GRUMPY CELEBRANT

2456 Words
Sunod-sunod ang pagdating ng mga magagarang sasakyan sa harapan ng malaking bahay ng Doktor, linggo ng gabi. Isa-isang ibinababa ng mga ito ang mga malalapit na kaibigan ni Don Manuel na gaya nito ay mga kapitapitagan at kabilang sa larangan ng negosyo, politika at medisina. Mula doon ay may nakaabang nang mga kasambahay upang igiya ang mga bisita papunta sa likurang bahay at doon ay paakyatin sa may kalawakang konkretong hagdan patungo sa pinaka-rooftop ng pangalawang palapag ng mansion. Doon nakatakdang ganapin ang simpleng pagdiriwang ng ika-apatnapung taong kaarawan ng lalaki. Simple dahil iyon ang kagustuhan ng Don. Hindi naman kasi talaga ito nagsi-celebrate ng sariling kaarawan. In fact, ito ang kaunaunahang beses na mag-imbita ito ng mga kaibigan sa bahay nito. Hindi ito mahilig um-attend o mag-conduct ng party o anumang klase ng pagdiriwang. Sadyang pinaunlakan lang talaga ng lalaki ang matagal nang request ng mga kaibigan. “Let’s cheers sa pinakamagaling at pinaka-gwapo nating doktor dito sa ating lugar, Dr. Manuel Guevara! Happy, happy 40th birthday, Dok!” saad ng isang may edad na lalaki na itinaas pa sa ere ang hawak-hawak na kopita na naglalaman ng mamahaling inumin. Kumpleto na ang mga bisita nito at lahat ng upuan na nakapalibot sa nag-iisa ngunit napakahabang lamesa ay okupado na. Nagsitayuan ang lahat upang itaas ang kani-kaniyang hawak na kopita at pagkatapos batiin ang doktor ay tumungga ng isang beses. Makaraan pa ay nagkanya-kanyang ring upo upang masimulan na ang inihandang hapunan noong gabing iyon. “So, Dr. Manuel. I heard na tatakbo ka raw sa darating na eleksyon upang maging gobernador dito sa lugar natin. Totoo ba iyon?” tanong ng kaibigang pulis na kahit pa hindi nakasuot ng uniporme ay sukbit naman ang badge nito at isang kalibre ng baril sa belt nito. Nakapwesto ito hindi kalayuan mula sa kinauupuan ng kausap. Bahagyang lumabas ang malalim ngunit nag-iisang biloy nito sa kaliwang pisngi noong mapangiti. “Saan mo naman narinig ‘yan, Chief?” sarkastiko nitong tanong sa lalaking tumatayong lider ng kapulisan sa kanilang distrito. Noong mga oras na iyon ay sinisimulan na nitong papakin ang unang set ng appetizer na nasa harapang plato. “Naku Dok, usap-usapan na ‘yan kahit saan. Mismong ikaw na lang yata ang hindi pa nakakaalam,” natatawang sagot ng lalaki. Dahil sa sinabi nito ay naghagikhikan ang lahat. “C’mon Manuel! For how many years na ba kitang nililigawan about diyan?” isang may edad na rin na lalaki na nasa bandang kaliwa nito ang nagsalita. “Look who spilled the tea!” nagkatawanan ulit ang lahat ng mga bisita. Nang-uuyam na pasadya pa nitong sinilip ang taong katatapos pa lamang magsalita. Ang lalaking iyon ay ang kasalukuyang tumatayong Mayor ng kanilang lungsod. “Frank, you know how busy I am, right?” nilingon nito ang Mayor na isa sa pinakamatalik na kaibigan. “But we’ll see, medyo matagal pa naman ang halalan eh. Time will only tell kung ready na ba akong sumabak sa politika. But for now, wala pa iyan sa isip ko. I want to focus on my job and my businesses lalo na’t may isa akong malaking proyekto na pinagkakaabalahan sa ngayon,” pormal na salaysay ng lalaki. “Guys, lets leave him alone muna pagdating diyan. Baka may iba pa siyang mas importanteng bagay na pinagkakaabalagan pwera diyan. O baka naman kasi may balak nang mag-asawa si Dr. Manuel. He’s not getting any younger na rin kasi. Didn't you, Manuel?” sambit rin ng isa pang lalaking bisita, ito ang malapit na abogado sa kanilang lugar. Tila labas sa ilong ang ginawang pagtawa ng doktor kasabay ng pagkibot ng gilid ng mga labi. “Indeed, Manuel. Sa tagal na nating magkakilala, hindi ka man lang namin nabalitaan na may girlfriend. Don’t you think it's about time na mag-focus ka muna sa love life mo?” Nanatiling nakangiti at napapailing lang ang Don. Pagdating talaga sa mga paksang iyon ay laging tikom ang bibig nito. “Actually, may mga babae namang nali-link diyan, ‘yun nga lang wala pa sigurong napupusuan,” sabat ulit ng kaibigan nitong abugado. “I am just curious. Baka kasi iba na ang isipin ng ibang tao sa iyo. Hindi ka naman siguro bakla Dr. Manuel para iwasan ang mga babaeng inirereto namin sa iyo? Vicky told me hindi mo daw siya sinipot noong isang linggo,” sawsaw ng isa. Napuno ulit ng tawanan ang lugar na iyon nang maya-maya pa ay natahimik nang may umentrang matinis na boses sa paligid. “Oh, I don’t think so. Nah-ah! I don't think isang macho rin gaya niya ang gusto ni Dr. Manuel Guevara,” magmula sa kanilang likuran ay sumulpot ang isang babaeng kakaakyat pa lamang. Nakasuot ito ng pulang semi-formal na hanggang hita na fitted na dress at nakalugay ang blond na hanggang pwet na tuwid na buhok. “Tiffany!” nagulat ang doktor nang makita ang babae. Ang totoo’y imbitado naman ito sa gabing iyon ngunit dahil hindi sumagot sa paanyaya nito kung kaya hindi na nito inaasahan pa ang pagdating nito. Sinalubong nito ang babae at nagpasyang paupuin sa sariling upuan. Nag-request na lang ito sa mga kasambahay na nandoon na magdala pa ng isang upuan upang siyang pagpwestuhan katabi ng babae. “Guys, para sa mga hindi pa nakakakilala sa napakagandang babaeng ito, Tiffany Mendez, my long time friend,” dugtong pa nito. Nagkaroon ng sandaling komosyon sa paligid nang isa isang magsitayuan at magpakilala ang walong lalaking naroroon. Lahat ay mangha sa angking kagandahan at kaseksihan ng natatanging bisitang babae ng Don. “Long time friend? Pero bakit ngayon lang namin siya nakita, eh dalawang dekada na tayong magkakilala at halos araw-araw tayong magkasama, Manuel?" susog ng kapwa nito doktor na mula ulo hanggang paa ang ginagawang pagtitig sa babae na paminsan minsan pa ay sinisipat ang bilugang dibdib nito na medyo lumuluwa na sa malalim na pagkaka-design ng neckline ng damit nito. Sa circle of friends ni Doc Manuel ito ang kilala nilang siyang pinakamatinik sa chicks. "Hmm, eh baka naman kasi hindi lang niya iyan kaibigan. Sa ganda at sexy ba naman ni Tiffany, kaibigan lang? Baka tinatago niya talaga ‘yan para hindi maagaw ng iba,” susog naman ng isa. Nagkatinginan ang dalawang nabanggit at sabay na nagkatawanan. "Hayaan na natin si Manuel. At least now we know, like us, he also loves pus/sy and tit/s,” anas ng Mayor. Doon ay naghagalpakan ng tawa ang lahat. Napapangiti lang naman si Don Manuel sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan. “Bago pa mapunta kung saan-saan ang topic natin, let's indulge the appetizer that my chef preferred for us. A fresh and juicy oyster with champagne strawberry mignonette, one of my favorites,” saad ng lalaki na ikinumpas ang kamay kay Aling Rosita upang simulan na ang pagsi-serve ng nabanggit na pagkain sa mga ito. Tumango naman ang matandang babae at mula sa gilid ay kumilos ang tatlong kababaihan upang pagsilbihan ang lahat ng naroroon. Ilang saglit pa ay dala na ng mga ito ang mga pagkain na iniangkat pa paitaas ng isang may katamtamang laki ng dumbwaiter na siyang nanggagaling pa sa pinaka kusina ng mansion sa first floor. Mga kasambahay rin ni Don Manuel ang lahat ng mga nagsisilbi noong gabing iyon. Mga pinakabatang babaeng kasambahay nito na ilang araw pa lamang bago ang dinner party na iyon ay itinuro na sa mga ito ang mga gagawin. Kabilang na ang tamang pag-aayos at pagsi-serve ng mga pagkain. Hindi na ito nagbayad pa ng ibang tao. Konti lang naman ang inimbitahang mga bisita. Isa pa, kilala si Dr. Manuel sa pagiging isang pribadong indibidwal at isa sa mga iniiwasan nito ay may iba’t-ibang taong nakakapasok sa loob ng bakuran at pamamahay nito na hindi nito kilala. “Oo nga pala, kamusta na ang ipinapagawa mong ospital Dr. Manuel?” tanong pa ng isang kasosyo sa negosyo ng lalaki. "Malapit nang matapos. Maybe a few more months to go and it's ready to operate," sagot rin ng Don. "Teka, baka naman pwede rin kaming makapag-sideline dyan?" sarkastiko ang pagpaparinig ng kaibigan nitong si Eric. Isa ring doctor na madalas kasama nito sa pinagtatrabahuang ospital. Sa una ay nakatingin ito kay Don Manuel pero nang dumating sa tapat nito ang isang serbidora ay natutok na ang mga mata nito sa babae. Hinagod ng tingin nito ang kasambahay na sa kabila ng maayos naman ang pananamit na uniporme, ay halos hubaran na nito ang babae. Hapit sa katawan ang suot nito dahilan upang bumakat ang kurba ng dibdib at puwetan nito. Hindi pa nagtatagal ay hindi na nito napigilan ang sarili at agad nang kumilos ang mga kamay upang pasimpleng dakmain ang maumbok na pang-upo ng serbidora. Samantalang, nagulat si Karina sa tinuran ng bisita, medyo natigilan siya at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon. Hindi niya nagustuhan ang panghihipo na iyon ng lalaki ngunit ayaw niyang gumawa ng gulo kung kaya hindi niya na lamang ito pinansin bagkus ay ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Labag man sa kanyang kalooban ay isa siya sa tatlong napili ng Don na siyang magsisilbi dito pati na sa mga bisita nito noong gabing iyon. Hindi siya sanay humarap sa mga malalaking tao pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Apparently, as an assistant cook, isa ito sa mga nakaatang na gawain niya sa loob ng mansion. On the other hand, hindi nakaligtas ang tagpong iyon sa mga mata ni Don Manuel. Nasaksihan nito ang panghihipong iyon ng kaibigan sa isang kasambahay nito. Sa hindi mapaliwanag na rason ay tila sandaling nagsalubong ang kilay nito, ngunit dahil marami ang matang nakatuon sa lalaki noong mga oras na iyon ay itinungo na lamang nito ang ulo at itinuon ang pansin sa harapang pagkain. "Uhm,” saad nito na tila inalis ang bara sa lalamunan. “Actually, I already have the list of the board of directors na sa tingin ko ay makakatulong sa akin sa pagpapalakad ng ospital. One of these days some of you will receive an invitation. I hope you will not going to bring me down," ani pa nito na sa kabila ng malumanay na pagsasalita ay kapansin pansin ang pagtiim ng mga bagang at panginginig ng kamay habang hawak ang isang pares ng kubyertos. Kasalukuyan na nitong kinukuha ang appetizer na nasa harapang plato. "Don’t worry Manuel, we’re here to support you all the way,” sagot ng lalaking si Eric sa kabila ng hindi pa rin inaalis ang paningin sa mga kasambahay. “In fairness Manuel, mga bata pa at napaka- attractive ng mga serbidora mo dito, ha," may ningning sa mga mata nito habang ipinalipat-lipat ang paningin sa mga serbidora na tila ba ngayon lang nakakita ng mga naggagandahang katulong. Pagkatapos nitong hipuan ang isa ay bumaling naman ito sa isa pa at walang kaabog-abog na hinimas ang balakang ng babae. Ngunit, in the contrary, hindi ito gaya ni Karina na piniling manahimik na lamang. Agad umalma ang kasambahay na iyon sa hindi nagustuhang ginawa ng lalaki. Mabilis nitong itinabig ang kamay nito papalayo sa katawan. Ngunit dahil may dala-dala itong isang plato ng pagkain ay hindi sinasadyang naibuhos nito iyon sa lalaki. Napatayo ang bisita sa gulat nang mapunta sa damit nito ang mga fresh oysters kasama na ang dalawang uri ng mga dippings. "What the fu/ck!" Galit na sambulat nito. Agad na natuon dito ang paningin ng lahat ng mga taong naroroon, partikular na ang Don. "Sheena!" Sigaw ng doktor sa katulong kasabay ng pagbibigay dito ng nanlilisik na tingin. Tila sumabog na lang ito sa galit sa ginagawang pagtitimpi mula pa kanina. Aware man ito sa totoong nangyari dahil paminsan-minsan ay sinisilip nito ang pilyong kaibigan ngunit imbes na makisimpatya sa mga katulong ay tila kinagalitan pa ang huli sa ginawa nito. Sa isip siguro nito’y ngayon na nga lang ito nag-imbita ng mga bisita sa mansion nito tapos ito pa ang mangyayari. Nagulat naman ang babae at parang napatalon sa pagkakatayo. Napaatras din ito at nilingon ang nagpupuyos sa galit na amo. "S-Sorry po, Don Manuel," nabubulol nitong paumanhin na tila nabahag ang buntot sa ipinakitang tapang nito kanina. Sa taranta nito ay naatrasan nito ang mosquito torch sa gilid dahilan ng pagtumba nito sa kasalukuyang nakatalikod naman na si Karina. Lumapat ang mainit na parte ng torch sa likurang balakang nito dahilan ng pagkagulat rin ng babae at pagbitaw sa daladala nitong isang tray na puno pa rin ng pagkain. Sa kabila ng naramdamang sakit sa napasong likuran ay napatulala lamang ang babae sa nakitang nagkalat na basag at pirapirasong parte ng mga mamahaling plato sa sahig. Doon ay napatayo na si Don Manuel kasabay ng paghampas ng mga kamay sa lamesa. Nataranta ang lahat ng kasambahay sa ipinakitang galit nito. Lahat naman ng pansin ng mga bisita ay natuon rito. Samantalang si Sheena at Karina ay tarantang taranta at hindi alam kung ano ang gagawin. Dagling sumaklolo si Aling Rosita at nauna nang pinulot ang mga basag na plato samantalang napatayo na rin ang bisitang si Tiffany upang hagurin ang likod ng Don upang pakalmahin. May mga umakyat na rin na iba pang kasambahay para tumulong. "Ang hilig mo kasi Eric eh, ayan kinarma ka tuloy," natatawang susog ng katabi nitong pulis na si Jared na bagamat alam nitong labag sa batas at karapatan ng kababaihan ang ginawa ng kaibigan ay hindi na rin nito iyon pinansin pa. Tila ba para sa mga ito’y isang katuwaan lamang ang ginawang pangbabastos ng lalaking iyon. Sinundan naman iyon ng malakas na halakhakan ng karamihan pwera kay Don Manuel na mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Bumaba ito sa pangalawang palapag at nagdirediretso sa isang kuwarto. Doon nito inilabas ang galit sa pagkapahiya, nagbasag ng mga gamit at nagsisisigaw, bagay na kaila sa lahat dahil sa kulob ang kuwartong pinuntahan. Ugali na talaga ng kaibigan nitong si Eric na manghipo sa mga babaeng natitipuhan at sa pagkakataong ito ay hindi nito naisip na aalma ang katulong na iyon. Agad ring iginiya ni Aling Rosita ang kaibigan ng Don papasok sa bahay, papunta sa banyo upang malinis nito ang sarili. Inis na inis ang lalaki habang ipinapagpag ang table napkin sa narumihang damit . Samantalang pagkatapos ng ilang minuto noong humupa na ang tension at bumalik na ang Don at sa magiliw na pag-eentertain sa mga bisita ay parang walang nangyaring gulo. Maayos na nagpatuloy ang tatlong kasambahay sa pagsi-serve sa mga bisita. Sa mga sumunod na sandali ay naging payapa na ang pagdiriwang hanggang isa-isa nang magsiuwian ang mga panauhin. Ngunit bago pa matapos ang gabing iyon ay ipinatawag ni Don Manuel ang katulong na si Sheena upang papuntahin sa isang kuwarto, at doon ibigay ang parusang para sa lalaki ay naaayon lamang dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD