•Hades• "Sabihin mo sa akin, Hades. Mahal mo ba ako?" galit na sigaw sa akin ni Xia. Naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit sa akin. "Hindi mo ba masagot ang simpleng tanong na iyan?!" "Kailangan ko pa ba nasagutin iyan? Matagal mo ng alam na mahal kita, Xia. Hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan—" "Kung mahal mo ako, bakit di mo ako maipaglaban sa pamilya mo?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para pahiran ang luhang kanina pa bumabasa sa kanyang mukha. "Dahil ba hindi ako mayaman? Dahil ba hindi ako ipinanganak na De Silva?" Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha ko nang marinig iyon mula sa kanya. Matagal na kami ni Xia kaya alam ko ang mga insekyuridad nito. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit. "Mahal kita, babe. Hindi ko lang talaga kayang suway

