bc

Villa Cattleya 6: Endless Love

book_age18+
620
FOLLOW
1.5K
READ
friends to lovers
pregnant
kickass heroine
brave
boss
single mother
drama
bxg
heavy
small town
like
intro-logo
Blurb

Para kay Cameron, si Damian ay isang prinsipe. Narito na yata ang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae sa isang lalaki. Guwapo, mayaman, at napakabait. Hindi na siya nagulat o nagtaka nang mahulog nang husto ang loob niya rito. Minahal niya ito nang sobra-sobra.

Napakarami niyang mga pangarap para sa kanilang dalawa at para sa kanyang sarili. Punong-puno siya ng pag-asa. Alam niya na ito na ang nais niyang makasama habang-buhay. Alam niya na ito lang ang mamahalin ng kanyang puso magpakailanman.

Ngunit may nangyari upang mawala sa kanya ang lahat ng pag-asa at pangarap niya. Halos hindi na niya gustong mabuhay pa. Hindi siya naging karapat-dapat na prinsesa para dito. Dahil sa sobrang pagmamahal niya, hindi niya maatim na maging makasarili. Kinailangan niyang itaboy ito patungo sa ibang prinsesa na nararapat para dito.

Kahit masakit, pakakawalan niya ito...

chap-preview
Free preview
1
HINDI mabura ang magandang ngiti sa mga labi ni Damian habang pinagmamasdan ang luntiang paligid na nadaraanan nila. Nakapasok na sila sa Mahiwaga at malapit na rin sila sa Villa Cattleya. He could hardly contain his excitement and happiness. Tinapik niya si Travis—ang pinsan niya—na kanina pa natutulog. Umungol ito bago dumilat. “Nasaan na tayo?” inaantok na tanong nito. “Nasa villa na tayo?” “Malapit na,” sagot niya. “Ayusin mo na ang sarili mo. Ayokong humarap kay Lola Ancia na ganyan ang hitsura mo.” Tumawa ito nang malakas. Pinasadahan ng mga daliri nito ang magulong buhok nito. “What’s wrong with me? I look good. Ito ang uso ngayon, pinsan. Ang guwapo ko kaya. Kunsabagay, kung ihahambing ako sa `yo, magmumukha nga akong snatcher na nakatambay sa kanto. Pinsan, kailan mo babaguhin `yang porma mo?” Tiningnan nito ang kabuuan niya. “Magkaedad lang tayo pero mukha ka nang teacher. Masyado kang pormal manamit. Palaging nasa ayos ang buhok mo, ang mga damit mo. Masyado kang stiff.” Hindi siya nainis sa mga sinabi nito. Hindi siya nagpaapekto dahil ayaw niyang mabawasan ang kaligayahan at excitement niya. “Just fix your hair, Travis. Saka mo na ako pagsabihan tungkol sa ayos ko. Alisin mo ang mga muta at laway mo. Bakit ba kasi nagpuyat ka kagabi? Alam mo namang pauwi tayo ngayon sa villa.” Madaling-araw pa lang ay sinundo na nila ito sa mansiyon ng tiyuhin niya. Tulog na tulog ang loko dahil napuyat sa kakalaro ng video games. Halos buhatin na ito ng driver nila pasakay sa kotse. Hindi na ito nakapagpalit ng damit-pantulog. Ni hindi ito nakapaghilamos. Pangalawang anak ni Uncle Intoy si Travis. Nakababatang kapatid ito ni Kuya Eduardo. Dahil  magkaedad sila, sila ang malapit sa isa’t isa. Pareho sila ng eskuwelahang pinapasukan. Madalas na hindi naniniwala ang ibang tao na magpinsan sila. Magkaibang-magkaiba raw silang dalawa. Travis was cool and he wasn’t. Hindi siya mukhang nerd kagaya ng Kuya Mitch niya. Masyado lang daw siyang stiff at pormal. Madalas na nangingilag ang mga taong lapitan siya. Napakapormal kasi niya. Madalas sabihin sa kanya ni Travis na baguhin niya ang ayos at pananamit niya. He refused to do that. He was comfortable with himself. Kung magugustuhan siya ng iba, dapat ay magustuhan siya bilang siya. Hindi dahil maganda ang pananamit niya at lalong hindi dahil sa estado nila sa buhay. Binuksan niya ang bag ni Travis at naglabas ng mga damit na maaari nitong ipampalit.  Tradisyon na para sa kanila ang pagbabakasyon sa Mahiwaga tuwing summer. Sila ni Travis ang pinakamaagang darating sa villa ngayong bakasyon. Ang iba ay sa susunod na linggo pa darating. Ang kapatid niyang si Kiyora ay may summer music class. Ang ilan ay sa isang buwan pa. Ang iba kasi nilang mga pinsan ay may ibang lugar na pupuntahan ngayong summer. Kagaya ni Phillip na madalas nilang makasama sa lungsod, ngunit madalang nila itong makasabay sa pagbabakasyon sa Mahiwaga. Mas malapit kasi si Phillip sa abuelo nito sa ama. “Excited ka na naman sa mga hayop, `no?” nakalabing tanong ni Travis. Tumango siya. Hindi na kaila sa mga ito ang pagkahilig niya sa mga hayop. Nais niyang maging veterinarian. Nais niyang manatili sa Mahiwaga kasama ang maraming hayop. Siya lang ang nakakaalam na hindi lang dahil sa mga hayop kaya siya excited tuwing nagbabakasyon siya sa Mahiwaga. Napapabuntong-hininga na nagbihis si Travis. He pouted like a boy. “Sana talaga, kasama natin ngayon si Phillip. Hindi naman kita makakasama sa camping at hiking, eh. Mas gusto mong kasama ang mga hayop. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong tumulong sa pag-aalaga ng mga hayop tuwing  bakasyon. Is that your idea of fun? At least, kapag narito si Phillip, makakapag-camping kaming dalawa. Ayoko ng camping at hiking pero hindi naman puwedeng manatili ako sa villa palagi. Lola hates it whenever I play video games. Uumpisahan na naman niya akong lecture-an tungkol sa mga katutubong laro. Madalas kong sabihin sa kanya na may mga tao talaga na hindi mahilig sa sports. Piningot niya ang tainga ko at inutusan akong mag-hiking. Makabubuti raw `yon sa katawan ko. `Tapos ang daya kasi sina Xander at Wilt hinahayaan lang niya na nakaupo palagi sa library.” Natawa siya. Madaldal si Travis, bagay na gusto at ayaw niya rito. Minsan ay nakakaaliw ito, ngunit madalas din na naiinis siya rito. Minsan ay daig pa nito ang babae sa kadaldalan. Ang tinutukoy nitong Xander at Wilt ay mga nakababatang kapatid nito. “Alam mo namang favorite si Phillip ng Lolo Aurelio niya kaya hindi siya madalas na nakakasama sa `tin tuwing bakasyon,” aniya. Noong mga bata pa sila, madalas silang mangulit ni Travis sa mga kuya nila na isama sila sa laro, ngunit palaging tumatanggi ang mga ito. Ang Kuya Mitch niya ay malapit na malapit sa kuya ni Travis na si Kuya Eduardo at kay Kuya Cecilio na nag-iisang anak ng Uncle Enyong nila. Si Travis ang nakaisip na bumuo rin sila ng sarili nilang grupo upang hindi na sila pilit na nakikisali sa mga kuya nila. Madalas nga lang nilang hindi makasama sa mga lakaran si Phillip dahil palagi itong abala sa kung ano-anong mga gawain na ipinapagawa rito ng lolo nito sa ama. “Sige na, ayusin mo na `yang hitsura mo at malapit na tayo,” utos niya rito.  Tumalima na ito. Hindi nagtagal ay pumarada na sa harap ng Villa Cattleya ang sasakyan. Nakaabang na sa kanila ang kanilang Lola Ancia. Nag-unahan sila ni Travis sa pagbaba. Na-miss nila nang husto ang kanilang abuela. Sabay nilang niyakap ni Travis ang lola nila at pinupog ng halik. Natawa si Lola Ancia. “Welcome home, mga apo. Kayong dalawa lang?” “Susunod po next week ang iba,” tugon niya. “I’ve missed you, Lola,” ani Travis. “Kahit na lagi mo akong pinagbabawalang maglaro ng video games, love na love pa rin kita.” Hinagkan nito ang kanilang mga pisngi. “Mahal na mahal ko rin kayo. Mahal ko lahat ng mga apo ko.” Kahit na hindi niya sabihin, alam ng lola niya na mahal na mahal niya ito. Hindi talaga siya ang tipo ng tao na madalas na nagsasabi ng nararamdaman. May-pagkamahiyain pa siya. Hindi siya kagaya ni Travis na hindi nahihiyang sabihin ang nararamdaman nito. Inakay sila ng lola niya papasok sa villa. Masayang-masaya siya na makauwi. Lahat sila ay itinuturing na tahanan ang magandang villa na iyon. Malakas ang pakiramdam niya na magiging napakasaya at espesyal ng bakasyon na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook