Survive

669 Words
Zam Pov Pumipikit ako habang tumatalong hawak kamay kasama si Jake. I heard a whisper saying I love you. Bago kami bumagsak sa dagat, agad kaming nakahaon at dali daling lumangoy papuntang dalampasigan. Naramdaman kong nanghihina si Jake dahil hindi pa magaling ang mga sugat nito. Jake wag ka munang matulog ha malapit na tayo sa dalampasigan. Tumango lang siya at nakita kong dumudugo na ang kanyang sugat. Nang nakarating sa dalampasigan agad kong inaalalayan si Jake paupo sa may lilim ng puno. Tinanggal kuna ang mga panyo na nakatali samin at agad kong hinubad ang kanyang damit at tinali sa my gilid ng tiyan niya para tumigil ang pagdurugo. Hinubad ko muna ang suot kung Jacket pati shoulder bag ko na tinali ko sa bewang ko, at ibinilad kasama ang tshirt ni Jake dahil mainit pa naman para matuyo ito. Bago umalis nagpaalam muna ako kay Jake bago ito natulog. At Kinuha ko ang kutsilyo ko sa bag, para maghanap ng makakain namin mamaya. Iiwan ko munang tulog si Jake wala na sigurong tao dito o mababangis na hayop. Someone Pov Boss good news, patay na ang dalawang yon. Tumalon ba naman sa bangin ayaw ata matamaan ng bala. Kaso nahirapan din muna kami boss kasi may baril yung babae na tila sanay sa bakbakan. Dibale tapus na din ang plano sa akin na din ang kompanyang ito. Kaya antayin niyo nalang yung pera ko, kukumbinsihin ko muna ang mga board para ako na ang maging President ng kompanya. Zam Pov Habang nasa Gubat ako para maghanap ng makakain nakakita ako ng manok at nahuli ko agad ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang nakakita Naman ako ng saging na hinog naghanap naman ako ng buko na magsisilbing tubig namin. Nang nakakita ako ng puno ng buko na hindi kataasan yung tinatawag nilang niyog na dwarf. Kumuha ako ng Apat na piraso, sa aking paglalakad ay may namataan akong kubo. Kaya agad ko itong tiningnan ng makalapit ako ay pinasok ko ito. Pahingahan siguro ito ng mga may ari ng bukirin, dito kami tutuloy pansamantala. Iniwan ko na dito ang mga kinuha ko para balikan si Jake. Pagdating ko ay gising na si Jake, tinanong niya ko kung saan ako galing, naghanap ako ng makakain natin at matutuluyan sabi ko sa kanya. Agad kong kinuha ang mga pinatuyo kung damit pati bag, inaalalayan kung makatayo si Jake para makapunta na kami ng kubo. Nang makarating na kami ay pinaupo ko muna siya sa loob habang gumagawa ako ng apoy. Binigyan ko muna siya ng saging at kumain din ako habang iniihaw ang manok para sa hapunan. Mabuti nalang lagi akong may dalang maliit na kutsilyo. Dumidilim na din nang maluto na ang manok kumuha muna ako ng dahon ng saging para maging sapin sa manok. Tahimik lang kaming kumain ng biglang nagtanong si Jake. Zam ano ba talaga ang totoong trabaho mo? natigilan ako sa tanong niya. Tapus na din kaming kumain pero binuksan ko muna ang buko at binigay sa kanya at sakin. Pagkatapus kung uminom ay tsaka ko ito sinagot. Ang sinabi kong Doctor ako ay totoo yun. Galing ako ng U.S para magtraining bilang isang Agent. Habang nag tatraining ako nagtatrabaho din ako para sa mama ko bilang Doctor sa U.S sagot ko sa kanya. Bakit mo naisipang sumali bilang Agent? tanong niya ulit. Tiningnan ko siya, bata pa lang ako mahilig na talaga ako sa mga nakaka excitement na bagay. May kaibigan ako sa High school na siya ang nagpasok sa akin sa Agency ng tito niya sa U.S At tumulong din. Actually wala naman talaga akong balak sumali doon, kung hindi lang ako niloko ng boyfriend ko. Tila bumalik ulit sakin ang nakaraan, habang kinukwento ko sa kanya ang sakit na naramdaman ko sa Ex ko ay tumutulo ang luha ko. Napayuko nalang ako ng matapos kung ikwento yon, naramdaman ko nalang niyakap niya na pala ako. Nakaramdam ako ng kaginhawaan, ng maghiwalay ang mga katawan namin ay natawa nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD