GOSSIP

1989 Words
“Kaninong kotse ‘yan? Akala ko ba umalis na ang lahat ng bisita ni Don Manuel kagabi?” tanong ni Karina sa kapwa kasambahay noong salubungin nila sa harapan ng mansion ang kadarating pa lamang na sasakyan na kinalululanan ni Aling Rosita. Maaga itong gumayak kaninang madaling araw para lamang mamalengke. Karaniwan nang trabaho ito ng may kaedaran nang babaeng mayordoma, ang mamimili ng mga pangunahing pangangailangan sa kusina ng mansion. Madalas ay nagsasama ito ng dalawang lalaking helper para siyang magbuhat ng mabibigat na pinamili. Minsan lang itong mag-utos sa mga kasamahang kasambahay lalo na at ito lang ang pinagkakatiwalaan ng Don pagdating sa ganoong bagay. Ayon sa kwentong nakarating sa kanya ay matagal na daw itong naninilbihan sa lalaki. “Hindi ko rin alam. Ngayon ko lang nakita ang kotse na ‘yan dito,” saad naman ng katabi habang nakatingin sa nakaparadang kotse sa kabilang gilid ng bahay. “Mukhang babae ang may-ari. Matingkad ang kulay ng upuan eh,” saad pa nito na halos magkandahaba ang leeg sa pagsilip sa loob ng sasakyan. Sinubukan niyang tingnan ang tinutukoy ng kasama nang biglang umentra si Sheena sa likuran. “Shh! Ang aga-aga ninyong mag-tsismisan diyan! Marinig kayo ni Aling Rosita, sermon na naman ang abutin natin! Magsimula na kaya kayong magbuhat ng mga pinamili niya,” sabat nito na nakasunod lang pala sa dalawa kasama ang iba pang kasambahay. Natahimik ang mga pinagsabihan pero inismidan ito ng isang kasambahay sa pagiging kill joy ng babae. Usually kasi ay ito ang nakakakwentuhan ng mga ito tungkol sa mga tsismis na nakakalap sa loob maging sa labas ng mansion, pero nagbago ito magmula nang maging pangalawang kamay ni Aling Rosita. Tila yumabang ito at hindi na madalas na nakikipagsalamuha sa ibang mga katulong. Wala pang ilang minuto ang lumipas nang maramdaman nila ang papalapit na yabag ng mga paa sa kanilang likuran. Kasunod noon ang pagsimsim nila ng humahalimuyak na panlalaking pabango na wari’y humalo sa hangin. Sa oras na iyon ay halos sabay-sabay silang napatingin sa likurang direksyong at nakita ang pagdating ng Don. Dagli silang humanay at nagbigay galang sa lalaki na as usual ay napaka-sleek ng pormahan. Ang linis at ang bango nitong tingnan sa suot na puting formal shirt with tie and slacks na itim. At ang white coat nito ay nakasampay sa braso nito na ang kamay ay hawak ang itim na computer bag. “Good morning po, Don Manuel,” sabay sabay na bati ng mga ito. Hindi naman sumagot ang lalaki bagkus ay tumango lang. Tumayo ito sa harapan ng mga katulong at sinimulang magbilin sa mga kailangang gawin ng mga ito noong araw na iyon. “Sheena, I want you to clean the room upstairs. I want it spotless, and everything should be in the right place,” mahigpit na utos nito sa babae. “Opo, Don Manuel,” sagot naman ng sinabihan na sa kabila nang wala nang ibang instruksyong ibinigay ang lalaki ay tila alam na nito kung saan pupunta. “Ikaw naman Gemma, magsama ka ng iba para linisin ang dulong kuwarto sa second floor. Ilista mo ang lahat ng bagay na kailangang palitan at ibigay mo kay Aling Rosita,” baling naman nito sa babaeng katabi ni Karina. Iyon ang pinasukang kuwarto kagabi na sa pagkapahiya ay binunton nito sa mga gamit ang galit. Nakikinig lang naman siya. Ang buong akala niya ay siya na ang sunod na kakausapin nito nang sandaling magtagpo ang kanilang mga mata. Ngunit hindi, agad na ibinaling nito ang pansin sa kadarating lamang na mayordoma. “Aling Rosita, I have a visitor who’s staying in the biggest guest room right now, gusto kong asikasuhin n’yo siyang maigi. Alamin ninyo kung may kailangan siya. Ayoko siyang nagugutom, so make sure agahan n’yo ang pagluluto para hatiran siya ng makakain the whole day. Actually, she’s probably waiting for her breakfast right now,” bilin nito sa matanda pagkatapos silipin ang pangbisig na orasan. Ngunit hindi pa man nakakasagot ang kausap ay may babaeng sumulpot na sa likuran nito na kabababa pa lamang ng hagdanan. Nakasuot ito ng silk na roba na kulay silver at kasalukuyan nang iniriribon ang tali sa maliit na bewang. Wala itong pakialam kung halata man ang n*****s sa suot na damit. “No need Manuel. I want to eat breakfast in the dining area,” sabat nito na tila naulinigan ang ibinilin ng lalaki sa mayordoma. “Good morning!” nakangiting bati pa nito sa lahat ng nandoon partikular na sa lalaki. “Oo nga pala, I am going out to meet a business partner. I just talked to him and he said he’ll be in town,” paalam nito sa kausap. Mahahalata ang excitement sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman nagsalita si Don Manuel bagkus ay tinitigan lang ito ng masama na wari’y hindi sang-ayon sa sinabi ng babae. Nakuha naman agad nito ang ibig sabihin ng lalaki. “Okay, I guess I am not going anywhere. I’ll see you later, then,” lumapit ito sa Don at pilit na pinasigla ang boses. Dismayado ito sa naging sagot ng lalaki pero dahil mukhang kilala na nito ang personalidad ng Doktor kung kaya kahit gustong bumatikos ay hindi na nito ginawa. Doon natitigan ng maigi ni Karina ang babae. Maganda ang hulma ng katawan nito na halatang halata sa uri ng tela ng damit na suot. Kaakit-akit rin ang mukha nito. Sa tingin niya ay may magiliw na personalidad ang babae, pero sa kabila no’n ay mahahalata sa mga mata nito na may lungkot na itinatago. Hindi na umimik si Don Manuel bagkus ay naglakad na ito papunta sa isa pang nakaparadang sasakyan sa harap ng malaking pintuan ng mansion. Binuksan nito ang pintuan ng driver’s seat ng biglang may maalala. “Siya nga pala, Karina!” sambit nito bagamat hindi inilingon ang mukha sa gawing direksyon ng taong tinatawag. Hindi niya akalain na tatawagin pa siya ng Doktor kung kaya nabigla rin siya at napatingin lang dito. Kinailangan pa siyang sikuhan ng katabing si Gemma para sumagot at lapitan ang lalaki. “P-Po? B-bakit po?” nangangarag niyang sambit nang makalapit. Nakita niya na may kinuha ang lalaki sa loob ng bag nito na isang maliit na garapon at tila pasimpleng iniabot sa kanya. “Para sa sugat mo,” saad nito na pagkatapos ay pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi naman niya ini-expect ang pagbibigay nito ng bagay na iyon kaya ilang segundo ring hindi nakaimik. Nakita pala nito ang sugat niya kagabi. Marahil iyon ang dahilan kung kaya natigilan ito nang ibibigay na sa kanya ang kaparusahan sa pagpasok niya sa madilim na kuwarto. Nakaramdam yata ng awa sa kanya ang amo. Walang ano-ano ay nagulat siya nang marinig ang pag-start ng makina ng sasakyan. Pahabol siyang nagpasalamat sa gamot na ibinigay ng lalaki bago pa isarado ng Don ang pintuan. Itinago niya iyon sa bulsa ng apron at tahimik na bumalik sa kinalalagyan kanina. “Oh! Ano pa ang hinihintay n’yo! Kilos na at magtulong tulong kayo na ipasok ang mga ipinamili ko sa kusina!” utos naman ni Aling Rosita nang makitang palabas na ng bakuran ang sasakyan ni Don Manuel. “Gemma, Karina, ipaghanda n’yo si Ma’am Tiffany ng maaalmusal,” sunod pa nitong utos sa dalawa na agad namang sinunod ng mga ito. Sa kusina habang naghahanda ang dalawa ng kakainin ng babaeng bisita ay nagkaroon ulit ng pagkakataon na mag-usap ang mga ito. “Siya pala si Tiffany? Yung nag-iisang babaeng bisita ni Don Manuel kagabi?” tanong niya dito gamit ang mahinang tono ng boses. “Oo. Hindi pa pala siya umuuwi. Usually kapag pumupunta ‘yan dito, hindi ‘yan nagtatagal kahit isang gabi at never ‘yang umaalis ng kuwarto niya,” sagot rin nito. “Ganoon ba? Ang ganda niya pala noh? Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya.” “Naku, kung nakita mo lang siya noon, mas maganda pa siya dati kaysa ngayon. Ewan ko ba bakit nag-iba ang awra niya. Malaki ang ipinayat niya at mukhang nalosyang pa,” bulong nito. “Sa tingin ko hindi naman. Para sa akin maganda pa rin naman siya at sexy pa rin,” pagsalungat niya sa sinabi nito. Totoo naman kasi, mukhang commercial model nga ang babae. “Ano ka ba? Mas sexy ka pa doon, noh. Kung tutuusin mas maganda ka rin. Tingnan mo naman, ang aga-aga puno na ng kolorete ang mukha. Sadyang mayayaman lang ang mga yan kaya may pang-alaga sa sarili,” batikos rin ng kasama. Sa sinabi nito ay napangiti siya. Sa totoo lang ay hindi niya pa naranasang maglagay ng make-up sa mukha, o bumili ng mga pangpaganda. Gusto niya sanang i-try, pero palagi niyang naaalala ang sabi ng kanyang yumaong ina. Mas maganda daw ang natural beauty, kailangan niya lang itaas ang confidence sa sarili. “Um, siya ba ang girlfriend ni Don Manuel?” sandali niyang itinigil ang ginagawa sa katanungang iyon. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ang haka-haka ng mga kaibigan ng lalaki sa naging party nito kagabi. “Iyon ang hindi ko alam. Pero sino ba namang babae ang magpapabalik balik dito kung walang namamagitan sa kanila ng Don, di’ba?” Napalabi siya sa sagot nito at muli ay ipinagpatuloy ang ginagawa. “Malay mo naman, baka kaibigan lang?” pagsalungat niya sa sinabi nito. Gusto niya sanang sabihin nito na hanggang ngayon ay wala pang girlfriend ang lalaki. “Ano ka ba? Hahalik ba yan kay Don Manuel kung kaibigan lang?” “Eh di’ba dapat sa labi ang halik kung girlfriend?” “Hindi rin,” anito na sinimulan nang ilagay ang mga niluto at inihandang breakfast ng bisita sa isang tray upang madala na sa dining area kung saan naghihintay ang babae. Samantalang bitbit naman niya ang isa pang tray na pinapatungan ng dalawang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig at orange juice, kasama doon ang dalawang baso. Ilang sandali pa ay magkasabay nilang inihatid ang mga iyon at magkatulong na pinagsilbihan ang bisita. “Pero alam mo ba sa totoo lang, may pagka-aning aning ang babaeng ‘yan,” saad ulit ni Gemma nang makabalik ulit sila sa kusina. “Huh? Anong aning-aning?” “Ano ka ba! May pagkaloka-loka,” natawa ito sa tinuran. “Bakit mo naman nasabi?” tanong niya na ikinakunot ng kanyang noo. “Paano naman kasi, sa tuwing bumibisita ‘yan dito, napapansin namin na bigla-bigla na lang ‘yang nagsasalita mag-isa. Kung ano-ano ang pinagsasasabi. Minsan pa naabutan namin ‘yan pinapagalitan ang sarili niya, tapos tatahimik and then tatawa.” Sa puntong iyon ay natigil ang kanilang usapan sa pagpasok ng ilan pang mga kasambahay bitbit ang ilang pinamili ng mayordoma na hindi nagkasya sa freezer na nasa dirty kitchen sa ibabang basement. Naging palaisipan sa kanya ang sinabing iyon ng kasamahan. Tuloy ay maghapon niyang pinakikiramdaman ang babae lalo na kapag hinahatiran ng pagkain sa kuwarto nito. So far wala naman siyang napansing kakaiba dito, maliban sa madalas niyang abutang ka-video call si Don Manuel. Siguro nga girlfriend ito ng lalaki. Pero sigurado naman siyang hindi magno-nobya ang Don ng isang babaeng may sakit sa pag-iisip. Sa gabing iyon ay ginamot niya ang sugat gamit ang ibinigay ni Don Manuel. Natutuwa siya at may malasakit ito sa kanya. Muli ay naibabawan noon ang pagiging strict at snob kanina ng lalaki. Para sa kanya ay may itinatago itong compassion sa puso nito patunay kung paano nito sila paalalahanan na asikasuhing mabuti ang babaeng bisita. Kung totoo nga na girlfriend nito si Tiffany, eh ano naman? Girl friend pa lang naman. May pag-asa pa siyang mabaling ang pagtingin nito sa kanya knowing na siya ang madalas nitong kasama sa bahay. Ngunit hindi siya magiging agresibo para lamang kunin ang atensyon ng lalaki. Dalagang Pilipina pa rin naman siya. Ang alam niya lang at nakakasigurado siya na balang araw ay magtatagumpay siya sa ninanais..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD