Nagtatakbuhan ang iba sa mga crew habang nagpatuloy lang sila Direk sa pagkuha ng eksena. Nababahala na ang ilan dahil maggagabi na at ‘di pa rin umuulan. Kanina lang din ay tumawag si Steffan kay Direk na ‘yung unang fire station dawn a pinuntahan n’ya ay ‘di pumayag na arkilahin ang kanilang firetruck dahil nasira raw ang isa nilang reserba. Kaya naman, lumipat na lang sa ibang fire station si Steffan, nagbabakasali na papayag ang iba n’yang pupuntahan. Maya-maya’y natapos na rin ang kinukuhang eksena nila Direk. Agad na tinawagan nito si Steffan na kanina lang ay pinakisuyuan ni Mr. A. Matagal bago sumagot si Steffan kaya naman nababahala ng husto si Direk. Napansin ito ni Ray kaya naman mabilis s’yang nagtungo sa kinaroroonan nito at agad na tinatong kung may problema ba. Bum

