Sa Piitan Malamig ang sementadong sahig ng maliit na selda kung saan nakakulong nang mag-isa si Perla. Marahang naglalakad nang pabalik-balik sa magkabilang sulok ng selda ang dalaga. Nag-iisip. Nagpupuyos ang damdamin, subalit hindi hinahayaang ito ang manaig. Sa loob-loob niya, kailangan niyang maging mahinahon, lalo’t alam niyang nasa katuwiran naman siya. Bagaman batid ng ermitanyang dalaga na maaari na niyang i-protesta ang mahigit tatlong araw na niyang pagkakakulong sa piitan ng kapitolyo ng Nakar, mas pinili niyang manahimik na lamang muna sa loob ng piitan. Tahimik, ngunit naninindigan. At dahil nga sa banta ng kaniyang pabalik-balik na bangungot, tatlong araw na rin siyang walang tulog. Naging labis-labis na ang pag-iisip ni Perla, at mababakas na ito sa kaniyang mukha. “Kas

