Habang tumatagal, parang mas nararamdaman kong hindi na ako malaya, hindi ko na magawa ang mga gusto ko. Hindi na ko masaya.
Minsan sa buhay ng tao, akala mo iyon na iyon. Umaasa lang naman tayo na maging masaya. Ang magmahal at mahalin. Ngunit kaakibat ng saya ang may sakit. Sa bawat tawa ay may hinagpis. Sa bawat oras na dumadaan unti-unti mong napagtatanto na hindi ka na pala kagaya ng dati. Hindi na masaya tulad ng dati. Puro sakit at pasakit na lamang ang iyong natatamo.
Isa na akong paru-paro na ni hindi man lang maikampay ang mga pakpak. Isang ibong hindi na makalipad sapagkat naputulan ng pakpak. Naputol na ang tulay na daan patungo sa pangarap. Natapos na ang lahat ng hindi ka masaya.
Ni hindi ko na maalala kung anong nangyari sa akin kung bakit nandito ako. Nakakulong sa apat na sulok ng puting silid na ito. Nananahimik habang nagsasalimbayan ang sigaw at ungol mula sa silid ng ibang pasyente.
Nakakabingi ang katahimikang aking naririnig. Nakakapanlumo ang sitwasyon ng mga tulad kong nawala raw sa katinuan.
"Naniniwala ka bang nababaliw ako Nurse Joan? Kung baliw ako, ano pang itatawag natin sa kanila?, lingon kong tanong sa aking tagapagbantay.
May mga uri ng taong hindi na dapat naglalagi sa mundong ibabaw. Masasamang tao tulad ng pamilya ko. Heto ako't ikinulong nila sa lugar na ito. Pinipilit na baliw upam makamkam ang kayamanan ng aming pamilya.
"Sa tingin mo ba makakalabas pa ko? Bakit naririnig ko na sila sa utak ko? Hindi ko maintindihan!", histeryang sigaw nito.
"Hindi ako baliw, palabasin niyo ko!,"nagmamakaawang sigaw ni Priscilla.
"Nurse Joan, kamusta ang pasyente mo?, " marahang tanong ng Doctor na naka-assign sa palapag na yun.
"Wala naman po Dr. Israel. Nagku-kwento lamang siya muli at pinipilit na hindi siya baliw".
"Nurse siya ang dahilan kung bakit ako nandito, Joshephine pakawalan mo ko. Tama na! Sa inyo na ang yaman ng ating pamilya.
Huwag mo kong hayaang tuluyang mabaliw dito," histeryang wika nito.
"Nurse Joan, kamusta ang pasyente mo?, " marahang tanong ng Doctor na naka-assign sa palapag na yun.
"Wala naman po Dr. Israel. Nagku-kwento lamang siya muli at pinipilit na hindi siya baliw".
"Nurse siya ang dahilan kung bakit ako nandito, Joshephine pakawalan mo ko. Tama na! Sa inyo na ang yaman ng ating pamilya. Huwag mo kong hayaang tuluyang mabaliw dito," histeryang wika nito.
Tahimik na lumapit si Josephine sa pinsang si Priscilla at bumulong . "Konting tiis pa, mailalabas din kita dito". Magwala ka lang dahil may kamerang nakatutok sa atin". Sabay turok nito ng pampakalma sa kaniya.
Nagising akong malaya na. Nailigtas ako ni Josephine. Tinupad niya ang pangako niya. Tahimik na akong nabubuhay ngayon dito sa Moscow. Mas pinili kong lumayo kaysa ang patuloy na lumaban. Ayoko ng manatiling nakakulong. Masakit at nakakabaliw. Nais kong maging malaya hanggang sa katapusan ng aking buhay.