Wangis Ng Pag-Ibig

300 Words
Maibabalik ko pa kaya ang panahong lumipas. Mga sandaling unti-unti mong pinag-dingas. Hanggang sa kahuli-hulihan kong lakas. Mananatili kang mag-iiwan ng bakas. Alaala nang kahapong itinatak ko sa aking puso't isipan. Patuloy kang iuukit, pag-aalayan ng pagmamahal. Aalagaan hanggang katapusan ng aking buhay. Makita lamang muli wangis mo aking mahal. Nais kong lumilok ng labindalawang kawangis ng iyong alaala. Labindalawang sandali upang makaahon na ako sa kalungkutan at pighating bumabalot sa aking pagkatao. Naalala ko pa ang una nating sandaling magkalapat ang ating mga mata, hanggang sa unti-unti mong sinalo ang aking baba at pinagdaop ang ating mga labi. Ang mga bisig mong may nakasukbit na buslo na naglalaman ng pagkaing ikaw mismo ang nagluto. Ang wangis mong nakapangalumbaba habang nangangarap kung paano natin tutuparin ang mga pangarap ng magkasama. Ang pagsayaw mo ng ballet sa kakahuyan na tila isinasayaw ka ng hangin. Ang kadiliman ng sandaling iyon ng ika'y nagpaalam. Ang pamamaalam mong bumasag sa aking katauhan. Ang huling lapat ng iyong kamay. Ang pagkukubli mo sa puno at muling pagsilip sa akin. Ang masaya mong tinig na tila musika sa pandinig. Ang tagumpay mo habang nakadipa ang iyong mga kamay sa entablado nang aking nasilayan ang pagtatanghal mo. Ang bahid ng kasiyahang tila nakamit mo ang tagumpay ngunit hindi ako kapiling. Bumalik sa aking alaala nang una kitang nakita. Nakatayo sa gitna ng ilog habang may tangan kang sisidlan ng tubig. Malayong malayo sa kagandahang tinataglay mo ngayon. Ang panglabindalawang wangis, ang alaala ng pagtakbo at pagyakap mo sa akin pagkatapos mong magsayaw. Ang huling yakap. Ang huling paalam. Kung saan binigkas mo ang mga katagang " Bakit ngayon ka lang? Ang tagal kitang hinintay. Patawad ngunit hindi na kita nahintay. Palayain mo na ako mahal". Patawad ngunit hindi ko pala magagawang palayain ka sa aking alaala. Patawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD