THE FORBIDDEN ROOM

2986 Words
Kahit may kalamigan ang kuwartong kinapapalooban ay butil-butil ang pawis sa kanyang noo habang nakatihayang nakahiga sa kanyang kama pagkasapit ng hatinggabi. Madiin ang pagkakapikit ng kanyang mga mata kasabay ng mahigpit na pagdakot sa manipis na kumot na tumatabon sa kalahati kanyang katawan. "Aaah!..." Sa pangatlong beses ngayong gabi ay muli niyang naulinigan ang tila nakapaninindig-balahibo na sigaw na kasalukuyang bumabalot sa kabuuan ng mansion. Nagsimulang magpapaling-paling ang kanyang mukha, pakanan at pakaliwa, kasunod ang pagbilis ng kanyang paghinga. Tumagal iyon ng ilang minuto nang mayamaya ay makarinig ulit siya ng mga palahaw. Sa mga oras na iyon ay napabalikwas na siya ng pagbangon sa kamang hinihigaan kasabay ng pamimilog ng mga mata na tila nagulantang sa mga napapakinggan. "Aaah!... Tama na, masakit na!" Napatingin siya sa bandang kisame ng tinutulugang kuwarto. Pakiwari niya ay sa bandang itaas lamang nanggagaling ang nagmamakaawang boses na iyon ng isang babae, mula sa pangalawa o pangatlong palapag ng mismong tinulugang servant quarters. Nilingon niya ang hiwalay na higaan sa bandang kaliwa ng kuwarto at sa kabila ng ngitngit ng paligid ay napag-alaman na wala doon si Sheena, ang kapwa kasambahay na naging kasa-kasama kanina mag-serve sa mga bisita. Pagkatapos ng dinner party kanina ay isang katakot takot na sermon ang natanggap ng babae mula kay Aling Rosita kahit pa naipatawag na ito ng Don dahil sa ginawa umano nitong pagpapahiya dito. Naalala pa niya na nauna itong pumasok sa kuwarto nila kanina para matulog. Sa palagay niya’y sumama ang loob ng babae dahil ito na nga ang nabastos, ito pa ang pinagalitan ng dalawa. Dagli siyang pumatayo at binuksan ang ilaw ng kuwarto. Habang kutkot ng mga ngipin ang mga daliri ng kaliwang kamay ay nagparoo't parito siya ng paglalakad na tila hindi mapakali. Ang buong akala niya kasi ay panaginip lamang ang naririnig na mga palahaw na iyon, ngunit hindi. Sa loob ng mahigit isang linggo na paninilbihan niya sa malaking bahay na iyon ay pangalawang beses na niya itong napapakinggan, at pansin niya ay nangyayari iyon sa tuwing himbing na ang lahat sa pagtulog sa kalagitnaan ng gabi. Ang totoo ay ramdam niya pa rin ang pagod mula sa pagsisilbi sa mga bisita kanina kasama na ang pagtulong sa mga kasamahan sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga ito. Ngunit kahit ramdam niya ang panlalambot ng katawan ay nanatiling alisto pa rin ang kanyang isipan at pilit na iniintindi kung ano ba talaga ang kakaibang ingay na napapakinggan. "Ahhh!" Dinig niya ulit kasunod ang malakas na tunog na tila ba paglatay ng isang bagay sa katawan ng babae. Pakiwari niya ay para bang pinaparusahan ito sa patuloy na pagsigaw nito dulot ng sakit na nararamdaman. Doon ay biglang kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib. Sa isip niya’y baka si Sheena na iyon na dahil sa nangyari kanina ay baka hindi pa ito tapos sa pagpaparusa dito ni Don Manuel dahil sa pagkapahiya nito sa harapan ng mga kaibigan. Naintindihan naman niya na minsan nga lang magkaroon ng pagdiriwang sa loob ng mansion ay may nangyari pang kaguluhan sangkot pa ang kasambahay nito. Datapwat hindi rin naman niya masisi si Sheena noong umalma ito dahil ang totoo ay iyon rin naman ang gusto niyang gawin kanina, naunahan lang siya ng takot. Sino ba naman ang gugustuhin na mahipuan ng isang lalaki? Pero sa ginawa nito'y feeling niya ay naipagtanggol siya nito mula sa panghihipo na naunang ginawa sa kanya ng taong iyon. Ang pangbabastos na pakiwari niya’y siya lamang ang nakakaalam dahil kung meron pa ay naungkat sana iyon at baka kasama pa siyang nasabon ng sermon kanina ni Aling Rosita na kung tutuusin ay wala naman silang naging kasalanan. Ngunit magkagayon pa man, hindi rin tama na parusahan ang kapwa kasambahay lalo pa't naging maayos rin naman ang lahat hanggang matapos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Don Manuel. Sa mga sumunod pang mga sandali nang muli siyang makarinig ng mga palahaw ay walang pagdadalawang isip na agad niyang isinuot ang pangbahay na tsinelas at pumunta sa harapan ng pintuan ng kuwarto, pinihit ang doorknob at dahan-dahang binuksan. Napagdesisyunan niyang alamin kung ano ba talaga ang nangyayari at sino ba talaga ang nasa likod ng boses na iyon na tila ba siya lamang ang nakakarinig. May kadiliman ang loob ng buong bahay kaya kinapa niya ng dalawang kamay ang daraanan. Halos patingkayad rin ang ginagawa niyang paglakad sa mga pasilyo. Nang mapagtanto na gumagawa ng ingay ang suot na pangbahay na tsinelas ay agad na hinubad iyon at iniwan na lamang sa isang tabi. Sa mga sumunod na sandali ay maingat siyang nagpatuloy sa paglalakad, kahit pa may nararamdamang kirot sa napasong balakang mula sa torch na natumba sa kanya kanina ay ipinagpatuloy niya pa rin ang ginagawa kasabay ng dahan-dahang paghakbang ng mga paa. Dumaan ang ilang minuto na pasikreto niyang sinundan ang ingay na iyon na paminsan minsan na lang na naririnig. Mula sa basement kung saan naroroon ang mga kuwarto ng mga katulong ay pumaakyat siya sa hagdanan patungo sa unang palapag. Doon ay nakiramdam sandali. Ngunit nang mabatid na wala roon ang naririnig na ingay ay nagpatuloy ulit sa paglalakad. Sa ngayon ay malakas ang kutob niyang nanggagaling ang ingay mula sa isa sa mga kuwarto sa itaas kung kaya't walang pagdadalawang isip na agad nang dumiretso roon. Pagdating sa pangalawang palapag ng mansion ay bumungad sa kanya ang mahaba at malawak na pasilyo sa pagitan ng magkakatapat na pintuan ng malalaking kuwarto. Napalunok siya ng laway. Hindi naman sa nanghihitakutan siya pero hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kaba ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang matutuklasan ngayong gabi pero pursigido siyang alamin kung kay Sheena nga ba talaga galing ang sigaw na iyon para naman kahit papaano ay masaklolohan ito kung nangangailangan ito ng tulong. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi pa nagtagal ay napansin niya ang natatanging kuwartong nakaawang ng kaonti ang pintuan. Napakunot pa ang kanyang noo nang makitang may kaunting liwanag at usok na lumalabas mula roon. Nagpatuloy siya sa paghakbang pasulong habang nakikiramdam. Walang ano-ano ay natagpuan niya na lamang ang sarili na nakatayo sa harapan ng kulay itim na pintuan ng kuwarto. Ilang segundo siyang natigilan nang mapagtanto na ang kwartong iyon ay ang mismong kuwartong mahigpit na pinagbabawalan ang lahat na pasukin. "Ahh… Ohh." Sa mga sandaling iyon ay napakunot ang noo niya nang marinig ulit ang boses na iyon ng babae. Bigla pa siyang nagtaka na tila ba nag-iba na ang tono ng boses nito. Mula sa nakapaninindig-balahibo na palahaw nito kanina, ngayon ay humina iyon at parang mga halinghing na ang kanyang nauulinigan galing sa loob. Tila ba tinig na inaayunan na at nilalasap ang kung anong bagay na ginagawa rito. Dahil doon ay lumalim pa ang kanyang kuryosidad. Dahan-dahan siyang sumilip sa nakaawang na pintuan. Agad naman niyang naaninag ang may kadiliman na kuwarto na may malamlam na kulay pulang ilaw sa loob. May kung anong iba't ibang bagay ang mga nakasabit sa dingding nito na hindi niya matukoy kung ano. Ipinasok niya pa ang mukha sa awang ng pintuan at hindi namalayan na bahagya iyong naitulak ng kamay dahilan ng pagbukas pa nito ng maluwag. Sa sandaling iyon ay napahakbang na siya papasok sa kuwarto upang habulin ang pinto nang biglang tumambad sa kanya ang kuwartong may kakaibang disenyo. Umagaw ng kanyang pansin ang itim na kulay ng malaking higaan na nasa dulong gitna, hindi niya lang masyado maaninag ang kabuuan ng kuwarto dahil sa puno ng usok ang paligid. Ang ipinagtataka niya ay wala namang nasusunog na bagay mula roon ngunit saan nanggaling ang puting usok na iyon? Kalakip ng usok ang tila humahalimuyak na aroma na nanunuot sa kailaliman ng kanyang ilong. Pilit niyang inihawi ng mga kamay ang puting usok sa kanyang harapan hanggang sa biglang may narinig siyang isang malaking boses. “Who the hell is there?” mahahalata ang galit sa tono ng pananalita ng taong nagtanong. Bigla siyang natigilan lalo na nang marinig ang maliliksing pagkilos na sinundan ng mabibigat na yabag ng mga paa. Sa mga sumunod na sandali, mula sa malamlam na pulang ilaw at makapal na usok sa paligid ay may naaninag siyang dalawang anino. Ngunit buong pagtataka niya na bigla na lamang naglahong parang bula ang isa at ang isa ay kumilos papalapit sa kanya. Natigilan siya kasunod ng pagbilog ng kanyang mga mata noong mapagsino ang taong iyon. Si Don Manuel, na ang tanging saplot lamang sa katawan ay ang maliit na tuwalya na kakamadaling itapis sa ay halos malaglag na sa katawan ng lalaki. Sandaling huminto ang pag-inog ng kanyang mundo nang mapunta ang kanyang paningin sa bandang ibaba ng tiyan ng lalaki. Sa mga maliliit at nakahilerang buhok na tila patungo sa malaking pagkakaumbok ng maselang parte ng katawan nito na konti na lamang ay bubungad na dahil sa mababang pagkakalagay ng tuwalya. Napatikhim siya ng hindi sinasadya ngunit agad rin siyang nataranta nang lumikha ng maliit na pagkilos ang lalaki. Mabilis siyang pumihit patalikod sa naramdamang hiya at kalaunan ay nagdesisyon na lisanin ang kuwartong iyon. Nakakailang hakbang pa lamang siya papalabas nang mapahinto rin nang muling magsalita ang Don. “Karina?” natigilan rin si Don Manuel nang makita ang bagong kasambahay sa loob ng kuwartong iyon. Naikunot din nito ang noo. Samantala, tila naparalisa siya noong mga oras na iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin. Ang kabang nararamdaman kanina ay napalitan ng matinding takot sa dibdib. “Anong ginagawa mo dito?” matamang na tanong nito. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa lalaki at nanginginig ang mga tuhod na pumahakbang ang mga paa pabalik habang magkadakop ang mga palad sa harapan at nakatungo ang ulo. Maya-maya pa ay bigla siyang nagulat nang mapagtantong halos isang dipa na lamang ang lapit sa kanya ng Don. “P-paumanhin po, Don Manuel. H-hindi ko po sinasadya na pumasok dito. M-may narinig po kasi akong ingay kani-” tila nasasamid niyang tugon ngunit hindi na niya naipagpatuloy ang pagsasalita ng sumabat agad ito. “Ingay? Anong klaseng ingay?” sambit nito na tila nag-iimbestiga. “Um--” hindi niya maipaliwanag sa kaharap kung ano ba talaga ang napakinggan kanina dahil siya man ay naguluhan din sa pabago-bagong emosyong nabanaagan niya mula sa boses ng narinig na pumapalahaw na babaeng iyon. “Karina, hindi ba nasabi sa iyo ni Aling Rosita na bawal pumasok sa kuwartong ito?” sa laki ng boses nito at sa kulob na kuwartong iyon ay halos lumikha ng echo ang bawat pagpapakawala nito ng mga salita. “Um, n-napaalalahanan naman po niya a-ko,” pautal utal pa rin ang kanyang naging pagsagot. “Halika at lumapit ka,” agad na utos ng lalaki. Naitaas niya ang kanyang mukha at nagtatakang napatingin sa kaharap. “You heard me, right?” inis pa nitong sambit. Malakas ang kabog ng dibdib na tumango siya ng isang beses. Nanghihintakutan man ay tila may sariling isip na naglakad ang mga paa papunta sa mismong harapan ng lalaki. Mula sa isang dipa ngayon ay isang dangkal na lamang ang naging distansya ng kanilang mga katawan. Idiniretso niya ang paningin sa mala-pader na katawan nito. “Do you know na may karampatang parusa ang sino mang walang pahintulot na pumasok sa sagradong kuwartong ito?” anito sa galit na tono ng boses. “P-po?” namilog ang mga mata niya sa narinig kasunod ng pag-awang ng mga labi. Wala siyang ka idi-idea sa regulasyong iyon. Patingala niya itong tiningnan dahil sa tangkad ng lalaki. Sa lapit nila sa sa isa’t isa ay ramdam niya ang medyo may kabilisan pag-hinga nito na tila ba katatapos lamang gawin ang isang mabilisang aktibidad. “Bent over,” maotoridad na utos ng lalaki, kasabay ng pag-abot ng isang bagay na nakabitin sa bakal na nakakabit sa dingding. Dahil doon ay dumagundong ang kanyang dibdib sa nararamdang kaba. Ano daw? Bent over? Hindi siya sigurado kung anong ibig sabihin ng salitang iyon. Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Sa mga sumunod na sandali ay nabaling ang atensyon niya sa hawak ng lalaki. Tila isang mahabang stick iyon na ang dulo ay may nakakabit na maliit at malapad na bagay. Napatitig siya roon. Sandaling nawala sa isip niya ang pinapagawa ng lalaki. Bigla niya kasing napagtanto, ‘di naman kaya ay may iba pang taong nakapasok sa kuwartong iyon kanina at ang mga palahaw na narinig niya ay sanhi ng pagpaparusa ng Don? Na gaya nito ay baka ganoon din ang gagawin ng Doktor sa kanya sa walang pahintulot na pagpasok sa ipinagbabawal na kuwartong iyon? “I said, bent over, Karina.” Tila natauhan siya sa narinig na utos ulit ng lalaki. Bukod sa hindi siya nakagalaw ay nagpalipat lipat lang ang tingin niya sa naniningkit na mga mata nito sa galit at sa mahabang stick na hawak ng kaharap. Ipapalo ba nito sa kanya ang bagay na iyon? Kung gayon ay tama siguro ang hula niya sa dapat niyang gawin. Napalunok siya ng laway na dahan dahang tumalikod. Pagkatalikod ay yumuko. Nang makayuko ay nagulat pa siya ng itaas ni Don Manuel ang laylayan ng puting bestidang pangtulog na kanyang suot, dahilan upang ma-expose ang kanyang maumbok na pang-upo at iba pang bahagi ng kanyang balakang. Bagamat bahagya niyang naibaba ang damit sa naramdamang hiya, nandoon pa rin ang pagpaparaya niya sa kung anong nais gawin ng lalaki sa kanya. Sa sumunod na sandali ay pigil ang hininga niyang hinintay ang paghampas ng bagay na iyon sa kanyang pwetan. Subalit lumipas ang ilang minuto ay tila walang ginawa ang Don. Out of curiosity, nang lilingunin na niya ito ay anong gulat niya nang bigla na lamang may humawak sa kanyang braso at hinila siya papalabas ng kuwartong kinapapalooban. Sinino niya ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon na mahigpit na humahawak sa kanyang bisig pagkarating sa malawak na hallway ng mansion. "Sheena!" bulalas niya nang makilala ito. "Anong ginagawa mo dito, Karina?" Madiin ngunit may pagbulong ang ginawang pag-usal ng mga salitang iyon ng babae. Kasunod noon ang muling paghablot nito sa kamay ni Karina at paghila nito papalayo mula roon. "K-kasi m-may narinig akong sigaw kanina. Wala ka sa higaan mo kaya naisipan kong hanapin ka," malalaki rin ang mga paghakbang ng paa niya habang sunod-sunuran lang dito. "Ano ka ba! Hindi ba sinabi sa iyo na mahigpit na ipinagbabawal ang pumasok sa kuwartong iyon?" dagli itong huminto upang muling harapin ang bagong kasamang kasambahay. "Eh, kasi baka kako sinasaktan ka-" natigilan siya nang maaninag ang namumugtong mata ng babae. "Ha? Bakit? At sino naman ang mananakit sa akin?" inis na sambit nito. "Tara na nga. Maabutan pa tayo dito ng Don baka hindi lang palo sa pwet ang mapala mo. Baka pati ako ay madamay pa sa iyo. Bilis!" sa puntong iyon ay halos kaladkarin na siya nito pababa. "Sa susunod ha, balewalain mo na lang kung anong ingay ang maririnig mo lalo na sa ganitong oras ng gabi, naiintindihan mo?" madiin ang ginawa nitong pagsambit sa mga salitang binitawan. Kahit pa naguguluhan ay ilang pagtango ang kanyang ginawa. Pagkapasok nila sa loob ng kanilang kuwarto ay agad nang humiga si Sheena sa higaan nito pagkatapos ilapag ang isang susi sa kalapit lang na maliit na lamesa. Siya naman ay nakiramdam pa sandali. Pakalit niyang pinakinggan ang paligid. Noong wala nang marinig na ingay sa labas ay tsaka na dahan dahang inihiga ang katawan sa kanyang kama. Naiarko niya ang mga kilay mula sa napakabilis na tagpong nangyari sa pagitan niya at ni Don Manuel. Sari-saring katanungan agad ang pumasok sa kanyang isipan. Ano ang kuwartong napasok niya kanina? Bakit galit na galit ang Don noong malamang naroon siya sa loob? Bakit ganun ang ayos ng lalaki? At sino ang isa pang taong nakita niya doon sa loob ng kuwarto? Bakit bigla na lamang sumulpot si Sheena? Hindi kaya may alam ito sa mga naririnig niyang ingay batay na rin sa sinabi nito kanina? Pakalit siyang napabuntong-hininga. Pagkarami-rami pang tanong ang pumapasok sa isipan niya pero ewan ba na sa kabila nang nahihiwagaan sa buong pangyayaring iyon ay sa iisang senario lamang ang talagang tumatak sa kanyang isipan. Noong makita niya nang malapitan ang lalaki na halos lumuwa na ang alaga nito sa sobrang baba ng pagkakasuot ng pantalon. Hindi niya itinatangging may kung anong init ng katawan ang naramdaman niya sa tagpong iyon, pero agad niya ring nabalewala iyon sa pag-iisip tungkol sa kung ano ba talaga ang dapat sanang gagawin sa kanya ng Doktor. Talaga bang papaluin siya nito sa pwetan gamit ang stick na iyon? Napahagikhik siya ng konti. Para naman siyang bata sa parusang ibibigay sa kanya kanina. Pero mukhang masakit ang stick na iyon kung sakasakaling natuloy iyon. Teka bakit nga ba hindi iyon itinuloy ng lalaki eh sa tono ng pananalita nito ay halos abot langit na ang galit nito sa kanya kanina? Naglabas siya ng malalim na buntong hininga at napalingon sa direksyon ng kasamahang babae sa loob ng kuwarto. Bakit sa gitna ng gabi ay gising pa ito at may dala-dala itong susi? Bakit mugto ang mga mata nito? Buong pagtataka siyang napakunot ng noo. Hindi kaya ito talaga ang pinarusahan ng Don kaya namugto ang mga iyon sa kakaiyak? Napalabi siya sa isiping iyon. Kapagkuwan ay napailing. ‘Hindi. Hindi ganoon kalupit ang Don,’ bulong niya sa sarili. She’s trying to convince herself na hindi talaga ganoon ang nangyari. Hindi nito sinaktan si Sheena at ang nangyaring senaryo sa pagitan nila kanina ay simpleng parusa lang iyon sa katulad niyang lumabag sa regulasyon nito. Muli ay pinakiramdaman niya ang sarili. Sa kabila ng nangyari ngayong gabi ay wala siyang napi-feel na muhi rito. Ni takot na naramdaman niya kanina ay bigla na lamang naglaho na parang bula. Sa mga nagdaang minuto ay sinubukan niya ulit balikan ang mga kaganapan noong gabing iyon ngunit nakaramdam na siya ng pagod. Mayamaya pa ay dinalaw na ng antok at tuluyan nang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD