Ang Taklobo, Bow Para sa marami nang pangyayari sa mga nauna nang kabanata at para sa marami pang mangyayari sa mga susunod pang kabanata, marapat lamang na bigyang-larawan ang isang palaisipan na maaaring umuukilkil sa kukute ng isang karaniwang mambabasa ng nobelang ito: paano ba nakakakilos ang isang taklobo sa kaharian ng Ayisa? Isang makatuwirang tanong na marapat lamang lapatan ng isang makatuwirang tugon, para na rin sa mas lalo pang ikaliliwanag ng ating kuwento. Napakalaki at napakarami ng silbi ng dalawang talukab ng isang taklobo na isinilang at lumaki sa kahariang-dagat ng Ayisa. Una, ginagamit ng isang taklobo ang kaniyang dalawang magkadaupang talukab bilang kaniyang organ ng pagpapahayag. Ito ang kaniyang bibig. Nasaksihan na natin sa mga naunang kabanata kung paano mags

