Pagmamahal Na Ipinagkait, Pinili Kong Pumikit

300 Words

Simpleng bagay sa mundo ang nais ko makamit, ngunit pinili ko na lamang pumikit. Noong bata pa ako, ang tanging hangad ko lang naman ay ang atensyon ng mga magulang ko. Yung habang ginagawa ko ang mga bagay na hindi dapat ay may sasawata at magsasabi sa aking hindi iyon nararapat. Yung may magbibigay sa akin ng parusa nang mahuli akong nandurukot ng pitaka sa may plasa. Yung may magpa-piyansa sa akin sa piitan nang ako'y mabagansiya. Yung may kokontra sa akin habang humihitit ako ng sigarilyo't m*******a. Simpleng atensyon, ngunit kinalakihan ko nang hindi ko nakukuha. Dumating sa puntong inaresto na ako sa sarili naming tahanan ngunit wala lang sa kanila. Para bang nabunutan pa sila ng tinik ng ako'y mahatulan sa korte. Nakangisi akong umiling, pinipilit patatagin ang dibdib kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD