Autumn 2019
Sa panahong ito, unti unti ng nalalagas ang mga dahon mula sa puno ng Maple.Taglagas. Habang nalalagas ang mga dahon sa panahon na ito, unti-unti na ding nauubos ang hibla ng buhok ko.
Lumipad kami ng kapatid ko patungong London. Nagpapalit-palit na ng panahon pati ng hospital ngunit ganoon pa rin, hindi malunasan ang sakit ko. Unti-unti ng nalalagas ang pag-asa kong gumaling.
"Hanggang kailan ako magtitiis Kuya? Hanggang kailan ba tayo lalaban. Masakit na kuya hindi ko na kaya", bulong ko sa aking kapatid.
"Hinihintay pa rin ka niya ako? O nakahanap na siya ng iba?".
"Huwag kang sumuko Anisa. Lalaban tayo. Hindi mo iiwan si Kuya hindi ba?", umiiyak na pagmamakaawa nito.
"Pangako, hihintayin ka niya".
Cromwell Hospital, London
"Please help us, save my sister. I will pay a lot. Please".
"Anisa lumaban ka, please wag mo iwan si Kuya".
"Kuya Marlon, mahal na mahal kita. Patawad. Pakawalan mo na ako hindi ko na kaya", bulong nito.
"Kailangan mong umuwi Kuya", ngiti nito.
Hanggang sa unti-unti na itong binawian ng buhay.
Nagsisigaw na umiyak si Marlon sa isang tabi.
Summer, Pilipinas 2021
Tahimik na naghihintay si Jonathan sa NAIA.
"Pasensiya na at natagalan ako. Pinabibigay nga pala ng kapatid ko. Salamat Jonathan. Ito na ang huling pabor na hihilingin ko.Patawad", at umalis na ito.
Autumn 2023 London
"Nandito na ako Anisa. Patawad natagalan ako".
"Tinupad ko na ang kahilingan mo. Nagpunta ako dito ng hindi nag-iisa".
"Magpapaalam na ako gaya ng kahilingan mo", piping bulong nito.
Unti-unti niyang isinaboy sa paligid ang dahong naipon ni Anisa habang nanatili dito noon. Kasama ang sulat na huling ibinigay ni Marlon.
"Gusto kong lumaya at maging masaya ka na. Pagdating sana ng panahon na yun. Bumalik ka dito sa akin at nagpaalam ng tuluyan. Mahal kita. Paalam Jonathan. Salamat".