Tanging Pangarap

300 Words
Ang sakit sakit na! Tama na Celestina. Hindi ko na kaya! Ubos na ubos na ako! Mahal kita pero bakit ang sakit sakit na!" "Hayaan mo na akong maging masaya Ronald! Tama na! Maghiwalay na tayo". Ang sakit sakit. Mahal ko din naman siya pero bakit napagod siya, pero dapat. Ginawa ko naman ang lahat para sa kanya, pero hindi pwede. Mahal na mahal namin ang isa't isa ngunit ito ay kasinungalingan! "Patawarin mo ko Ronald, patawad". "Tapos na tayo Celestina, tandaan mo yan!" Cut!, biglang sigaw ng direktor. Palakpakan, iyakan, sigawan matapos kuhanan ang huling eksenang yun. Tragic diba? Yan ang kontrobersiyal na wakas ng pelikulang "Celestina, Gagawin Lahat Para sa Pangarap". Ako nga pala si Anna Marie Reyes, artista. Kapareha ko si Joshua Montes. Kami ang tinitingilang loveteam sa henerasyong ito kagaya ni Kristine Hermasa at Jericho Rosales noon. Galit siya sa akin dahil sa binabalak ko. Hindi niya kayang tanggapin na ayaw ko na. Ayaw niyang huminto kami ngayong pangarap lang naman naming makarating sa itaas. Ano ba ang magandang gawin sa itaas. Manatili, ngunit dadating ang panahong ito tama na. Bumaba na. Sobra na. Sigawan, tawanan! Premiere night. Pagkatapos mapanood ang pelikula. Tumabo kami sa takilya. Maraming nagtataka bakit ganun ang kinalabasan ng wakas. Iyakan at tanungan. After party. May mga mamahayag na kasama. Kailangan daw nila ng buong pahayag. Pumayag ako at nag set up na kami sa gitna. "Miss Anna bakit naman ganun ang ending. Sabi ni Direk ikaw daw ang magpapaliwanag kung bakit?" "Ngayong araw ang huling araw ang tapos ng kontrata ko. Hindi na ako pipirma kahit kailan". "Bakit naman po ganun?" nagtataka. "Ngayong tapos na ang pangarap ni Celestina. Pangarap naman ni Anna Marie ang kailangan kong gawin". "Pangarap kong magkaroon ng tahimik at matiwasay na buhay". Maraming Salamat sa lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD