"Hindi ako makahinga. Tulungan mo ako Mama!". "Parang awa niyo na. Huwag ang anak ko! Ako na lang ako na lang ang pahirapan mo! Kuhanin mo na lahat ng kukuhanin mo sa bahay na ito huwag mo lang sasaktan ang anak ko!" Hinding hindi makalimutan ni Leon ang kaganapang iyon sa buhay niya. Habang sinisistensyahan ang mga taong umagrabyado sa kaniyang pamilya. -- "Anong sinabi mo Kristine? Ama mo ang hayup na yun? Ang kriminal na umagrabyado sa amin?". "Leon, magpapaliwanag ako. Makinig ka muna sa akin", nagmamakaawang sabi ni Kristine. "Kinalimutan ko na ang balak kong paghihiganti dahil sabi mo gusto mo ng tahimik na buhay. Pinagbigyan kita kasi mahal kita. Pero ginagago mo lang pala ako!". "Leon sandali lang, makinig ka muna. Oo kilala kita bago mo pa ako nakilala. Hinanap kita para i

