Pinilit kong ibangon at iahon ang sarili ko mag-isa. Lumaki akong kulang sa aruga ng sarili kong magulang. "Napakawalanghiya mo Rudy, wala ka ng ginawa kundi mag-inom habang ako nagpapakaputa para lang may pantustos tayo dito sa bahay". "Huwag mo akong simulan Esmeralda, diba't puta ka naman talaga! Saan ba kita kinuha? Di ba at doon din! Galingan mong gumiling para madami tayong lalamunin!". Sa edad na katorse ay gawing-gawi ko na ang umiwas kay Tatay at Nanay habang sila ay nasa barung-barong namin. Ako kasi ang pinagbubuntungan nila ng galit pag hindi na nila kayang sikmuraing harapin ang isa't-isa. Madalas hinihiling ko na lang na sana ay may umampon sa akin, o kaya maligaw habang namamalimos ako. Pero paano ba ako maliligaw kung sa edad kong pito e, laman na ako ng Maynila. Pinag

