#BTSEp19
"Teka nga, kanino bang party itong pupuntahan natin?" I asked Ezra as soon as we set our foot inside the elevator. Dinala niya kasi ako dito sa isang unfamiliar na condo building dito sa Quezon City.
"Basta, 'wag ka na ngang magtanong." Sinimangutan ako ng loko.
I poker face at him. "Sasabihin mo o sasapakin kita?"
"Subukan mo lang talaga. Halik ka sa 'kin." Nakasimangot pa rin siya sa akin.
"Kadiri." I rolled my eyes at him. Obviously giving up the bargain, pinili ko na lang manahimik.
Noong bumukas ang elevator, tahimik lang kaming dalawa ni Ezra. Tahimik pa rin siya hanggang sa makarating na kami doon sa unit na malapit sa kaduluhan ng floor na ito.
"Nandito na tayo." Ezra suddenly told me with a smile on his obnoxious face.
"Nandito na tayo." I immitate him while provoking him. May patirik-tirik pa ako ng mga mata habang para bang nangingisay.
"Bagay sa 'yo. Sana matampal ka ng hangin, punyeta ka." Natatawa niyang sambit noong kumatok na.
Napakatok din tuloy ako para mag-knock on wood!
Pero noong bumukas na ang pinto, gusto ko na lang talaga umalis! Hinayupak! Sa lahat ng mga oras na pwede kong makita si Carlise, bakit ngayon pa?!
"Oh, ba't nandito si Grace?" Ang bungad niya bago binuksan nang malawak ang pinto. Bumalot tuloy sa mga tainga ko ang malakas na tugtog sa loob.
"Isusumbong kita kay Liv, nakanamporchop ka. Umuwi ka na. Hindi ka welcome sa Party ko--"
"Edi magsumbong ka! Samahan pa kita!" Anas ko bago ko siya itinulak papasok.
Doon ay nakapasok tuloy ako nang maayos. Nagiging Incredible Hulk talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan ni Liv! 'Wag niya talagang mababanggit-banggit sa akin ang pangalan niya! Naba-badtrip ako!
"Siraulo ka! Isusumbong talaga kita!" Natatawang sigaw ni Carlise. Tinaasan ko lang naman siya ng midfing ko bago tuluyang dumako sa sala niya.
And from there, gusto ko na lang talagang matumba sa gulat dahil sa mga taong nakita.
Ysabelle?
Billie?
Jopay?
Avryl?
Bakit nandito ang mga babaeng 'to?!
"Grace?!" Sabay-sabay talaga nilang sigaw sa akin. Lahat sila ay gulat na gulat na akala mo isang himala ang makita ako dito.
"Ano 'to?! Bakit ako lang ang wala dito?!" Lumapit ako sa kanila at pinaghahampas sila sa mga braso. Sila naman ay tatawa-tawa pang umiiwas.
"Aba, bukas na kasi ang debut mo! Hindi na namin naisipan na ayain ka kasi we know you, uunahin mo ang beauty rest keysa sa tropa." Ysabelle is rolling her eyes. May hawak siyang red cup.
"Grabe kayo? Tropa ko ba talaga kayo? Bakit kayo nang-iiwan?!" Hindi pa rin ako maka-move on.
"H'wag ka ngang OA, Grace. Sasapakin kita, makita mo." Matapang na anas naman ng pinaka-strong kong kaibigan, si Jopay. Pero pagdating sa crush niya, tiklop naman. Gaga. Lakas makapag content ng tips kung papaano makuha si crush sa Youtube vlogs niya pero olats pa rin naman siya sa crush niya.
"Uminom ka na lang, beh. H'wag ka nang ma-drama, wala ka sa shooting." Tumayo si Billie at saka ako hinila sa tabi nila. Agad nila akong inabutan ng baso na may lamang alak.
I sat beside Billie and Avryl.
"Paano ka naman napadpad dito?" Avryl asked calmly. Sa aming magkakaibigan, siya lang talaga ang matino. Siguro, ganoon lang talaga kapag artista sa kabilang istasyon. Mahinhin.
"Ezra." I shortly replied before I took a sip on the cup. Napangiwi naman ako sa pait nang malasahan na ang laman nito. Tequila.
"Where?" Avryl asked at hindi ko talaga alam kung bakit para siyang kinikilig ngayon.
I only pointed my lips towards Ezra na na kinakausap si Carlise.
"Teka nga, bakit may party ngayon? Anong meron? May nanalo ng award?" I asked.
Nagtataka kasi talaga ako kasi this is a rare occasion. Nagpapainom lang kami kung may magandang nangyari sa amin or whatsover. Pero sa mga nagdaang araw, wala naman akong nababalitaang maganda tungkol sa mga kabigan namin ni Liv.
"Wala, broken lang kasi si Carlise dahil sa PA--"
Natigilan si Avryl. Parang nabilaukan sa sariling laway.
"PA?" I asked. Totally perflexed.
"Never mind it, ano ka ba. Wala 'yon." Natatawang responde ni Avryl.
I was really about to push her when I heard the guys. Kadadating lang din nila. Sila ang mga kaibigan ni Liv. Hindi ko alam ba't pa ako nag-expect na kasama nila si Liv ngayon. Alam ko namang busy iyon sa jowa niya. Nasaktan lang tuloy ako.
Right now, there was Thorn na sobrang playboy. Mabuti na lang talaga at hindi pa siya nai-issue ng mga showbiz journalists. Siguro kasi walang ka-loveteam kaya wala silang pakialam sa kanya.
And Lechel na kabaligtaran naman ni Thorn. Sobrang bait ng lalaking 'yan to the point na parang mas bagay yata sa kanyang maging pare keysa artista?!
Nandito rin sina Javi at Gustov na parehong bokalista ng banda. Hindi ko sila gaanong nakakausap dahil kapag may gala ang mga kaibigan namin ni Liv, hindi sila present. Ito lang yata ang first time na nakasama namin sila in one place.
"Hello, Grace." Thorn winked at me and I really want to splash the tequila right on his jerky face.
Sinundan naman iyon ni Lechel. "Gago. Baka suntukin ka lang ni Liv. Layuan mo si Asia." Binatukan niya si Thorn.
Liv niyo mukha niyo! As if naman may pakialam siya sa akin eh nandoon nga ang gago sa totoong jowa niya! May pa-IG IG post pa, nakakairita.
Thorn and Lechel leave us alone. Doon sila nagtungo sa kitchen. Doon kasi nagtumpukan ang mga guys. May nilalaro yata sila doon at wala akong balak alamin.
Pero halos maibuga ko talaga iyong iniinom ko nang bigla kong marinig si Hendrix. Baklang 'to! Malakas pa yata sa speaker kung makatili!
"Mga bakla! Hindi pa ba late ang beauty ko dito?!" Napakalambot niyang naglakad papunta sa amin.
"Bakla!" Jopay beamed. She quickly run towards Hendrix matapos ay nagyakapan sila na para bang hindi nakita ang isa't isa nang isang siglo. Mga teh, nag-club pa talaga tayo last week?!
"Anong nilalaro nila?" Hendrix pointed his finger at the guys from afar us. Kahit na malakas ang tugtog ay rinig ko pa rin ang masaya nilang hiyawan.
"Nagbi-beer pong na naman siguro ang mga iyon. Or truth or dare?" I answered.
"Ang boring talaga nila sa party. Wala na bang iba?" Boredom is evident through Billie's tone.
"Let's go, girls. Ayain na lang natin silang ng body shot." Malanding sambit naman ni Ysabelle. Ang loka, hindi na hinintay pa ang sagot namin. Nagmadali na siyang pumunta doon habang higit-higit ang kamay ng haliparot din na si Hendrix.
Kaya heto kaming apat na walang balak lumandi, wala kaming nagawa kung hindi ang suportahan ang kalandian ng dalawang malanding kaibigan namin.
"Body shot tayo, guys!" Ysabelle yelled.
"Sure!" Mabilis na tugon ni Thorn. Pareho talaga silang mahilig sa ganiyan! "Well. Okay lang ba sa 'yo kung may ibang makahalik dito sa ka-loveteam mo, Ezra?" He turned his face on the buffled face of Ezra.
"Ano ka ba, wala lang sa kanya 'yan! As if I am his property?" Ysabelle rolled her eyes.
For a moment, Ezra looked hurt. But he was so quick to recover when he said, "Right." Ngayon ay nakangiti na siya ng pilit.
"Okay! Sabi mo, eh." Thorn shrugged. "Let's the start the heat!"
Noong una ay ayoko talagang sumali. Kasi the heck? Ayoko kayang may didila o sisisipsip sa kahit ano mang parte ng katawan ko! Nakakadiri kaya!
Pero na-pressure ako, teh. Thorn kept on yelling I am an old testament for my own perspectives. Ysabelle instigating me to just nod dahil eighteen na naman daw ako bukas. Kaya wala akong nagawa, um-oo na lang talaga ako!
At ayon na nga, nagsimula na itong lecheng body shot na ito. Hindi ko alam kung ano ba ang fun dito?! Mga siraulo ba sila?!
Sa unang pag-hinto noong pinaikot na bote ay kay Javi at Jopay iyon tumapat. Si Jopay naman, kilig na kilig. Crush na crush niya kasi si Javi.
Bumunot na sila doon sa bowl. Halos magulantang talaga ang mundo ni Jopay noong malaman niyang abs ang nabunot niya. Iyong kay Javi naman ay braso.
Noong magsimula na silang mag-body shot, ngiting tagumpay talaga si Jopay noong for the first time, nadilaan niya iyong abs ng crush niya! Medyo lasing na kasi ang gaga kaya heto, ang wild! Patawa-tawa pa talaga siya nang nakakaakit noong i-body shot na siya ni Javi.
Ang sumunod namang napili ng mahiwagang lecheng bote ay sina Billie at Lechel. Swear matawa-tawa talaga ako nang malala noong mag-body shot na sila. Pareho kasing mga inosente! Pulang-pula ang mga mukha!
Si Billie ay nag-body shot sa dibdib ni Letchel. Si Letchel naman ay sa hita ni Billie. Kaya ayon, parang mga ano kung pag-pulahan ng mukha. Jusko, mga virgin! Ay-- ako rin pala, ehe.
Ngayon ay umiikot na uli ang hampaslupang bote. Pinangako ko talaga sa sarili na babasagin ko 'yan kapag tumapat sa akin 'yan!
At para ngang nananadya pa ang hinayupak na bote na 'yan! Sa akin nga tumapat! At ginagago na talaga ako ng boteng ito nang si Thorn ang makapareha ko!
Ngayon, napakamanyak ng ngiti sa akin ng baliw.
"Err," I am wincing. "Sure na 'yan? Sure na ba 'yan? Wala nang take two?"
"Lugi ka pa ba, Grace? Masarap kaya akong dumila at sumipsip." Natatawang sambit ng gago. Ibabato ko talaga sa kanya iyong hayop na bote kapag hindi pa siya tumigil.
"Sige na, beh. Ituloy niyo na 'yan." Ysabelle is smiling at me as if saying, itayo mo ang bandera ng mga hindi nadidiligan!
I only rolled my eyes while laughing. Wala akong choice noong tumango ako.
Bahala na talaga.
Wala namang mawawala.
Wala namang magagalit.
Bumunot na ako sa bowl. Nakuha ko ang parteng abs. Si Thorn naman ay iyong leeg ang nakuha.
Dahil iyong ulo ng bote ang tumapat kay Thorn, siya ang mauunang mag-body shot. And right now, I am standing beside him.
I am holding my breath when Thorn place the small glass of tequila inside my shirt. Basically, the glass is sitting on my cleavage.
I was blinking noong hinawi niya ang buhok ko. Doon ay lumitaw sa kanya ang leeg ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may nilalagay na siyang asin doon.
Swear, I was not really ready when all of a sudden, he grazed his tongue on my neck. Dinilaan niya ang asin sa balat ko. And I wince when he sipped my skin without a warning.
Matapos ay dinala niya ang mukha sa dibdib ko. Inabot niya iyong baso gamit ang bibig niya bago niya iyon ininom. Then after that, kinuha niya ang lemon mula sa kamay. Nginisian niya ako habang sinusubo iyon.
That moment, I was . . . shocked.
"Why did you gave her a hickey?!" Jopay fumed. She grabbed Thorn's arms.
"Gago ka talaga, Tinik." Napapailing na sambit ni Carlise. "Lagot ka talaga niyan kay--"
Thorn fell to the floor.
Someone just punched him on the face.
And my eyes widened when I met Liv's blazing eyes.