“What?” Mahinahong tugon ni Direk Larry dahil ‘di n’ya naiintindihan ang ibig sabihin ni Ray. “She was here a while ago. Now, I couldn’t find here anywhere.” Pag-aalala ni Ray. Napansin ito ni Direk. Ang nakita n’ya ay isang amo na nag-aalala dahil nawawala ang isa sa mga empleyado nito. Bigla namang napaisip si Direk na mabuting tao si Ray dahil kahit katulong n’ya ay ginugugulan n’ya ng panahong mag-alala. “Tinawagan mo na ba s’ya?” In-assume n ani Direk na may phone si Ruth. Sino ba naman kasing taong walang hawak o pagmamay-ari na phone sa panahon ngayon, ‘di ba? “Unattended. Nakailang ulit na ako sa pagri-redial.” “Baka sumama s’ya kay Sir Steffan, Sir?” Biglang parang may dambanang tumunog sa loob ng utak ni Ray. Kaya naman muli n’yang kinuha ang kan’yang phone sa l

