Seasons Of Love: Ikaw Pa Rin

300 Words

"Pagbalik ko pakakasalan na kita". Huling salita ni Anthony bago sila umalis para mag-migrate sa Amerika. Dahil high school pa lang kami hindi ko masiyadong dinamdam ang pag-alis niya. Ngunit sa kaibuturan ng batang puso ko umasa ako. Umasa akong tutuparin niya ang pangako niyang ako lang ang mamahalin niya buong buhay niya. Apat na taon pa ang bubunuin ko para makatapos ng pag-aaral. Sa paglipas ng panahon unti-unti din siyang nawaglit sa isipan ko. Sa batang isip ko itinaga ko na siya ang makakatuluyan ko kaya't ni minsan hindi ko naisipang makipag-relasyon sa iba. Hanggang sa nabalitaan kong umuwi na siya ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siya pag-uwi niya sa Pilipinas. Nagunaw ang mundo ko. Matagal siyang namalagi sa puso ko't alam kong mahihirapan na akong kumawala rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD