Simple Jake Krut

819 Words
Jake Pov Pagkatapus naming maghapunan ni Zam, natulog din ako ng maaga dahil sa kirot ng mga sugat ko hindi kuna alam kung anung oras natulog si Zam. Maganda kasi ang tulog ko kahit banig lang ang higaan namin, masaya pala ang ganito malayo sa gulo simpleng pamumuhay lang pero payapa. Nagising akong merong tumitili na babae akala ko si Zam pero matanda at may masamang bata. Doon ko lang napansin na ako nalang mag isang andito kaya dali dali akong bumangon at lumabas ng kubo. Ito siguro ang may ari ng kubo na ito, doon ko lang napansin na maraming pananim pala dito. Madilim na din kasi ng dinala ako dito ni Zam. Maya maya dumating din si Zam na tumatakbo. Nagkwento si Zam bakit kami napadpad dito, pati na din yung pagkuha niya ng saging at buko kasama na din yung kinain naming manok. Hindi ko alam tirador din pala ito ng manok, bilib na talaga ako sa kanya. Naunawaan din ng matanda ang sitwasyon namin ay ngumiti ito, tinanong pa nga si Zam kung mag asawa o mag nobyo kami. Umiling lang si Zam pero kung ako ang tinanong nun, sasabihin ko talagang asawa ko. Inalok pa kami na doon nalang tumira sa kanilang bahay, pero bago kami uuwi mamimitas muna kami ng mga gulay at kamoteng kahoy. Kasama ko ang apo ni lola na binubunot ang mga kahoy yun pala nasa ilalim yung kinakain na parang kamote pero mahaba siya ito pala ang kamoteng kahoy. Masaya pala dito sa taniman, pag nasa ganitong Probinsya tahimik lang hindi tulad sa manila tulad ng mga buhay namin na may gusto kaming ipapatay pati si Zam nadamay na din. Matapus kaming mamitas nag aya na si Lola na uuwi na kami, ako na ang nagbuhat ng kinuha naming kamoteng kahoy samantalang si Zam ang mga gulay ang dala. Inaalalayan nalang ng bata ang kanyang lola. Makalipas ang tatlongpung minuto nagsalita si Lola na nandito na daw kami. Simpleng bahay lang meron ito gawa lang sa dahon ng niyog ang bubong, nakapasok na kami ay kasya lang kaming apat. May kataasan ako kaya yumuko ako pag nasa pinto para hindi mauntog ang ulo ko. Ang mga tanim ni lola ay binibenta niya pala para may ipambili sila ng bigas at mga kung anu-ano pa. Maya maya Binigyan kami ng mga damit ni lola, naiwan ko kasi sa kotse ang pera at card ko. Pero si Zam galing sa bahay pati dito dala ang bag niya. Waterproof kasi ito pati ng cellphone kay meron siyang pera at mga cards na dala kong maubusan kami ng pera ay siya lang pala ang may pera. Agad kong kinuha ang damit at itinuro ni lola ang Cr nila, nang makatapus ay agad pumasok si Zam para magpalit. Nang lumabas si Zam suot ang damit na binigay ni lola kahit napaka simple napakaganda niya, kahit simpleng maybahay siguro. Pak na pak siguro kung walang damit, ayun dapat ang tama. Maya maya inutusan ni Lola si Ryan para mag igib ng tubig dala ang apat na galon at isang balde. Medyo kalayuan ang poso sa kanila, ganito lagi ang ginagawa ni Ryan sa batang edad maasahan na ito. Kahit sila nalang maglola ang magpamilya ay nakakabilib ang batang ito sa kasipagan. Sa ganyang edad dapat naglalaro lang at nag aaral pero siya alam na ata ang mga gawaing mabibigat. Lalo na pag naglalaba ang lola niya balik balik siya kung mag igib ng tubig sa poso. Pagkatapus naming mapuno ang apat na galon at balde, umuwi na kami dala ko ang isang balde at dalawang galon. Magkabilaan ang hawak ko, habang pauwi kami nagkukwento sakin ang bata sa hirap na kanilang pinagdaanan Nasa grade two na pala ito. Nang makarating na kami sa bahay agad kong pinatong sa may lababo. Si Zam naman ay tumutulong sa pagluluto ng aming makakain. Nagluluto pala sila ng nilagang kamoteng kahoy at saging na saba. Ito pala ang kinakain nila pag umaga o meryenda. Mainit init pa ito ng Nilagay sa plato, si Zam na ang naglagay naka upo na si Lola at Ryan ako nagtitimpla ng kape. Nakita kong konti nalang ang kape at nakatitig din pala sakin si Zam ay ngumiti lang siya, alam kong mamimili kami mamaya. Matapus makapagtimpla ng kape umupo na ako katabi ko si Zam. Una akong kumuha ng kamoteng kahoy, ahmm sarap pala nito mas maganda ito sa katawan kesa sa tinapay. Pinagmasdan ko silang kumakain ang saya pala ng ganito kasimple walang bacon,hotdog,sunny egg at tinapay pero kuntento naku sa ganitong pagkain. Ang sarap mamuhay ng ordinaryong tao lamang walang kotse at malaking bahay. I'm Jake Krut being simple and ordinary in this province. Province is a best a place for unwind, to avoid polluted air and im feel exhausted for being a billionaire. I want a peacefull life faraway to those people who wants to killed us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD