Habang nagda-drive ng motor, ‘di maiwasan ni Ray na mag-alala para kay Ruth. ‘Di kasi mapanatag ang loob n’ya na mag-isa lang si Ruth na lumalakad. Kaya nga n’ya pinasama si Steffan sa dalaga nung pinabili n’ya ito ng mga bagong damit gawa ng pansin n’yang parang taong-bahay lang si Ruth. Pansin n’yang napakainosente pa nito sa mga bagay na dapat n’ya na sanang nalalaman. ‘Di rin mapigilan ni Ray na mainis kay Ruth dahil ‘di man lang ito nagpaalam sa kan’ya. ‘Di man lang din ito nag-text kung nasaan na s’ya. Muling naalala ni Ray na ‘di nga pala nila matawagan si Ruth so posibleng nakapatay ang telepono nito. Mas lalo naman s’yang nag-alala dahil ‘di n’ya batid kung anong rason kung bakit ‘di na nila matawagan ang dalaga. Ang gulo-gulo ng isipan n’ya. ‘Di n’ya alam ang sagot sa k

