•Persephone• Maaga akong nagising dahil ipinaghanda ko pa si Hades ng breakfast. Ayaw ko naman na bitawan lang ito kaagad nang walang ginagawa. Gusto kong patunayan sa kanya na karapat-dapat din ako na maging babaeng mamahalin niya. "Mommy?" Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Gaea. Nandito pala kami ngayon sa harap ng kwarto ni Hades. "Hindi po ba tayo papasok?" "I'll count one up to three. Tapos bubuksan na natin ang pinto. Okay, one, two—" Hindi ko pa tapos ang pagbibilang nang binuksan na iyon ni Nike. Mahina akong natawa nang nagsisigaw ito ng 'daddy' papasok sa loob. "Be careful you two." "Wife, ang aga niyo yata?" natatawang saad ni Hades, habang pinaghahalikan ang mga anak. "Daddy, namiss ka po namin. Tapos po gusto ka pong ipagluto ni mommy ng breakfast,

