•Persephone• Kinakabahan ako kanina kaya pupuntahan ko sana si Hades sa kanyang opisina, ngunit bago pa ako makapunta sa parking lot ay nakita ko naman itong tumatakbo sa daan. Alam ko na may problema ito dahil hindi niya naman iyon gawain. Mabilis kong inikot ang sasakyan at sinundan siya. Kumunot ang aking noo nang makita ko siya na lumuhod sa harap ng simbahan. Basang-basa ng ulan at nakatingala sa itaas. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, Hades?" bulong ko bago kinuha ang payong at bumaba sa kotse. "Hades!" Napalingon ito sa akin at binigyan ako ng malungkot na ngiti, ngunit kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang pagkakampante niya nang makita ako. May binulong ito ngunit di ko na narinig sa sobrang hina. "What are you doing here? Hades, naman. May bahay tayo, kaya kitang alagaan doon.

