Life as I know it 1
Hindi ko mapigilang mapahagulgol ng iyak dahil sa sobrang frustration niya sa buhay. Kung sana talaga tinuloy nalang niya ang pag-aaral sa Boston ng Business Administration hindi sana magiging ganito ang buhay niya. Kung sana nakinig nalanh siya sa payo ng magulang niya, kung sana hindi nalang niya nakilala si James, kung sana pinakinggan niya ang pang-gagatong ni Jamea na uhogin ang dyowa. Napupuno siya ngayon ng maraming katanungan at sana aa buhay niya na wala namang naitutulong sa kanya kundi sakit at pagdurusa. Halos limang taong buhay niya ay sinayang niya para lang sa isang lalaking walang ginawa kundi patuloy siyang lokohin ng paulit-ulit at ang masakit pa yung bestfriend pa talaga niya ang pinalit sa kanya.
"hayup ka James!!!!"
"Tama na yan.. marami kanang alak na nainom nakakahiya na sa mga tao at sa mga waiter naaabala mo sila"
Hindi na niya kailangan pang lumingon o tingnan kong sino man ang lalaking kadarating lang at hinablot ang hawag niyang bote ng alak.
"Greg.. my dear! Nandito ka, buti ka pa hindi mo ako iniiwan at ni minsan hindi mo ako niluko my good news ako sayo"
Halos hindi na niya makita ang buong mukha ni Greg dahil nanlalabo na ang kanyang paningin at nanginginig na ang kanyang mga tuhod at ano mang oras ay parang maduduwal na naman siya.
"Marg.. stop it! Bryan pakibitbit ng mga gamit ko at gamit ni Marg sa sasakyan, kailangan ko na tong buhatin palabas dito masama na talaga ang tama niya sa alak. May meeting akong kinansela masundo lang babaeng to"
Hindi niya mapigilang sermonan ang babaeng halos lupaypay na aa kalasingan nasa paboritong bar nila sila ngayon at gaya ng dati siya ang kanyang night and shining armor na walang ginawa kundi i-rescue ang mahal na prinsesa na puro problema ang dala sa buhay niya. Kilala na sila halos ng mga staff dito kaya kampanteng kampante ang babaeng ito na maglasing at magwala dito.
"Sir Greg, pinigilan naman namin kaso ayaw talaga paawat"
Paliwanag ni Bryan na matagal na ding bartender sa bar na ito.
"Nagbayad na ba to?"
Umiling naman ang bartender.
"Sigeh charge mo nalang sa akin, gaya pa din ng dati. "
Bumuntong-hininga muna siya at niluwagan ang suot na necktie bumuwelo bago pinangko ang babae sa kanyang mga bisig habang ang mga kamay nito ay komportableng nakapulopot sa kanyang leeg.
"Greg.. thank you for coming, palagi mo nalang akong nililigtas sa tuwing pumapalpak ako sa buhay, you are truly my prince charming"
"Wag mo lang akong susukahan okay na yun sa akin di muna ako kailangang bolahin pa, just sleep and let me handle the situation okay?"
Mugtong mugto ang mga mata ng babae at namumutla na ito dahil siguro sa kaiiyak, napabuntong-hininga nalang siya at ng maipasok na ni Bryan ang mga gamit nila sa kotse at sinenyasan niya ang driver niya na isara na ang pinto ng makapasok na sila ng babae sa likurang bahagi ng upuan.
"Naku.. nakailang bote si madam ngayon sir?"
"Hindi ko na binilang baka ma-stress pa ako, wala sina Ninang at Ninong sa bahay kaya sa Condo nalang tayo didiritso, baka makita pa ni Sammy ang Ate niyang mukhang iwan"
Tinutukoy niya ang nakababatang kapatid nitong si Sammy ta sampung taong gulang pa lamang madalas itong maiwan sa bahay nila kasama ni Margie at ng katulong kasi parehong nagtatrabaho mga magulang nito sa kanilang negosyo.
"Nakakatuwa naman kayong tingnan Sir, sobrang close niyo ni madam kung hindi ko nasaksihan ang paglaki niyong dalawa iisipin kong mag-asawa kayo o di kaya ay mag-boyfriend"
natatawang komento pa ni Manong Roger sa kanya at hindi ito ang unang pagkakataon na mapagkakamalan silang may relasyon.
"Ang malas ko naman kapag katulad ni Margie ang napangasawa ko, aatakihin ako sa puso ng wala sa oras at tutuboan ako ng sakit cancer ng wala sa oras"
"Swerte niyo naman! daig pa artista sa ganda ni madam"
Natawa nalang siya sa komento nito kasi totoo naman talaga maganda si Marg, maganda ang pangangatawan at mapagmahal yun nga lang kinulang sa talino at hindi nag-iisip minsan.. no, palaging hindi nag-iisip. Masasabi din niyang makasarili ito, pasaway, matigas ang ulo at napaka-naive pero kahit ganito ito mahal na mahal pa rin niya ito dahil alam niyang mabutia itong tao.
"Oooooy!! si sir nag-iisip"
kantiyaw ni Mang Roger sa kanya.
"She is like a sister to me at hindi namin type ang isa't-isa ang awkward naman noon siya ang kasama ko ng nagpatuli kami aa doctor. Natatawa pa rin ako kapag naalala niya yun"
"Tita.. I am not going anywhere, you tell the doctor I am not going anywhere"
"Little princess kailangan mong lumabas kasi sisimulan na namin ang operation ni little prince"
Halos matunaw na siya sa hiya dahil sa mga pinagsasabi ni Margie sa doctor, he 9 years old at that time and she just turned 5 years old pero ang galing galing nitong magsalita at sumagot sagot sa doctor.
"No, I will stay until her p***s is okay"
Halos maghalakhakan ang buong operating room dahil sa tinuran ng batang babae pati tuloy ang daddy niya ay hindi napigilang humagalpak ng tawa. Dalawa silang lumabas ng operating room at magkahawak kamay silang dalawa na lumabas.
"Don't worry the doctor says your p***s will work just fine now"
"Will you shut up? Masakit eh.. wag mo nga akong inaasar"
"You want me to kiss your p***s so pain more?
He is only 9 years old at that time pero hinding hindi niya yun makakalimutan, those soft hands, those innocent eyes and beautiful laugh from her was so precious. Hindi na siya nagkaroon pa ng kapatid kaya minahal niya ng higit pa isang kapatid si Margie ng mga sandaling yun. He waa everything to her , hindi na nga siya nagkaroon ng girlfriend noong high school at college dahil buong akala ng campus ay mag-jowa sila. JS prom noon ni Margie sa high School at nasa kolehiyo na siya, hindi ito papayag na hindi siya ang maging escort nito.
"If you do not want to date me then I will date you. Ayawkong may ibang lalaki na hahawak ng kamay ko, ikaw lang my prince okay?"
"Marg.. dalaga kana at binata na ako, you need to grow-up hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan ako para sayo, you need to-----"
"Do you like me?"
diretsahang tanong nito sa kanya at napalunok siya.
"Of course I do! ano bang klaseng tanong iyan"
"No.. not that you like me, yung gusto mo ako like you like me as a women, yung kinikilig, may something kakaiba you know what I mean..."
"Of course not! hindi kita type ayawko sa mga babaeng hindi matangkad, hindi matalino at hindi---"
"stop it.. I get it, hindi mo gusto ang pangit na katulad ko"
"Hay naku.. andito na naman tayo! you always act like a brat you know"
komento niya bago inakbayan ang babae saka sabay silang lumabas ng campus.
"So will you date me sa prom?"
napakalambing nitong tanong sa kanya.
"Oo na.. sigeh na!!!"
"oh my!!! I love you greg"
at saktong pagkasabi nito ay lumapit ang mga labi ng dalaga sa kanyang mga labi. Agad niyang natulak ito.
"Ouch!!! aray, ang sakit noon ah"
"why did you kiss me? margie do not ever do that again okay? sorry.. I am so sorry"
"what? the kiss? you always kiss me noong nasa elementary pa tayo sa tuwing masaya at malungkot ako"
"Marg.. binata at dalaga na tayo, act like your age pwedi ba?"
Agad syang sinundan ng babae.
"And why is that? dahil 18 na ako at 23 kana.. I won't get pregnant just because I kiss you, you know.."
"Say what?? saan mo nakuha ang mga----"
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mas mabilis pa itong tumakbo sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sa babaeng nakahiga sa kanyang kama, gaya ng dati pagkababa niya rito sa kama ay humihilik na ito at siya na mismo nagtanggal ng sapatos at medyas nito. He took a shower and sleep to bed right next to her katulad ng dati. Kinaumagahan nagising siya dahil sa mabangong aroma ng kape at dahil sa masarap na amoy na nagmumula sa kusina. Bahagya siyang napangiti, there's only one person who touches her kitchen aside from her cook and cleaning lady.. it's Margie. Agad siyang bumangon habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
"Oh.. wow!! what a hot and yummy breakfast buddy.. bagay sayo ang boxers mo"
kantiyaw pa ng babae at sumipol sipol pa pagpasok niya ng CR.
"kamusta pakiramdam mo?"
"I am good as brand new my prince charming... seryoso bagay sayo ang boxers mo at bet ko talaga ang abs mo!!! sarap"
"This is your birthday gift remember isang karton ng boxers at medyas last year, remember?"
Napailing nalang siya, mukhang okay na nga ito, balik na ito sa pagiging normal at pagiging baliw.
"OH.. ganun ba? di ko ma-alala but anyway dahil isa akong damsel in distress kagabi at niligtas mo ako, I made you your favorite breakfast and your taste of coffee"
Palabas na siya ng CR ng mapansin na suot pala nito ang kanyang puting t-shirt na nagmukhang bestida dahil sa liit ng babae. Sa ibang pagkakataon talaga ay napapalunok siya dahil hindi ito nagsusuot ng bra sa kanyang harapan minsan at may kalakihan ang dibdib nito at hindi niya mapigilang sawayin ito.
"I told you to wear something decent na pang-itaas bumabakat yung ano mo naaalibadbaran ako"
"oooh di nga??"
"Marg.. lalaki ako okay? at pwedi ba magsalawal ka, ang daming kung shorts at pajama dito bakit wala ka man lang bang maisuot?"
"we used to see each other naked Greg, ano bang issue mo sa hitsura ko hindi mo naman ako gagawan ng masama kahit nakahubad ako kaya----"
"Marg... lalaki ako, and I have needs okay? seeing you naked in my condo, in my kitchen in the morning does not help at all.
"Bakit?? turned on ka ba or something? hindi naman natin type ang isa't -isa, and hello.. greg 28 na ako at ikaw ay 33"
"That's exactly my point matanda na ako at matanda kana we need to act appropriately"
"okay.. okay you win, breakfast?"
kadarating lang niya sa bahay at agad siyang sinalubong ni Sammy.
"Hi sister,
kamusta ang date niyo ni kuya greg kagabi balita ko lasing ka daw"
"No I am not"
"liar.. you are wearing kuya's engineering t-shirt, you are wearing his socks and his boxers"
napakamot siya ng noo.
"oh yeah.. I kinda' did"
"Yes you did"
"alam mo ate Marg, you and kuya will be a perfect pair kung sakaling maging kayo romantically, everything will be perfect by then. Magiging official part kana ng pamilya namin and who knows----"
"it's not gonna happen sammy, what we have as bestfriends are more special"
sagot ng niya sa kapatid na sa halos bawat family dinner nalang ay kinukulit silang dalawa.
"But if that times comes ako ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo, di ba balae?? este.. mare pa pala"
dagdag na tukso sa kanya ng kanyang ina habang tumawa naman ang ina ni margie bilang pagtugon.
"wag kayong mag-alala dahil kahit nakahubad ako sa harap ng kuya mo wala siyang mararamdaman promise... take it from me"
ganting panunukso niya kay greg at palihim siyang sinipa nito sa ilalim ng mesa.
"pinapaalala ko lang sayo, 33 kana at matanda na kami ng mama mo mas magiging fulfilled ang buhay namin dito sa mundo kong makikita namin ang mga apo namin at makakalaro bago man lang kami mawala sa mundo"
Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga sa sinaad ng ama.
"I heard Melanie is coming back here, first love mo siya di ba kuya? baka naman may chance na maging kayo ulit kasi pakiramdam ko siya lang ang pag-asa namin para tumibok ulit yang puso mo"
"oh.. s**t! Greg, wag na wag mong balikan yung gagang ex mo na yun ha.. sinasabi ko sayo hindi ko siya gusto for you"
pagbabanta niya sa kaibigan na parang walang naririnig at sumusubo lang ng pagkain nito.
"well.. dalawa lang naman ang babae sa buhay ni kuya greg ate marg maliban kay mama at kay tita ikaw lang at si melanie ang mahalaga sa buhay niya. May responsibilidad siya sa pamilya namin bilang tagapamahala ng kompanya, I am not saying na mag-aasawa siya for business lang okay but he needs to----"
"then.. I will marry him"
taas noo niyang pagputol sa mahabang sanaysay ni sammy.
"whaaaaaaaat?"
lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya at pati si greg ay nabitawan ang kutsara na isusubo na sana sa bibig nito.