Doctor Zam In

861 Words
Zam Pov Almusal namin ang Nilagang kamoteng kahoy at saging na saba. Ganito lang kasimple ang almusal sa kanila, hindi naman ako maarte sa pagkain dahil nakatikmnan kuna din ito. Pero si Jake ewan ko lang, pero nauna pang kumuha ng kamoteng kahoy si Jake. Hindi naman pala ito maarte sa pagkain, napakasimple talaga ni Jake. Napakalayo sa pagiging bilyonaryo nito at sa pagiging CEO. Matapus naming kumain niligpit kuna agad ang mga pinagkainan namin at ako na ang naghugas sa munting lababo ni Lola. Wala silang naibenta na gulay dahil uulamin nalang namin, wala na silang kape at asukal. Kaya pagkatapus nito bibili muna ako ng mga kailangan dito sa bahay. Nang matapus na akong maghugas pumasok ako sa loob para tingnan ang bag ko. Agad kong binuksan ang cellphone ko, mahina ang signal dito. Pati ang wallet ko, konti nalang ang cash ko kailangan kong makapag withdraw. Agad akong pumunta kay Lola para magtanong kong gaano kalayo ang palengke. Mahigit kalahating oras daw tricycle lang daw ang meron dito. Kami nalang siguro ni Ryan dito nalang muna si Jake para makatulong kay Lola. Kabisado na din kasi ito ni Ryan, agad kaming umalis ng bahay para pumunta ng palengke. Hindi na ako nakapag paalampaalam kay Jake hindi kuna man kasi nakita ewan ko kung saan na yun pumunta. Sakay na kami ng Tricycle papuntang palengke, Makalipas ang kalahating oras nandito na kami. Pumunta muna ako sa Mlhiulier para makapag withdraw ng 50k na cash, mahirap na malayo pa naman kami sa palengke. Pagkatapus magkapag withdraw ng pera, dumeritsu muna kami sa mga damit at mga undies binilhan kuna din si Jake. Pagkatapus sa tindahan ng mga Grocery naman, pumasok kaming dalawa ni Ryan at namili ng mga personal na kailangan ko Pati ni Jake. Bumili din ako ng mga para kana lola at mga kulang sa bahay tulad ng asukal at kape. Matapus naming mamili halos hindi kuna makaya ang pinamili namin kaya iniwan ko muna si Ryan sa gilid ng tindahan bibili pa kasi ako ng karne tamang tama may saba pa doon magluluto ako ng adobong baboy na may saging at pineapple chunks. Natapos din kaming mamili kaya umabang kami ulit ng Tricycle at umuwi na din. Makalipas ang kalahating oras nakarating na din kami sa bahay, nakita ko si Jake na nagsisibak ng kahoy. Nang makita kami tinulungan niya kaming magbuhat ng pinamili namin. Nakapasok na kami sa bahay ng magsalita si Lola abay ang dami ng pinamili mo apo. Ngumiti lang ako, mabuti nga lola waterproof yung bag ko hindi nabasa ang cellphone at wallet ko may pera tayo. Inabot ko kay lola ang 20k pero tumanggi ito sa laki ng pera, sabi pa nito baka wala na akong pera. Ngumiti lang ako, huwag kayong mag alala Lola mas mayaman pa sakin si Jake, bilyonaryo kasi ito bulong ko kay lola. Tumawa lang ito at nagpasalamat, kami nga dapat magpasalamat sa inyo Lola ee. Baka kung sa iba kami napadpad baka mamatay kami sa gutom. Matapos ang aming pag uusap ni Lola nang biglang may dumating na lalaking humahangos galing sa takbo. Lola Auring tulungan niyo po kami ang asawa ko ho kasi manganganak na, agad akong lumabas para kausapin ang lalaki. Ahmm Mister nasaan ho si Misis Doctor po ako kaya ko siyang paanakin sabi ko. Halika ho Doktora sa bahay namin, Tumakbo kaming pumunta sa bahay nila nakasunod din pala sa amin si Jake. Nang makarating sa kanilang bahay agad akong pumasok ng kwarto nila at nakitang nahihirapan ito. Malaki ang tiyan nito sigurado akong kambal ito. Ahh Misis pang ilang anak mo palang ito tanong ko. Panganay palang po Doc sagot ng lalaki. Ahmm misis pag alam mong lalabas na ipush mo ng ubod ng lakas ha kambal ito basi sa laki ng tiyan mo. Kua paki handa ako ng malinis na lampin at maligamgam na tubig, tsaka gunting ilagay muna sa mainit na tubig. At alalayan mo si Misis, okay misis pumutok na ang panubigan mo ready kana ha. Okay 1 2 3 ere pushhhh arghhhh arghhh arghhh.... Sige pa misis lumabas na ang ulo masaksaktan si Baby kasi ang ulo maiipit. Ere mo pa 1 2 3 ere pushhhhh arghhh arghhh huhuhu. Okay its a boy, Jake come here paki assist naman ako. Misis sabi ko sayo kambal isa pa ha okay 1 2 3 pushhhh arghh arghh arghhh at lumabas ang baby babae po. Okay good job misis babae at lalaki agad kong ginuting ang umbilical cord at nilagyan ng bigkis. Thanks God natapus din ang panganganak at ligtas sila sabi ko. Matapus kung mapunasan ang mga babies sinoutan kuna agad ng mga damit. Si Misis dahil unang panganak at kambal pa ay nakatulog sa sobrang pagod. Tiningnan ko si Jake na tila aliw na aliw sa katitig sa mga babies. Siguro sabik na din itong magkaanak. Maraming salamat po Doc walang anuman po, basta po i breastfeed niyo lng po yung mga babies kasi mas maganda ang gatas ng nanay. Sige po uuwi na kami, agad kong inaya si Jake. Napagod din ako doon, ang galing mo pala Doc sabi ni Jake. Natawa lang ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD