Ang Larawan
Humahangos na pumara si Sarah ng pampasadang dyipni. Huli na siya. Malalagot siya sa kanilang titser dahil may ekskursyon sila ngayong araw.
Tutungo sila sa Museo Ng Maynila kung saan may eksibisyon ngayong araw ng mga lumang litrato na kuha noong unang panahon. Bilang isang estudyante ng Potograpiya, isang malaking bagay na masilayan niya mismo kung paano at ano ang kinaibahan ng pamamaraan ng pagkuha noon ng litrato base sa teknolohiyang ginagamit nila ngayon.
Pagsapit ko sa Tagapagtala. Nauna na daw pumasok si Ginang Reyes at umagapay na lang daw ako sa pila pagdating ko.
"Nasaan na kaya sila?", bago ko nahagip ang bisig ng lalaking nasa aking tabi bago ako napaluhod sa pagkakadapa."Paumanhin po. Hindi ko sinasadya", nahihiyang aniya habang nakayuko.
"Walang kaso sa akin Binibini. Ayos ka lamang ba?",habang inaalalayan akong makatayo.
"Salamat", habang inaanalisa ko kung nasa kasalukuyan ba akong panahon. Ang lalaki sa aking harapan ay tila naggaling pa sa unang panahon. Maayos na naka-pomada ang mga buhok. Matikas ang tindig at ang kasuotan ay pormal.
"Walang anuman Binibini", nakangiting anito.
Dahan-dahan akong lumingap sa paligid nang mahagip ng aking paningin sila Ginang Reyes. Napangiti ako't nahanap ko na ang klase namin. Magpapaalam na sana ako sa lalaki ng paglingon ko'y naglaho na siya. Napapailing akong tumulak na patungo sa linya.
Namamangha ako habang tinitingnan ang mga larawang nakasabit sa kwaderno sa dingding ng Museo. Ang ganda ng kulay nila kahit itim at puti lamang ang pangunahing kulay na ginamit nila sa sining na ito noon unang panahon. Sa kabila noon mababanaag mo ang emosyon ng mga taong nasa larawan.
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang masilayan kong muli ang mukha ng lalaki sa sumunod na kwaderno. Napapakurap kong nilakihan ang mga mata ko sa pagtitig dito at siya talaga ito. Ang lalaking iyon.