"Sabi nila kapag natagpuan mo na daw ang TOTGA mo, jackpot na", nakangiti akong umiling habang nakatayo sa entablado.
"Pero paano kung yung "The One" na yun ay may iniibig namang iba? Hahabulin mo pa ba siya?".
Puro sigawan na lang na kamag-aral niya ang tanging naririnig niya habang nakikipag-debate. Inis pa siya na ang napiling tema ay ito.
"May mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Yung mga oras at panahong iginugol mo sa kaniya. Hindi ka niya nakikita. Hindi niya nararamdaman ang mga sakripisyo mong sa tingin niya pala ay wala namang kwenta!"
Napaungol ang mga nanonood sa binitiwan kong salita.
"Natagpuan ko na ang aking TOTGA pero dahil sa kadahilanang nagustuhan ko siya. Nasira ang pagkakaibigang matagal naming binuo. Noong sinabi niya sa aking nakita na niya si The One, gumuho ang mundo ko. Siya ang unang tumalikod kaya siya na ang aking The One That I Got Away! Hindi worth it. Kaya huwag na huwag kayong iibig sa matalik niyong kaibigan".
--
"Mahal pinanonood mo na naman iyan", natatawang bulong ni Jomari sa nobya.
"Hindi lang ako makapaniwala na ikaw pa rin naman pala ang TOTGA ko. Nagdrama pa ako sa school".
"Bakit naman kasi hindi ka pa agad nagtapat sa akin?. Inuna mo pa ligawan si Alyanna kaysa sa akin", tampo pa ni Angela.
"Prank nga lang yun. Magtatapat na talaga ako sayo sa bulwagan habang nagdadrama ka dun. Kaya lang ang bilis mong tumakbo palabas", muling paliwanag nito.
"Ikaw talaga ang The One ko. Hindi ko alam kung bakit ilang araw pa lang na hindi kita kinakausap ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Buti na lang tagumpay pa din ang plano. Matapos mong sabunutan si Alyana", hindi makapaniwalang anito.
--
"I got away but he quickly put me back in his arms again".