Life in a Province

843 Words
Zam Pov Lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas, gabi na din at mahamog na kaya pinapasok kuna sa loob ng kubo si Jake. Nandito ako sa labas nakaharap sa siga na ginawa kung ilaw namin. Kamuzta na kaya sina Mama sana okay lang sila. Alam kong darating ang oras na madadamay sila, pero bago mangyari yun papupuntahin kuna agad sila sa U.S. Tumingin ako sa langit, pero walang bituin na tila uulan. Biglang umihip ang hangin kasabay ng pagbuhos ng ulan. Kaya dali dali akong pumasok sa kubo. Pagpasok ko tulog na si Jake, naawa ako sa kanya hindi siya sanay matulog sa matigas na higaan, mabuti nalang may banig at unan din dito. Dahil sa dami ng tanim dito kaya kelangan bantayan. Mabuti nalang natuyo ang nga damit namin kanina. Dinalaw naku ng antok dahil na din sa pagod, bago ako humiga tinanggal ko muna ang bra ko hindi kasi ako sanay na may bra habang natutulog kaya nahiga na ako sa tabi niya. At nakatulog na din ako, bukas lalabas kami ng Gubat para makauwi na din. _ _ _ _ _ _ Nagising akong mabigat ang nararamdaman ko tila hindi ako makahinga. Doon ko lang napagtantong magkatabi kaming natulog ni Jake, nakayakap siya sakin at nakadantay ang paa niya sa paa ko. Dahan dahan kong inalis ang kanyang kamay na nakapulupot sa bewang ko at lumabas ng kubo para maghanap uli ng makakain. Sa aking paghahanap ng makakain nakakita ako ng ilog na malapit lang din sa kubo sobrang linis nakakaaliw maligo. Kaya dali dali akong pumunta para makapagpaligo na din, wala naman sigurong pupunta dito. Pumunta ako sa pinakatagong bato para doon maliligo, hinubad ko lahat ng saplot ko at lumangoy. Ang sarap ng tubig nagbabad muna ako ng ilang minuto, doon ko lang naalala si Jake baka gising na yun. Agad akong umahon at sinout ang mga damit ko para bumalik sa kubo baka hanapin ako ni Jake. Nang makalapit na ako sa kubo may narinig akong tili ng babae, kaya patakbo akong pumunta sa kubo. Nang makarating ako nakita ko si Jake na bagong gising lang at dalawang tao isang matandang babae at batang lalaki nasa pito o walong taon lamang. Tila nagulat ang matanda ng makitang may tao sa kubo niya akala niya magnanakaw kami kaya nagsalita na ako mula sa likod. Magandang umaga po lola, pasensya na po kung nagulat kayo dahil nandito kami sa kubo niyo. Sa katunayan po ee tumalon pa kami sa bangin para makaligtas lang meron po kasi gustong patayin kami, habang naghahanap ako ng makakain namin nakita ko po ang kubo niyo. Ahmm kumuha po ako ng saging at buko sa tanim niyo pasensya na po pantawid gutom lang. Sabi ko sa maglola, nang biglang nagtanong ang matanda. Saging at buko lang? Bakit nawawala ang manok ko dito. Pati manok din po, akala ko kasi galang manok lang yun kaya po inihaw namin, pasensya na po talaga babayaran nalang po namin sabi ko. Naunawaan din ng matanda kaya ngumiti lang ito samin, okay lang yun mga Apo tulong kuna yun sa inyo. Kayo ba'y mag asawa ng kasama mo? Ahh hindi po lola sabi ko. Ahh ganun ba magnobyo palang siguro kayo anu? sabi nito uli. Hehe hindi din po sagot ko. Hindi na ito nagtanong pa, kung ganun sa bahay muna kayo tumuloy mga Apo. Pero mamimitas muna tayo ng mga gulay at kamoteng kahoy bago umuwi. Salamat po tutulungan na namin kayo. Magkatulong kaming mamitas ng mga gulay, binubunot naman ng kamoteng kahoy sina Jake at ang Apo ni Lola, kasama ko si lola sa bandang gulaya. Matapos kaming mamitas nag aya ng umuwi sina lola, dala ang bag kong sling mabuti nalang waterproof ang cellphone ko at hindi nasira pati na din ang bag. Ako nga pala si Lola Auring at ito ang apo kong si Ryan pakilala ng maglola . Ako nga pala si Zam at ako naman po si Jake pagpakilala namin. Matapus ang tatlong minuto galing gubat natanaw na namin ang kabahayan. Lola anung lugar po ba ito tanong ko. Nasa Pangasinan kayo mga apo, ang layo pala ang nilakbay namin galing manila. Nandito na tayo sa bahay sabi ni Lola, simpleng bahay lang ito para sa kanila. Dalawa lang pala sila ng kanilang Apo, ang kanyang asawa ay pumanaw at ang kanyang anak na babae namatay sa panganganak. Nabuntis lang daw ang anak ni lola galing manila, bilang kasambahay. Nakakaawa naman ang maglola, tanging ang mga gulay lang ang pinagkikitaan nila. Nasa liblib sila ng lugar kaya wala gaanong sasakyang dumadaan dito. Kahit ang hospital malayo din, paano nalang kung meron magkasakit manganak. Ang hirap talaga pag nasa ganitong lugar, nakakaawa ang sitwasyon nila. Agad kaming pumasok ng kabahayan okay na din kasya kaming apat sa loob. Pinahiram ako ni lola ng mga damit pati na din si Jake, mabuti nalang waterproof din yung bag ko at nandito ang mga cards at pera ko, yun lang wala akong baril. Hindi naman siguro kaming masusundan dito, tutulungan nalang namin si lola dahil sa pagtulong din niya sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD