Everlasting Love

300 Words
Like the sun that shines, endlessly it shine You always will be mine, it's everlasting love, When other loves are gone, ours will still be strong We have our very own everlasting love, Real love will last forever" Hindi ako makapaniwala. Bakit nasa iisang panahon lang kami ni Mandy. Kinakabahan man ay dahan-dahan kong sinulyapan ang pagsasayaw nilang dalawa sa bulwagan. Pinagmamasdan ko lang sila ng biglang kumalas si Mandy habang tangan ni Arnulfo. "Patawad mahal ko", nang bigla itong kumaripas ng takbo. "Mahal ko huwag kang tumakbo, baka ikaw ay mapahamak!". Natakot na nagtago si Amanda nang biglang lumingon sa gawi niya si Arnulfo. Ano bang nangyayari? Bakit magkakasama kami sa isang panahon. "Aha! Natagpuan din kita mahal ko", natatawang anas ng ginoo. "Sandali lamang Ginoo, hindi kasi ako sa Mandy este si Amanda pala". "Nagsisimula ka na naman sa biro mong iyan mahal ko, simula ng nagising ka ay iyan talaga ang bukam-bibig mo. Sigurado ka bang maayos na ang kalagayan mo pagkatapos mong mahulog sa sinasakyan mong kabayo?", nag-aalalang wika nito. Nagimbal si Amanda sa narinig, biglang nangilid ang luha sa mga mata. Datapwat nakabalik na siya sa panahong kinabibilangan niya. Unti-unti siyang napalingon sa paligid. Natatarantang hinahanap si Mandy. "Ginoo nais daw kayong makausap ng Senyor", ani ng tauhan ng kaniyang ama. "Sandali lamang mahal ko", anas ni Arnulfo. Mabilis na tumakbo si Amanda patungo sa harap ng rebulto. Ang dahilan kung bakit nagkakapalit sila ng panahon ni Mandy. "Mandy", piping bulong niya. "Tapos na ba? Iyon na ba ang huli?. "Naging maligaya ka ba?" "Salamat din at nakamtan ko din ang tagumpay gamit ang iyong buhay. Hanggang sa muli nating pagkikita. Aalagaan ko si Arnulfo para sa iyo". Ang walang hanggang pag-ibig ni Mandy at Arnulfo. Nasa magkaibang panahon ngunit hindi mahadlangan miski ng tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD