PAYAPA ang pakiramdam ni Cameron habang sakay siya ng bus pauwi sa Mahiwaga. Hindi niya inakala na kahit paano ay makakahanap siya ng kapayapaan ng loob sa ginawa niya. Bago siya umuwi ay dinalaw uli niya si Royce sa kulungan. “I’m really so sorry, Cameron. Alam kong kalabisan kung hihilingin kong sana ay makita ko ang a-anak natin. Sa palagay ko rin ay hindi pa ako handang harapin siya. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nahihiya ako. Alam ko rin na wala akong karapatang maging ama. Pero ipinapangako ko sa `yo, mas pagsusumikapan ko pang magbago, mas magiging mabuting tao ako kahit na narito ako sa loob. Aasa ako na pagdating ng araw, makikilala ko rin siya. Aasa ako na mapapatawad mo ako kahit na tila imposibleng mangyari. Aasa ako at magdarasal dahil `yon lang ang kaya kong gawin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


