Kabanata 12

1082 Words

Isang linggo makalipas ang araw noong unang maiulat na nawawala ang Haring Dagat. Singtaas na ng isang burol ang tambak ng buhangin, bato, at koral na nakapalibot sa lambak na nagsilbing piitan ng Hari ng Dagat. Tumpak na nga ring marahil tawagin itong burol dahil sa dalawang kahulugan ng salitang ito. Ang buról bilang isang gulod, o pook na mataas at anyong gulugod; at ang búrol bilang panahon ng pagbabantay sa bangkay bago pa ito ilibing o ang bangkay na pinaglalamayan bago ilibing. Subalit bukod sa ganitong kahindik-hindik na paglalaro sa salita, mayroon pa rin kasing nakakikilabot na tanawin sa mismong sahig ng lambak. Ang nakalupasay nang pinuno ng Ayisa, nangayayat na ang hugis-tao niyang lawas na bula. Nakapanghihinang masdan ang isang imahen na, noong nakaraang isang linggo laman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD