"Kung maari, nais ko sanang iguhit mo ang larawan ng aking anak sa bakod ng bahay namin? Ibig kong maging masaya siya sa darating niyang kaarawan", umaasang hiling ni Gng. Maria sa akin. Naluluhang tumango si Annie habang hawak ang kamay ng paborito niyang guro. "Salamat Annie", nanginginig ang boses na sabi nito. "Ang makita ko araw-araw ang wangis nang anak ko ang nais kong mangyari. Ang manatili siyang nakangiti at masaya sa larawang iyon. Ang maalala ng puso ko mga winika niya sa akin bago siya mamaalam. Ang huling kuha ko sa kanya ng litratong ito kung saan lila ang kaniyang buhok, kita ang mga biloy at masayang pinagmamasdan ako", pagpapatuloy nito. Walang magawa si Annie kundi kabigin at yapusin ang guro. Sumasakit ang puso sa pighati at dalamhati. "Gagawin ko po ang lahat sa

