Duyan Sa Aking Alaala

300 Words
Kasabay ng ugoy ng duyan, nabuo ang pag-iisa ng aming puso't kaluluwa. Kaydaling lumipas ng panahon. Naalala ko pa ang mabini mong haplos sa aking pisngi. Ang matamang pagtitig sa akin ng iyong malamlam na mata. Ang pagbulong mo sa akin ng pag-ibig mo sa pamamagitan ng mga tula. "Ang pag-ibig kong ito ay wagas at totoo. Ni sinoman ay walang kakayahang baliin ito. Asahan mong ikaw hanggang sa huli ang pipiliin ko". Kaysarap namnamin ng mga katagang iyon. "Ang nararamdaman kong ito para sa iyo ay walang katumbas na salita. Ang nakikita lamang ng aking mga mata ay ang walang bahid mong kariktan". Sa panahong iyon, hindi ko lubos maisip na makakatisod ako ng wagas na pag-ibig. Natatanging pilit hinahadlangan ng tuligsa, masasakit na salita at panghahamak ng sarili mong angkan. "Nagtagumpay tayo, Arnaldo. Narating natin ang rurok ng kaligayan". "Patawarin mo ang iyong sarili. Patawarin mo ang kanilang pagkakasala sa iyo. Limutin at pilitin mong lumakad paabante. Palayain ang pait, huwag linangin ang galit. Lalaya ka, lalaya tayo sa pighating tinatamasa". "Palayain mo ang iyong sarili. Hayaan mong manariwa sa iyo ang magandang alaala. Subukan mong maging masaya. Sarilinin ang himagsik ng kalooban. Nang ikaw ay lubos na makaramdam ng kaligayahan". Huling alay na tula sa akin ni Arnaldo bago niya ko tuluyang nilisan. Ang hangad ko lamang noon sa buong buhay ko ay ang maging masaya dahil alam kong hindi ko ito maaatim. Tatanda at mamatay na mag-isa. Ngunit dumating siya. Ang taong tumanggap ng aking pagkatao kahit ano o sino pa ako. Ngayong sumapit na ako sa dapithapon ng aking buhay. Masaya akong mamamaalam baon ang matalinhaga at malinis mong katapatan Arnaldo. "Lolo Felipe, kailangan na po nating bumalik sa balay". Ang walang hanggang mong pag-ibig. Binigyan mo ng kulay ang aking mundo hanggang katapusan. Paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD