawang beses ka ng nakakapasok dito sa bakuran namin." tumaas ang isang kilay ko at nagduda dito. Narinig ko na lang ang mahinang kaluskos na may nagbubukas na ng pintuan sa harap ng aming bahay. Si Papa! Sabay kaming napalingo ng bumukas iyon. "Umalis ka na! Baka makita ka ni Papa at baka mayari ka!" mahina kong salita habang nataranta. "What? I can talk to your farther." Salubong ang kilay na tinignan ko ito. Nawala na ang kaninang pagkailang ko dito dahil napalitan na iyon ng kaba at baka makita ito ng Papa ko. "Nababaliw ka na ba?! Gusto mo bang itakin ng Papa ko dahil trespassing ka?!" "Anak?" boses iyon ni Papa na tiyak palabas na ngayon ng bahay. Nagpalinga-linga ako. "Dun! Umakyat ka sa bakod para hindi ka abutan ni Papa!" "But--" "Bilis!!" Malakas ko itong itinulak patungo sa madilim na bahagi kung saan ang malaking puno. "Umakyat ka na kung gusto mo pang mabuhay." "I dont understand." "Tangina wag mo na akong inglisen. Takas na!" "Candice, anak." tawag na ulit ni Papa na papalapit na ang boses. Sinuntok ko na ang matigas na dibdib ni Leandro at wala na akong pakealam kung nasaktan ito. "Shu! Shu!" Iniwan ko na ito ng hindi lumilingon. Bahala siya sa buhay niya! Tumakbo na ako pabalik sa may gripo at pakunwaring naghugas ulit ng kamay. "Anak, Anong nangyari sayo? Bakit narinig kitang sumigaw?" kunot noo ni Papa pagkakita sa akin. Luminga-linga ito sa paligid. "May kausap ka ba dito kanina?" "H-ha? W-wala po Papa. M-muntik po akong madulas dito kanina habang naghuhugas ng kamay." pagsisinungaling ko. Nagdahilan na rin ako na napatagal dito sa labas dahil nagwalis pa ako sa mga basurang nagkalat. Ilang segundo akong tinitigan ni Papa. Hindi ako mahilig na masinungaling lalo na sa magulang ko pero sa pagkakataong ito ay kailangan ko. Nakakatakot ako kay Papa, bagaman hindi kami nakaranas ng palo dito ay mas takot kaming magkapatid sa Papa namin. Kung si Mama ay napapalo at kurot pa kami nung kabataan pa namin ay hindi naman kami masiyado natatakot. “Pumasok ka na at matulog." “Opo." Dito na ako sa kusina pumasok habang si Papa naman ay naiwan sa labas at aayusin ng maayos ang basurahan lalo pa at maaga ang daan ng dump truck. Pagkapasok ko sa kwarto ay wala si Mickey kaya napalabas ako para pumasok sa kwarto nila Mama. Patay na ang ilaw pero si Mama ay may hawak pang cellphone. “Ma? Si Mickey.?" “Shhh. Kanina pa tulog. Pagkatapos niyang makipag-video call sa Mommy niya, ayun tulog agad." Inayos ni Mama ang kumot ng kaniyang apo. Nakayakap pa ito sa kaniyang teddy bear na si Mik-mik. “Dito na siya para hindi na naiistorbo ang kaniyang pagtulog." “Sige po ‘ma. " Nilapitan ko ang pamangkin ko at hinalikan ito sa pisngi. Ganun na rin si Mama. Nakahiga na ako sa kama ng marinig ko na umakyat na si Papa. Hindi naman nagtagal ay tahimik na ang paligid, at sa tingin ko ay tulog na magulang ko. Pero ako ay hindi makatulog. Pabaling-baling ako sa hinihigaan ko. "Tsk!" nasipa ko tuloy ang kumot. Sa maghapong ito, ang daming nangyari. Gusto ko na lang matulog dahil feeling ko ay pagod na pagod ako. Pero hindi naman ako makatulog dahil sa lalaking maraming tattoo na yun. Hindi naman ako ganito pagdating sa lalaki. Dahil bukod sa hindi ako nakikipag-kaibigan ng lalaki ay wala naman akong pakealam sa kanila. Except sa mga gwapong korean actors na kinahahangaan ko. Kabaliwan man pero mataas ang standard ko sa lalaki, sa dami ba naman na bidang pinapaanood kong Oppa., ewan ko na lang talaga... Ewan ko talaga, at naiinis pa ako kay Leandrong maraming tattoo.. Bigla-bigla pang susulpot na parang multo! Kung hindi lang dumating si Papa, tiyak mayayari ang Leandrong iyon. Gwapo nga at mabango pero hindi ko naman ganun kalubos na kilala. Biglang sumgi sa isip ko ang sinabi ng matanda sa apartment.. "Ikaw na ang ika-apat na babae, na nagtungo dine para mamigay ng ulam sa bagong salta dito.." Sumikip ang dibdib ko sa inis. Sino bang hindi maiinis kung inutusan lang naman ako na maghatid ng ulam sa Leandrong iyon. Pinagkamalanan pang kumakareng-keng dahil gwapo ito? Lakas niyang hayup siya... Oo, magandang lalaki na siya at mala-adonis ang katawan. Pero hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan. . Kakainis talaga!! - - - - Nagising na lang ako dahil sa maingay at tawa ng pamangkin ko. "Goodmorning, Tita Candy ko!" "M-morning.." Halos hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa antok. Mag-alas tres na ako nakatulog at ala-syete pa lang ng umaga. "Wake up Tita. Wake up." hinila-hila ni Mickey ang braso ko. "B-bakit? Ang aga pa ah." "Lola is calling downstairs. Aalis si Lola ko po.." Aalis? Napadilat ako ng mata. Oo nga pala, pupunta sa kaniyang kumare si Mama para maging tagaluto. Kahit inaantok pa ay lulugo-;lugo akong bumangon. Nakasunod lang ang pamangkin ko sa akin at panay ang daldal na halos hindi ko maintindihan. Panay lang ako tango, para kunwari ay sumasang-ayon kahit hindi pa gumagana ang utak ko. Pagbaba naming dalawa ay nakahain na ang almusal namin. Wala si Papa. "Goodmorning 'ma." humalik ako kay Mama na ngayon ay nakagayak na. "Mabuti naman at nagising ka na. Kumain na kayong dalawa ng apo at aalis na ako." "Si Papa po?" tumingin ako sa sala pero wala ito. "Sasama daw sa akin. " "Sasama?" pagtataka ko dahil hindi naman mahilig sumama iyon sa mga ganoon at mas pinipili na lang magpahinga dito sa bahay. "Oo, at may bibilhin din sa bayan na bagong itak at magpapahasa na rin ng ilang kagamitan niya." Pinagsandok ko si Mickey at pinauna itong pakainin. Si Mama naman ay naghihintay kay Papa dahil nag-abang ng tricycle. Maya-maya pa ay pumasok si Papa. "Aalis na kami, anak. Ikaw muna ang bahala sa pamangkin mo ha? Wag mong pabayaan na lumabas-labas." bilin ni Mama. Tumango ako. "Opo 'ma. Ingat po kayo ni Papa." "Ang apo kong maganda. 'Wag papasaway sa Tita Candy mo ah?" hinalik-halikan ni Mama si Mickey. Patawa-tawa naman ang bulilit na parang kinikiliti. "Opo, Lola ko!" malakas nitong sagot. Lumapit si Papa at hinalikan sa ulo ang kaniyang apo. "Behave lang ang apo ko dito ah? Anong gusto mong pasalubong?" "Jabee!!" nagning-ning pa ang mata ng bulilit. "Ako din po Papa, gusto ko ng Jollibee." singit ko. Napalingon ang magulang ko sa akin. Napailing na lang si Mama. "Oh siya. Dalawa bibilhin ko para sa isang bata at feeling bata." pagbibiro ni Papa. Napanguso na lang ako. Humalik ako sa pisngi ni Papa at kay Mama at umalis na sila. Matapos kumain ay inasikaso ko na ang pamangkin ko para sa kaniyang pagligo. Tuwang-tuwa na naman dahil magsu-swimming daw sya sa planggana dito sa laundry area. Pagkatapos nitong maligo ay pinaupo ko ito sa sala at doon ito nagkukulay sa kaniyang coloring books habang bukas ang tv. Ako naman ay naglilinis na ng bahay, at kahit marming ginagawa ay alisto ang mata ko sa pamangkin ko at baka bigla na naman itong maglaho. Nang matapos ako ay pagod akong umupo sa sofa. Kakahawak ko lang ng cellphone ng magsalita si Mickey. "Tita, I want to call my Mommy." "Kakahawak ko lang ehh... " wala akong nagawa kundi tawagan si Ate Cassey. Pero nakakailang ring bago sinagot. "Mommy!" "Baby ko.!" Hinayaan ko muna ang cellphone sa pamangkin ko para makapag-usap ang dalawa. Ako naman ay gustong umidlip pero hindi pwede. Nag-isip na lang ako kung ano ang uulamin ngayong tanghalian. Magluluto ba ako? Dalawa lang naman kami ni Mickey, aksaya sa gasul. Ahh! Kila Aling Marites na lang at marami namang lutong ulam na tinda. "Tita, im hungry na." Tumaas ang isang kilay ko. Gutom na naman ang makulit pagkatapos makipag-video call sa kaniyang Mommy ay nagutom na bigla. Hayahay ng batang ito. Parang palaging anak mayaman. "Mamaya na, magdede ka muna." Ngumuso ito pero hindi nagreklamo kaya tinimplahan ko sa kaniyang bote. Pagbigay ko sa kaniya ay nanood ulit ito ng tv habang nagkalat ang crayons niya sa table at sahig. Hindi pa man nang-iinit ang likuran ko sa pagkakahiga sa sofa ng ibalibag ni Mickey ang dede na wala ng laman. "Mickey!" "Im hungry pa Tita Candy. Gusto ko eat na." Napanganga na lang ako batang ito. Pambihira talaag. "Later na, kakain din tayo ng launch natin , then mag-sleep ka sa afternoon pagkagising mo magmeryenda ka na." Umiling ito ng matigas. "Im hungry na Tita Candy." pagmamaktol nito. Napaikot na lang ang eyeballs ko sa kakulitan nito. Kahit na nakakatamad pang lumabas ay wala na akong magagawa kundi ang bilhan ito. "Tara na nga." "Yeheey!!" palakpak pa nito sa tuwa. Pinatay ko na lang ang tv at hinayaan munang nakakalat ang pinagkulayan ni Mickey. Hinawakan ko ang kanang kamay ng bata. Kahit hindi pa ako naliligo ay carry lang. Wala namang aamoy sa akin diyan sa tindahan. At kapag may umamoy at nagreklamo ay babangasan ko na lang. Paglabas namin ng gate ay tumingin agad ako sa tindahan nila Aling Marites. Mabuti na lang at wala masiyadong tambay ngayon, dahil siguro patanghali na. Kaya tumawid kami ni Mickey. Una muna kaming bumili sa tindahan. Pinapili ko pa ang makulit, at parang nagsisi pa ako dahil lahat ng itinuro ay gustong bilhin. Pagkakulit talaga. "Isang fudgee bar chocolate, biscuit at yakult nga po." ako na lang ang nag-decide. "Naku, andito pala ang magandang prinsesa.. Hi, Mickey?" malawak na pagkakangisi ni Aling Marites. "Hello po!" masayang sagot naman ng makulit. "Naku! Sobrang cute talaga at napakaganda. Oh heto, libre ko na isang zesto apple." "Thank you po." masaya kong inabot ang binili ko plus zesto pa. "What did you say, Mickey?" nakatingin ako kay Mickey. "Thank you po, Lola Malitess!!" Gusto kong matawa sa sagot ng pamangkin ko. "You're welcome magandang prinsesa." "Ah, bibili na rin po ako ng ulam.." "Oh siya, pumili ka na. Sandali at lalabas ako." sagot ng matanda. Hinawakan ko si Mickey para maglakad sa kabila kung saan ang karinderya. May iilan na ring kumakain, pero ako ay inisa-isa ang pagsilip sa bawat kaldero ng ulam. "Ano kaya?" hirap naman pumili.. "Tito Pogi!!!" Malakas na tili ni Mickey kaya napalingon din ako. Kulang na lang ay tumalon ang puso ko ng makita ko ang walang iba kundi si Leandro na bumba mula sa isang big bike.. Parang nakita ko kung saan ang motor na iyon.. Parang action star na naglakad ito palapit sa amin. Nakaitim ito mula sa kaniyang long sleeve pababa hanggang sa suot na boots. Ang gwapo, potah... "Tito Pogi! Tito Pogi!" gustong kumawala ni Mickey sa pagkakahawak ko, mabuti na lang at hindi ko ito binitiwan. "Hello baby girl." Langhap ko agad ang mabangong amoy nito. Pero ito ay nag-squat para magpantay kay Mickey. "You look so pretty, baby girl." "Thank you Tito Pogi! Im pretty and my Tita Candy is pretty." pagmamalaki pang sagot ni Mickey. Napaiwas agad ako ng tingin nang umangat ang mukha ni Leandro patungo sa akin. Alam kong nangamatis ang buong mukha ko. "Anong ulam ang bibilhin mo, ganda?" sulpot ni Aling Marites. "Yes, she's pretty.." Hindi ko alam kung kanino ako lilingon, kay Aling Marites ba na naghihintay para ipagbalot ako ng ulam, o kay Leandro na parang nang-aakit ang boses sa huling sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD