Zam Pov
Papasok palang kami sa supermarket ay napansin kong takaw pansin na kami lalo na ang kasama ko. Dinaig pa ang artista umaapaw ang s*x appeal ni Jake. Binalewala ko lang ito, ako ang nagpipili nang aming bibilhin habang siya ay taga tulak ng cart. Nang matapus na kami ay pumila na kami sa cashier na panay ang tingin sa likod. Nang kami na ang susunod ay naka ngiti lang ito sakin at nang ngumiti din ako napansin kong namula ang mukha niya, bata pa ito siguro nasa 23 palang gwapo din naman siya pero mas gwapo si Jake, what gwapo si Jake bakit kinokompara ko sila haisst. Maya maya ay nagsalita si Jake na paki bilisan dahil naghihintay na ang anak namin sa bahay baka umiiyak na yun. Hala anak? anong masamang hangin ang pumasok dito na sabihin niya yun. Napansin niya sigurong binabagalan ng cashier ang mga items namin na lantarang nagpapa cute sakin. Nang natapus na kami ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko paalis sa Cashier section at binitawan din palabas.
Nilagay niya muna sa backseat ang aming pinamili bago kami sumakay at umalis na.
Habang nasa biyahe papauwi ay napansin kong may naka sunod sa aming isang sasakyan. Hindi ko muna ito sinabi kay Jake, inutosan ko siyang iliko sa kanto dahil may bibilhin ako which is alibi ko lang para malaman kung kami nga ang sinisundan. Patuloy pa din sa pag dadrive si Jake panay ang tingin ko sa mirror ng kotse. Pagtingin ko sa salamin ulit ay limiko din ito now alam kong kami ang sinisundan kaya sinabi ko kag Jake ito. Ahmm Jake may sumusunod satin wag muna tayong tumuloy sa bahay pagpatuloy mo lang ang Pag dadrive i deritsu mo lang at konting bilis ha. Kung magkaputukan man huwag kang magpanic at bilisan mo ang pagmaneho. Kaya inihanda kuna ang dala kong baril na may extrang magasin. At nang makita ito ni Jake napa holy s**t siya sa gulat ito, wala pa kasi siyang alam sa tungkol sa akin maliban sa isa ang akong Doctor.
Nakalampas na kami sa subdivision panay pa din ang buntot samin ng sasakyan na lalong binilisan. Patuloy pa din kami sa pagdadrive na lalo kong pinabilisan kay Jake. Nakalabas na kami ng kamaynilaan hindi kuna alam kung anong lugar ito. Maya maya ay tatlong sasakyan na ang humahabol samin, alam kung tauhan ito ng tito ni Jake. Nakarinig kami ng putok sa likod ng kotse kaya binuksan ko ang salamin para makaganti ng putok. Nang mapansin kong natataranta si Jake ay sinabi kong kung magpadala ka sa takot hindi tayo bubuhayin ng tito mo kaya kumalma ka, huwag kang mag alala kaya ko ito. Dumungaw ulit ako sa salamin para paputukan sila pabalik. Bilisan mo ay iliko mo sa kakahuyan utos ko kay Jake, kahit hindi ko kabisado ang lugar ay niliko niya pa din. Nang mapansin namin na hindi na makakapasok ang sasakyan bumaba agad kami. Tumakbo kami ng sobrang bilis para hindi kami maabutan. Nakarinig kami ng putok pero hindi kami tumigil sa pag takbo. Hapong hapo na kami alam kong hindi pa gaanong magaling ang mga sugat ni Jake. Wala na kaming tatakbuhan dahil bangin na iyon nang lumapit kami para tingnan kung gaano kataas ang tatalonan namin kung sakali at kung anu ang babagsakan namin na medyo kataasan na bangin papuntang dagat. Kung iyon ang magiging daan para makatakas kami ay gagawin namin. Napatingin ako kay Jake na nakatingin din sa akin, marunong kabang lumangoy tanong ko sa kanya. Tumango lang siya pero kabado pa din hindi ako natatakot para sa sarili ko kundi para kay Jake Kakayanin natin ito Jake, wag ka lang bibitaw sa kamay ko. Gamit ang panyo ko at pangyo ni Jake ay tinali ko ang dalawang panyo bago tinali sa aming mga kamay Para pag tumalon kami hindi kami mgkahiwalay. Nakarinig kami ng mga yabag kaya nag kubli kami sa may malaking puno. Sumilip ako at nkita ko ang apat na lalaki kaya pinaputukan ko ito, namatay ang apat tapus maya dumating na yung iba. Ginantihan nila ako ng putok at agad naka pagtago sa puno tapus pinaputukan ko sila natamaan ko ang iba. Napansin kong dumadami na sila at binilang ko ang bala ko ay hindi na Kakayanin nito. Humarap naku kay Jake at kailangan na naming tumalon sunod sunod na ang pagbaril sa amin.
Bago kami tumalon pinaputukan ko muna sila hanggang sa maubos ang bala in count of 1 2 3 ay patakbo kaming tumalon hawak kamay ni Jake. Lord kayo na po ang bahala samin ni Jake ha.