Zam Pov
Habang pauwi sa bahay ni Lola Auring, biglang tumunog ang cellphone ko. Tot tot tot tot.. Kinabahan ako pag ganung tunog ay isa lang ang ibig sabihin nun nasa panganib sina Mama. Agad kong tiningnan si Jake, alam kong nagtataka siya. Kaya naghanap ako ng merong signal sa lugar na ito. Pumunta ako sa kalsada para matawagan ko sina Mama. Out coverage area sabi ng operator, kaya tinawagan ko si Fire. Hello Fire, i need your help nandito kami sa Pangasinan kasama si Jake mamaya na ako magpapaliwanag kung bakit nandito kami. Kailangan ko nang helicopter papuntang Manila nasa panganib sina Mama. Nagpasalamat agad ako kay Fire at pinatay ang tawag, dali dali kaming tumakbo papunta sa bahay nina Lola para makapagpaalam. Mauubos na ang oras ko baka hindi kuna maabutan sila, God please protektahan niyo sila.
Nakarating na kami sa bahay nina Lola na may pagtataka s kanilang mukha. Hindi na agad ako nagpaligoy ligoy pa nauubos na ang oras namin. Lola aalis na sana kami dahil nasa panganib ang buhay nina Mama, maraming salamat po sa tulong niyo. Kung matapus po ang gulong ito babalik kami dito ni Jake. Kumuha ako ng Sampung libo pangdagdag sa kanilang pera. Maraming salamat talaga po aalis na kami, teka mga apo anong sasakyan niyo tanong nito. Huwag kayong mag alala maya maya darating na ang helicopter na susundo sa amin. Niyakap ko si Lola at umalis na kami nagpasalamat din si Lola sa binigay kung pera malaking tulong na yon at hindi na ito pupunta s kanyang taniman para mamitas para magkapera sila.
Andito kami ngayon sa may kalsada meron ditong helipad sa lugar na ito. Itenext kuna din kay Fire ang eksaktong lokasyon namin. Tunog ng tunog parin ang Locator nina Mama okay lang sana kung nilooban lang kami huwag lang saktan sina Mama. Makalipas ang limang minuto dumating na din ang chopper na magsusundo sa amin. Pag aari ito ni Fire, pasalamat ako kay Fire kahit anong kailangan ko binibigay niya kahit nasa U.S siya.
Nakalanding na sa helipad ang helicopter, masyadong maalikabok dahil puro buhangin. Umakyat na kami kaya una akong umakyat ng helicopter at inalalayan ako ni Jake tapus siya na ang umakyat. Naka upo na kami sa loob ikinabit kuna ang seatbelt at ikinabit ang headphone at microphone para magka intindihan kami kung merong magsalita. Pakatapus naming ikabit iyon ready for take off na hindi aabutin ng oras pag helicopter ang ginamit namin maglaland kami sa rooftop nina Fire. Nagpaready na din ako ng sasakyan at mga baril, iiwan kuna lang muna sa bahay nina Fire si Jake mahirap na baka isa lang din ang humahabol sa amin. Makakagalaw ako ng maayos kung ako lang kung dadalhin ko si Jake baka mawalan ako sa fucos.
Makalipas ang tatlongpung minuto nakarating na kami sa Manila, malapit na din kami sa bahay nina Fire. Nang magland na ang helicopter agad akong bumaba hindi kuna hinintay pa si Jake. Mga kasambahay lang ni Fire ang andito at driver, pumunta ako sa kwarto niya may secret door doon na lalagyan niya ng mga baril at patalim.
Kumuha ako ng dalawang baril na kuwarentay singko at tatlong magazin nilagyan ko din ng silencer. Nagpalit ako ng damit, kumuha ako sa closet ni Fire ng black Tshirt at black Jacket na may Hood kahit oversized okay lang naka plain black cap din ako. Inilagay ko sa sling bag ko ang baril at mga magazin, at umalis na din ako. Sinigurado ko munang sarado na ng secret door niya. Lumabas na ako ng kwarto ni Fire, nakasalubong ko si Jake uuwi ako ng bahay ikaw muna ang bahala sa bahay ni Fire. Kung sakaling may pumuntang Kalaban may mga baril doon sa kwarto ni Fire sa may library niya sa mga libro ang susi aalis na ako. Pagkatapus kung magpaalam sa kanya ay tumalikod na ako pumunta ako ng garage ni Fire motor ang kinuha ko ang kanyang Ducati na kulay Red may helmet na din doon. Hinubad ko muna ang cap ko at idinikit sa sling bag. Sinout kuna ang helmet at isinusi kuna sa motor at umalis na din. Bumusina ako sa Gate para buksan ito, kilala na ako dito ng mga guard dahil kay Fire.
Nakalabas na ako ng gate at agad pinaharurot ang motor na ducati, alas dos na nang hapon. Alam kung nasa bahay si Mama ganitong oras ang pinsan ko naman alam kong nasa school yun.
Makalipas ang ilang minuto narating kuna ang bahay. Ipinark ko muna sa Malayo sa bahay ang motor hindi ako dadaan sa main Gate namin. Dadaan ako sa secret gate na ipinalagay ko, nang makapasok sa bahay ang tahimik kinabahan na ako kaya kinuha kuna ang baril at nilagyan ng silencer. Pumasok ako sa pinto ng kusina, wala ni isang tao may dalawa kaming katulong bakit wala ni isa. Dahan dahan akong lumakad papuntang sala, hindi nga ako nagkamali may pumasok sa bahay Basi sa magulong sala at nabasag na mga paso at mga salamin. Pero walang ingay akong naririnig naglakad ako papuntang hagdan kung saan ang mga kwarto bago ako umakyat sa hagdan nakita ko ang isang katulong naming nakahandusay sa sahig at duguan. Kinabahan na ako kaya dali dali akong umakyat sa hagdan.
Nang nasa 2nd floor na ako agad kung tinungo ang kwarto ni Mama halos manlumo ako sa aking nakita naliligo sa sariling dugo si Mama at wala nang buhay. Agad ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit si Mama. Ito kaya ang kapalit sa kaligtasan namin ni Jake, nailigtas ko nga si Jake pero si Mama hindi ko man lang nailigtas. Parang sinakluban ako ng langit at lupa sa sobrang sakit. Bumalik lahat ng sakit dati sa paghiwalay namin ng Boyfriend ko tapus walang nang mas sasakit pa sa pagkawala ng nag iisa kong Mama. Iniisa isa ko ang lahat ng kwarto sa may kabilang pinto ng Cr nakita ko ang katulong namin na walang buhay na din. Pumasok ako sa kwarto ko sobrang gulo nito alam kong may hinahanap sila hindi ko alam kung anu ito, pero isa lang ang may gawa nito ang Uncle ni Jake. Sunod kung pinasok ang kwarto ni Jane ang pinsan ko, halos mahimatay ako sa nakita ko walang anumang saplot ito at puro pasa may tama ng baril sa bandang dibdib nito. Akala ko nasa school siya bakit nandito siya sa bahay, bakit nila idinamay ito. Lumuluha akong niyakap ito at binalotan ng kumot ang boung katawan. Tumawag ako ng Police at Ambulansiya para makuha ang mga katawan nila. Sobrang sakit m******e ang inabot ng pamilya ko, ako mismo ang papatay sa gumawa nito mga hayopppp putang ina niyooooo.