Nang makaalis na si Mr. A ay agad na lumabas mula sa banyo si Ruth. Dahan-dahan s’yang lumabas dahil sa pag-aakalang may iba pang tao sa loob ng quarter ni Ray pero sila na lang pala ng kan’yang amo ang natitira. Dahil nawala na lahat ang kabang naramdaman ni Ruth sa katawan ay agad n’yang tinakpan ang kan’yang bibig habang tumatawa. Ipinagtaka ito at ikinagulat ni Ray dahil ni minsan ay ‘di n’ya pa nasilayan ang dalagang mapatawa sa kan’yang harapan. Nahawa na rin si Ray sa naging pagtawa ni Ruth kaya naman, niligpit n’ya ang kan’yang phone na kanina lang ay nilalaro n’ya at agad na nagtungo sa kinatatayuan ni Ruth. “Hey, what’s up?” Nakangiting saad ni Ray habang pinapalis ang mga hibla ng buhok na sumasagabal sa mukha ng dalaga. Umiling lang si Ruth habang patuloy na tuma

