Ako At Si Cristina

300 Words
"Anak ng kriminal!" "Lumayo ka nga dito baka katulad ka din ng ina mo!". "Baka mahawa ang mga bata ng lahing kriminal mo!". Ilan lamang yan sa kinagisnan kong tawag sa akin ng mga kapitbahay. Tukso ng mga ibang paslit na ayaw akong isali sa kanilang mundo. Palagi akong nag-iisa. Sa musmos 'kong isip "Anong kasalanan ko?". Iniisip kung ganoon din nga ba ang kahihinatnan ng buhay ko. Ako si Micaella at si Cristina. Siya ang aking ina. "Anak patawarin mo ako. Ginawa ko lamang iyon para mabuhay ka. Hindi ko na matiis ang pagmamaltrato niya sa ating dalawa. Hindi ko na kayang makita pa na pagsamantalahan ka niya", huling sandali bago niya winasakan ang sarili niyang buhay sa mismong paningin ko. Sa edad na sampu pinilit kong intindihin na mag-isa na lang ako sa mundo. Walang karamay. Pilit na itininataboy ng mga kamag-anak. Binibugbog at pinagsasamantalahan pa din ng mga hayop naming kapitbahay. Lumaki akong galit sa mundo. Isinusumpa ang kapalaran kong nakakasuka. Labing-isa ng natutong mandukot ng pitaka sa may simbahan. Katorse ng tuluyang sumabak sa prostitusyon. Disisais ng magdalang-tao muli sa pangalawang beses. Kipit ang pipis na tiyan habang mabilis na tumatakbo sa kadiliman. Hinahabol na naman ni Amo upang muling ipalaglag ang munting sanggol. Natatakot na sa isa pang pagkakataon mawala ang kaniyang dinadala. "Hindi ba ako pwedeng magdesisyon sa sarili ko! Bakit kailangan niyo akong parusahan ng paulit-ulit!",buong lakas na nagpupumiglas habang kinakaladkad ng mga tauhan. "Bitawan niyo ako. Hayaan niyo akong maging isang ina! Ipinangangko kong hindi siya matutulad sa akin Panginoon! Tulungan Mo ako. Pagod na pagod na ako sa lintik na buhay na ito. Tapusin Mo na ang paghihirap ko". "Ina, patawad. Hindi ako naging katulad mo! Hindi ko sila naprotektahan", habang unti-unting binawian ng buhay. Nakangiti akong lumapit sa aking ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD