Nakarating na sila sa set sa may Villa Kristene. ‘Di gaya ng quarters nila na tents lang, dito sa mansion na inupuhan ni Mr. A ay maraming mga kwarto sa unang palapag ng bahay kaya ito na lang ang ginawang quarters ng mga artista. Pero bago sila nagtungo rito ay dumaan muna sila sa Beaurlington Mansion at ‘di naalis sa kanilang mga sarili ang sukdulang pagkamangha. Ang mansion kasi na ‘yun ay may pagka-Spanish aesthetic gawa ng mga naglalakihang limestone masonry sa bungad ng bahay. May malaking hardwood door din ito. Maliban sa old-spanish theme n’ya may touch din ito sa pagka modern dahilan ng mga glass windows at mga precast ledges. Napakaganda talaga ng bahay na ‘yun. Nang makarating sila ay ‘di pa rin napapalis ang pagkainis ni Ruth kay Ray. ‘Di pinapansin ni Ruth ang amo ma

