Alingawngaw Ng Isipan

300 Words
"Sino ka? Hindi ikaw si Amira!" Napangisi ang bride sa narinig. "Ngayon mo lang ba nahalata? Tapos na ang kasal. Nakatatakang hindi mo man lang natuklasang impostor ako?", tila nababaliw na wika ng babae. "Ako na ngayon ang asawa mo at hindi ang kakambal ko. Matagal kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti sa kahayupan mo!". "Mamatay ka na ngayon, mabuti pang humingi ka na lamang ng kapatawaran. Simulan mo ng lumuhod at magmakaawa!", sabay tutok ng armalite sa noo nito. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Saan mo dinala si Amira?!". "Huwag kang mag-alala pinaranas ko lang naman sa kaniya ang mga natamo kong kahayupan mula sa iyo! Maghintay ka at magkikita-kita din tayo sa impiyerno". Umalingawngaw ang putok ng armalite. Tadtad ng bala ang katawan ng tampalasang nilalang. Duguan ang trahe habang kinakaladkad ang b***l paalis sa lugar na iyon. "Bitawan niyo ako! Mga hayup kayo anong gagawin niyo sa akin!", nagpupumiglas. Sigaw, halakhak at tangis na lamang ang maririnig mo mula sa silid na yun. Salitan habang pinapaso ng sigarilyo ang katawan nito. Hindi pa nasiyahan nagpasok pa ng bote ng San Mig sa maselang parte ng katawan nito. Nagtampisaw ng paulit-ulit sa kaligayahan bilang paghihiganti. Nang walang ano-ano'y bumukas ang pintuan ng pasalya. Pinagbabaril ang mga lalaking sa salarin ay walang halaga. Nakangising dumilat si Amira. "Monica, naiintindihan ko na". "Hindi mo naiintindihan! Wala kang puso Amira. Kambal tayo. Dapat tayo ang magkasangga ngunit anong ginawa mo ha! Isinangkalan mo ako sa demonyo!", galit na saad nito! "Huwag ka ng umiyak Amira, pinatay ko na sila hahahaa", tila nababaliw na aniya. "Susunod na tayo. Magkasangga hanggang sa huli!. Hinding hindi tayo magkakawalay", sabay halakhak. Sa huling putok ng b***l. Nakangiting namatay ang kambal. Nagtampisaw sa kasalanan. Nangarap na maghiganti. Ngunit bandang huli tanging sariling kaisipan lamang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD