Ang Pagdalaw Isang pakikipagsapalaran ang naging paglalakbay ni Lolong, habang sakay niya sa likod ang dalawang batang-dagat na sina Rina at Kokoy, upang dalawin ang kaniyang matalik na kaibigan na itinuring na rin niyang isang anak-anakan, si Perla. Humigit-kumulang dalawa’t kalahating araw silang naglakbay sa tubig mula Sulo ng Dagat hanggang Isla Batong-Apog na kung tutuusin ay magkabilang dulo ng laot ng sangkaragatan. Mula sa Sulo ng Dagat na hinahanggahan ng Dagat ng Kanaken, una muna nilang nadaanan ang arkipelago ng Nakar na nasa gawing kanluran. Doo’y nasita pa sila ng mga bantay-dagat na tao na naka-jetski, mga bataan ng administrasyon ni Panggulong Asungot, at baka raw sila ang mga espiya ng Ayisa na interesado sa bagong balita tungkol sa mga bagong tayong casino ng mga tao

